Chapter 14

1 1 0
                                    

Mayson?! Dun palang nagulat na ako dahil umasa nga ako sa sinabi ng magulang nito na ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan niyang iyon. Kay Christian ko lang din naman narinig na mukhang may iba pa ngang tumatawag dito. At mukhang siya nga iyon.

Matangkad ito, maputi, makinis ang balat at sexy. Mahaba ang kanyang buhok at matangos ang ilong pero hindi kasi ako nagagandahan sa isang babae na may makapal na kolorete sa mukha. At meron siya nun, naka cocktail dress pa ito tapos ang daming accessories na naka sabit sa leeg, mga bracelets sa braso at sing sing sa kamay.

"aren't you glad?" ngiti pa nito pero si Jacob ay umayos lang ng upo sa aking tabi habang himas padin ang aking kamay.

"si Irish" pakilala niya rito sakin. Nag lahad naman ito ng kamay kaya inabot kona rin ang akin.

"Ria" ako na ang nag sabi ng aking pangalan mukha kasing walang balak si Jacob na ipakilala naman ako rito. "iwan kona muna kayo" paalam ko rito.

"pupunta lang akong washroom" tingin ko naman kay Jacob saka iniwan ang mga ito. Sumunod naman agad sakin si Wilbert pero medyo natagalan din ako dahil siksikan ang daan at ang haba ng pila sa wash room.

Foggy narin ang place dahil may mga nag smosmoke sa gilid. not totally sa luob pero sa may exit doon malapit sa c.r masyado atang marami nag sasabay sabay kaya pumapasok din ang usok sa loob.

grupo grupo halos ang nakikita ko at lahat ay mga naka pustura. mapa bababae o lalaki man. ganun nga talaga kataas ang mga tao dito pero hindi ka kasi pedeng mang husga base sa mga suot nila. but i know that for a while they are happy by spending it with their friends.

Pag balik ko naman sa aming table ay wala si Jacob. Luminga linga ako pero hindi ko siya makita kaya naupo nalang din ako. Ang mga kaibigan naman nito ay busy mag kwentuhan din samantalang si Christian naman ay umupo na sa tabi ko. Ewan ko naman kung saan galing ito.

"did Irish snatch Jacob?" kibit balikat ko naman rito saka naman ito ngumiti lang sakin. mukhang may tama narin itong si Christian.

"si Irish lang naman ay patay na patay dyan sa kaibigan ko. Noon pa ng kababalik niyang galing states" halata naman kasi. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang kailangan masanay din akong ganun lagi ang gagawin ni Irish pag nasa bar ang mga ito.

"she will always be present kung saan mang bar namin maisipan pumunta. Pero ang score ay hanggang halik lang at wala ng iba" hanggang sa nahanap naman ng paningin ko ang dalawa. Nasa tapat ko sila at may mga kausap na mukhang kaibigan din nila. Pero itong babaeng ito ay hindi na matanggal ang pag kakakapit kay Jacob.

"she always try kung mag wowork sila pero hindi. Tuwing nasa bar lang ang kanilang harutan pero pag lumabas na wala narin. Irish likes the fame kaya mas lalo siyang dumidikit dito lalo na alam niyang may media sa paligid. Gusto kasing sumikat niyan at gagamitin niya si Jacob para umangat"

"meron ba ngayon?" tanong ko naman rito. Kibit balikat lang naman ang sinagot nito sakin.

"kung ako sayo kukunin kona siya" sabay nguso nito sa dalawa.

"hayaan muna. Mukhang nag eenjoy din naman siya sa ibang kaibigan nila. Tsaka sanay naman na kayo sa prisensya niya eh. Tignan mo o kahit naka kapit sakanya si Irish okay lang sakanya" nagulat naman ito sa reaction ko. Naiinis kasi ako sakanya, pati sa kwento ni Christian.

Napuna ko naman ang galak sa babaeng iyon. Halos dikit ng dikit rito pero itong si Jacob naman ay mukhang sanay na kaya hindi narin pinipigilan pa. tatawa na nga lang yayakap pa sa braso nito. Medyo nainis nadin ako kaya kumuha na ako ng beer.

Si Christian naman ay nakipag kwentuhan narin sa mga kaibigan niya. Ako naman ay panay lang ang linga sa paligid. Wala naman akong magawa kaya panay lang ako inom ng beer. Kumakain lang din ako ng chips at ganun at ganun padin. Iniwan lang naman kasi ako ng kasama ko.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now