Chapter 18

1 1 0
                                    

Nang naka pasok na ang aming sinasakyan sa bukana ng city ay umayos na kami ni Jacob. May napansin nadin kaming mga tauhan sa loob ng bus. Dalawa sa mga naka halong pasahero at ang isa ay ang kundoktor. Nag aabang kami ng pede pang may iabot samin dahil malapit narin kaming bumaba.

Nang kami naman ay huminto sa terminal ay nag ayos na kami ng aming itchura upang hindi kami makilala. Tulad nga sabi ng pamilya ni Jacob ay sumakay kami sa trike na natatanging naka abang sa amin sa loob ng terminal. May dalawang jacket duon na aming sinuot kahit napaka init upang kami ay maka tago.

Naka masid kami kung saan kami dadalhin, ang sabi kasi ay iuuwi na kami sakanila pero hindi yun ang daan na tinutumbok ng drayber. Kung saan saan niya kami nililiko at sobra pa kaming natutuwa dahil naiiwasan niya ang trapik ng lugar na iyon.

“baby… I think we’re not safe tonight” kinabahan naman ako sa sinabi ni Jacob.

“your dad told you Mayson. How come we’re not safe?” kumapit ako lalo rito. Pinuna niya agad ang drayber pero kita naman namin duon sa kanyang tenga ang palatandaan nito.

“some one stood up love” binigyan ko naman ito ng weird na tingin. Naguguluhan na kasi ako sa mga haka niya pero totoo talagang hindi kami basta basta dapat mag tiwala.

Nag hahanap si Jacob ng tyempo kung saan pwede kaming bumaba. Ngunit ang drayber halos hindi ata alam gumamit ng preno kahit may kurba ang daan o liliko man ito sa kung saang kanto. Kahit lubak ay hindi man lang nito magawang iwasan.

Ngunit pag lipas ng sampung minuto ay may bigla siyang inabot sa aming telepono. Naka on na agad ang tawag kaya nag salita na agad si Jacob.

“dad?!”

‘anak nasundan kayo! May lilikuang matalahib ang driver at duon kayo agad tumalon. Pag ka likong pag ka liko palang. Naka track kayo sa amin gamit ang inyong damit at wag na wag mong papatayin ang tawag! Humanda na kayo!’

Pinakapit na ako agad ni Jacob sakanya dahil ako ang unang papatalunin nito. Inayos niya ako sa tabi ng bukana. At pag kaliko ng trike ay tumalon kami agad at bumangon upang maka takbo. Hatak hatak ako nito habang ang telepono ay nasakanyang tenga.

Hindi parin kami tumitigil sa pag takbo at pag liko liko sa lugar. Ni hindi ko magawang lumingon sa aming likod. Hindi ko na rin alam kung saang lugar ito pero maraming tao ang nandun at aming nababangga dahil sa bilis namin. Nakakahingi naman kami ng tawad pero alam naming hindi sapat iyon kaya dali dali padin kami.

Sa pang anim naming liko ay may humarang na van at bumukas agad ang pinto at agad kaming isinakay. Umandar ito agad ng kami ay nasa luob na. pinayuko kami at duon na ang simula ang palitan nila ng baril. Even Jacob gets his gun and shoot at the back of us. Kahit ang driver ay nakikibaril habang nag mamaneho ito. Laking pasalamat kopa ng walang ibang sasakyan ang aming dinadaanan.

May sinusundan din silang daan na naka track sakanilang telepono pero ako ay halos mag sumiksik na sa sahig ng sasakyan upang di matamaan. Kanya kanyang takip ang ginawa nila sakin para lang hindi ako mapuruhan. Puna ko rin ang pag ligtas parin nila kay Jacob at halos hindi nila ito hinahayaang makabaril at tinatakpan ang pag kita sa mga kalaban.

Naka rinig nalang ako ng pag sabog at mukhang napuruhan nila ang sasakyang sakay ang mga ito. Inalalayan agad ako ni Jacob at niyakap upang kami ay parehas mapanatag.

“Master! Mag suot kayo ng vest at dadalhin namin kayo sa hide out” salita ng isa sa mga ito.

“you have to check if someone is still following us. You cannot just open the hide out habang maliwanag pa” sigaw nito.

“ang sasakyan sa likod natin ay mga kasamahan pa ulit namin. Ililigaw natin ang iba pang naka sunod at paniguradong gabi na tayo makakarating sa lugar na yun”

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now