Chapter 23

2 1 0
                                    

The next day I was packing all of my clothes. Gusto ko munang umuwi samin upang makapag pahinga. Ayaw ko dito dahil mas nasasaktan lang ako at punong puno ng takot ang dib-dib ko. Inside the bag that I packed yesterday ay may nilalaman palang pera. nukhang inilagay yun ng kung sino ng hindi ko nakikita. Binalot ko ito ng damit upang hindi mahalata saka ko kinuha ang susi ng sasakyan.

Binaybay ko agad ang daan ng walang pag aalinlangan. Nilaksan ko ang radio para yun ang marinig ng utak ko at wala ng iba. Wala naman akong telepono kaya alam kong mapapanatag ako pero sa kabilang isip ko ay gusto kong malaman kung nasan ang mga tao nakasama ko at bigla nalang nawala na parang bula. basta umalis nalang ng bansa at hindi ko alam kung babalik paba.

Nag tungo na muna ako sa orphanage upang bumisita sa mga bata. Tanging wallet ko lang ang bit bit ko at iniwan na sa loob ng sasakyan ang aking gamit. Sinalubong ako ng mga madre at ng makita ako ng mga bata ay lahat sila yumakap sakin. Wala akong dalang kahit ano kaya nakipag laro nalang ako sa mga ito.

Nang mag tanghalian naman ay pwinesto na namin ang mga bata sa kainan, nag dasal nadin muna bago kumain. Si sister Angela ay kanina pa ako pinag mamasdan at alam kong lahat sila ay may katanungan sa lahat ng nangyari sakin roon.

“kamusta ka anak?”

“mabuti naman po sister. Pasensya napo kung ngayon lang ako naka dalaw” hawak naman nito sa kamay ko.

“naiintindihan ko Ria. Pero lagi mong tatandaan na andito lang kami kung kailangan mo ng kausap. Noon pa man malihim kana. Pero sana ngayon matuto kang kausapin kami o kahit ang panginoon man lang” tipid kong ngiti dito. Tinapik muna niya ang aking kamay saka naman nadin niya ito binitawan.

Ayoko ng balikan ang ang nangyari sakin ng mga nakaraang araw. Halo halo na sila sa isip ko. Sasabog na ako pag may dumagdag pang problema at di kona kakayanin bumangon pa. kahit anong pilit kong maging matibay ay parang mas nahihirapan akong sumuko.

“ate Ria pwede ba akong sumama sayo. Hatid mo nalang ako dito bukas” iyak na sabi naman ni Pepa sa akin. Sa lahat ng bata dito ay si Pepa ang pinaka malapit sa akin. Iniwan to ng tunay na magulang niya sa ampunan at ng kalaunan ay namatay din. Hindi na namin sinabi dito dahil hindi pa niya kakayanin.

“halika ipapaalam natin kay sister. Kukuha nadin tayo ng gamit huh?” pantay ko rito at saka kinumbinsi. Huling dalaw ko kasi dito ay nalaman kong umiyak pala ito ng umiyak at nag kasakit din pag tapos.

Nang maging handa si Pepa ay nakapag paalam na kami sa lahat. Gusto man sumama ng iba ay hindi kona kakayanin. Pinayagan naman kami ni sister Angela kaya sa akin na muna daw si Pepa hanggang kaya ko. Pasakay na kami ng sasakyan ng biglang napadapa kami ng bata dahil sa impact ng pag sabog.

Dahan dahan ang lahat sa paligid ko ng dahil sa pangyayaring iyon. Wala akong narinig na kahit anong ingay, ni ultimong iyak ni Pepa na ngayon ay karga karga ko ay hindi ko rin marinig. Tumigil ang lahat ng nasa kaloob looban ko at pinag masdan ang lumiliyab na ampunan. Manhid na na manhid na ako, ang mga bata na kanina ay nag papaalam ngayon ay mga gutay gutay na sa sahig. Pati ang mga madre ay ganun din.

May rumispondeng pulis, ambulansya at ibang taong nakikiosyoso pero ako ay tulala padin sa isang tabi habang hawak si Pepa. Ni ultimo iyak hindi ko na alam kung meron pa ba akong ilalabas. Wala akong maramdaman sa ngayon. Basta alam kong may hawak akong bata sa aking kandungan at sa sobrang iyak ay nakatulugan nalang.

Ininterview ako ng pulis pero wala akong marinig sa mga sinasabi niya. Nakatutok lang ang mata ko sa mga bangkay na inaayos nila ngayon at ang pag patay nila ng apoy sa gusali.

Sabi ko sa sarili ko hindi ko kakayanin maging mag isa pa. ang sabi ko ay baka pag may nangyari pang iba ay susunod nadin ako sakanila para matapos na. narinig iyon ng panginoon kaya ipinasama niya si Pepa sakin upang hindi ko sukuan ang mundo.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now