Chapter 40

2 1 0
                                    

Nang umagang iyon ay nag aayos ako ng gamit ko bago ako pumasok ng opisina. Nakapag bihis nadin naman ako inaayos ko lang ang nga gamit sa aking bag.

“morning mama” pasok ni Pepa sa kwarto habang nag pupungas pungas pa ng mata.

“morning baby!” lumapit na ako rito saka ito sinalubong ng yakap. “bakit gising kana? Maaga pa ah?” nguso nito sakin.

“can I come to your office?” napa nguso din naman ako sa sinabi nito.

“you have school later baby. Tsaka papasok nadin si mama maya maya. Mama can’t be late remember?” tango nito sakin pero naka simangot padin.

“why don’t I pick you up after school. Then you stay in my office. Is that okay?” napa ngiti naman ito ng bahagya saka tumango. “you lay down here for a while. Mama will fix my make up lang then sabay na tayo labas okay?” tango nito muli sakin.

Humiga naman na ito sa kama habang naka tingin sa akin sa salamin. Hinayaan ko naman ito roon saka naman ako nag lagay ng make up. Nag suot nadin ako ng heels saka kinuha ang bag sakanyang tabi.

“let’s go anak. You eat your breakfast na huh?” lumabas narin kami ng kwarto saka tinungo ang dinning area. Nagulat naman si Jennie ng makitang kasama kona si Pepa.

“ang aga naman magising ng batang iyan?” lambing nito at natawa nalang naman si Pepa.

“susunduin ko kayo mamaya. Gusto daw niyang sumama sa opisina. Dalhan mo nalang siya ng spare niyang damit” napatango naman si Jennie sakin saka na ako bumaling kay Pepa.

“mama needs to go okay?! I’ll pick you up later?”

“okay mama! Love you!”

“love you too anak” halik ko sa noo nito “bye!” kaway ko rito. “mauna na ako Jenn!”

“ingat ka!” paalala nito bago ako lumabas ng pinto.

“opo!”

Bumaba na ako ng parking at nag tungo sa sasakyan. Saka kona rin binaybay ang daan papuntang opisina. As usual pag dating ko doon ay sinalubong nanaman ako ni Maggie para sa schedule ko ngayong araw.

“nga pala ma’am. Nasa opisina niyo po si sir Christian kanina pa-“ naputol naman ang sasabihin pa nito ng napahinto ako sa sinabi niya.

“bakit daw?” taka ko rito.

“wala naman pong sinabi. Ang aga po kasi at kaka bukas ko lang po ng kwarto niyo nun ng sumingit na siya dun at nag hintay” tango ko rito saka namin tinungo ang elevator.

Napa isip naman ako kung bakit ganto kaaga itong dumating ng opisina. 7:30 palang at minsan ang dating nito ay pasado alas otso o alas nueve na. Wala naman kaming meeting ngayon kaya lubos lubos ang pag tataka ko rito.

Tumambol naman agad ang kaba ko ng malapit na ako sa pintuan ng aking opisina. Bumuntong hininga na muna ako bago pumasok.

Christian is standing near my window. Naka cross arm ang kaliwang kamay habang nakapatong ang kanan at nakapangalumbaba. Naka polo shirt lang ito, jeans and a rubber. Mukhang may lakad itong iba at dumaan lang sa opisina.

“morning” bati ko rito saka naman ako hinarap. Nilapag ko ang gamit ko sa may swivel chair at tinignan ito.

“morning… sorry for being early” ngiti ko rito ng bahagya saka nag cross arms.

“okay lang. boss parin naman kita” napatango lang naman ito.

“the northern company wants us to be there. Nirequest daw ng client na makaharap din tayo sa presentation nila para mamaya” nagulat ako sa sinabi nito. Naka pangako pa naman ako kay Pepa ngayon. Pero sana sa sekretarya nalang niya pina utos ito. Pwede namang ganun.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now