Chapter 11

3 1 0
                                    

I was with Martina kanina pang umaga. Nag hahanap siya ng damit na babagay kay Samara para sa darating na birthday nito. Nag request daw kasi ang side ni Samuel na mag karoon ng engrandeng party para sa apo nila.

Magiging reunion din daw yun ng family ni Samuel kaya sila nag request. Pero syempre with the family of Martina din. Hindi naman daw sila papatalo dun. Kaya medyo malakihang party iyon both sides.

Naka bili na siya ng dress at shoes ni Samara. Bumili narin siya ng dress niya at ngayon nag hahanap naman kami ng pwedeng iregalo sa bata. Pati tuloy ako napapahanap ng regalo at hirap na hirap dahil lahat na ata ng laruan ay nasa kanya na.

“Martina nahihilo na ako! At sakit nadin ng paa ko. Ano paba hinahanap mo?” reklamo ko rito. Sa opisina kasi laging tinatamad yan. Pano naka upo lang at panay basa ng mga papeles. Kaya pag nasa labasan kami kahit mag damag ata siyang mag iikot hindi siya napapagod.

“isa nalang! Damit nalang ni Samuel tapos mag snack na tayo!”

“pang limang mens’ store na to. Naloloka na ako sayo! Pati si Wilbert pagod na satin kakasunod!” sumalampak na kasi sa upuan si Wilbert at hinihilot na ang binti sa sobrang manhid.

“may nakita na ako dito. Pag tapos pede na tayong kumain huh?!” hinayaan kona siya at tumabi nalang kay Wilbert.

“pasensya kana at pinagod ka nitong kasama ko” hingi ko ng tawad dito.

“okay lang po ma’am! Naguguluhan lang po ako sa mga babae na kayang mag ikot sa buong mall at bumili ng kung ano ano”

“ganun ba ang dati mong boss?”

“si Lady Jane po? Nako hindi ma’am! Pupunta yun sa mall at uupo at ipapakita sakanya ng stylist ang mga damit na bagong labas at dun siya mamimili. Tamad po kasing mag iiikot yun. Minsan po sa bahay lang din niya pinapadala. Marami po kasing na ngungulit sakanyang mga media” tango ko naman rito.

“bat ka umalis sakanya?”

“hindi naman po ako umalis. Nailipat lang po ako kay Master Jacob dahil may asawa narin po kasi siya at nasa ibang bansa na”

“bakit nga ba Master tawag niyo kay Mayson?”

“yun po ang trip niya nung bata pa siya. Minsan naiirita narin siya pero nasanay na po kami” tango tango ko naman dito.

At sa wakas natapos din si Martina sa pamimili niya. Nag punta kami sa isang restaurant upang kumain at mag pahinga na lang. pagod na pagod talaga ang binti ko. Nakakaloka tong babaeng kasama ko dahil walang naramdamang pagod.

“sainyo tong mall na to diba?! Bakit hindi kana lang nag pahanap sa mga stylist para sainyo ni Samara?”

“ayoko namang mang istorbo no! tsaka ang pag iikot nalang kasi ang way of enjoyment ko bibilisan ko paba??” nanlumo naman ako sa sinabi nito.

“at least let them prepare the choices of clothes diba?! Nanigas muscles ng paa ko sa kaka ikot natin. Take note! Naka rubber shoes na ako samantalang ikaw naka heels” nguso naman nito sakin.

“sorry Ria! Pero thank you kasi sinamaham moko” hawak pa nito sa kamay ko. Nag papa cute pa kasi ito kaya tinawanan ko nalang.

Since sinundo ko si Martina ay kami narin ang nag hatid rito. Pinapasok na muna niya kami at parehas kami ni Wilbert na nag pahinga. Nakipag laro naman ako kay Samara na nag plaplay ng kitchen toy kaya nakigulo nadin ako.

“you like kids?” gulat naman ako ng may nag salita sa aking likod.

“I do! I love playing with them” tango nito sakin.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now