Chapter 31

2 1 0
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nag sipag gising lahat. Maaga rin dumating si Christian na ikinagulat ko. Sabay sabay nalang kaming nag almusal dahil ng umalis daw ng bahay ito ay tulog pa ang mga kaibigan niya. Naimagine kona din ang magiging itchura ni Martina mamaya kapag hindi nasunod ang oras ng aming pag alis.

Si Pepa naman ay excited na makapasyal. Si Christian din kasi ay nag kwe-kwento patungkol sa resort nila kaya halos hindi na ito nakakain sa sobrang excited. Mag kasundong mag ka sundo talaga ang dalawang to. Mas madikit pa nga ang dalawa kesa samin eh. Kung nang iispoil daw ako sabi ni Jenn ay mas matindi ang ginagawa ni Christian dito. Nakakatuwa silang tignan pag ganun sila ka close na dalawa.

Thirty minutes before the call time ay bumyahe na kami papunta kela Martina. Naka convoy nadin ang guards na kasama namin. Ginamit nalang nila ang kotse ko papunta roon. Pinakuha ito ni Christian kagabi kela Martina para maihatid sa condo.

Pag dating namin dun ay natawa kami ni Christian dahil nalula si tita Sita sa laki ng bahay. Lalo na ng makapasok ito sa loob. Naka busangot namang si Martina pag salubong samin.

“the fuck Christian! Asan na ang mga kaibigan mo?!” kulang nalang ay may lumabas na apoy sa bibig nito sa galit. Tatawa na sana ako kaso talagang galit na galit na ito.

“good morning din sister” loko nito rito “might stop getting mad and watch your language may bata kaming kasama” laglag balikat naman nito.

“si Jennie pinsan ko tsaka si tita Sita ang mama niya. Yung baby naman anak ni Jenn” pakilala ko sa mga ito.

“Martina po” ngitian nalang naman ang mga ito “pasensya napo sa pag sigaw ko. May mga tao po kasoig hindi nanaman sumunod sa usapan!” natawa nanaman kami rito. Pinaupo ko nalang muna sila sa may sala saka naman namin sinundan ni Christian si Martina.

“asan si Samuel?” puna ko rito.

“ayun! Kagigising lang. mga nag inom pa kasi kagabi kaya late tayo ngayon” baling nito sa kapatid.

“it’s not my fucking fault! Si Samuel ang nag aya kagabi. Sana pinigilan mo!”

“as if I can do that?!”

“chill guys! Ang aga pa para mag bangayan. Please lang tigilan niyo na” suko ng dalawa sakin “call Dos and I’ll call Matteo” utos ko kay Christian na sinunod naman nito. Si Martina naman ay nag paalam na munang aakyat.

Nag punta naman kami sa likod bahay at kinontak ang mga taong hinihintay namin. Kagigising lang daw ng mga ito at nag kanya kanyang ligo nadin. Nag punta ako sa may Cabana at dinama ang hangin ng umaga. Payapa, maaliwas at ang sarap sa pakiramdam.

“still sleepy?” tabi ni Christian sakin.

“nope. Nakatulog naman ako ng maayos kahit papano. Ikaw ba?”

“my head is aching actually. Bitin kagabi” ngiti nito sakin.

“I have medicine in my bag. Ako na muna mag dri-drive papunta”

“I can drink that med and drive us there okay?” tango ko naman dito.

Samantala sa may pinto naman ng likod bahay ay nakatunghay si Samuel at pinapanuod si Ria at Christian. Napa kunot noo nalang ito at nag taka sa dalawa.

“hon?” tawag nito sa asawa. “is Christian and Ria that close? Mukhang may something” tumabi naman ang asawa nito at pinag masdan ang dalawa.

“I feel it too hon. Actually kakabati lang nila kagabi. May pinag awayan daw sila. Hindi naman nabanggit” tango ni Samuel.

“they look good together no? mas bagay sila kesa kay Jacob” tapik naman ni Martina rito.

“kailan kapa naging love expert?! Kumain kana nga!” natawa lang si Samuel dito saka naman na ito umupo sa hapag kainan.

Fall of the AutumnNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ