Chapter 8

2 1 0
                                    

Ng lunes ding iyon ay pumasok din ako agad. Gustohin man nilang mag pahinga ako ay hindi naman ako sanay. Kahit noon na may sakit ako ay ginagawa kopa rin na makapasok sa trabaho.

Mukhang wala nga talagang nakakaalam sa opisina ang gulong nangyari nuong biyernes. Panay bati parin sakin ng tao at kahit ang mga security ay ganun din.

Naka sunod sa akin ang isang guard ni Jacob na si Wilbert. Binigay niya ito ng maihatid ako ng sabado ng gabi sa aking condo. Kinuhaan din ako nito ng isang maid na makakasama sa bahay. Nag talo pa kami dahil duon.

‘hindi mo naman kailangan pa akong bigyan ng guard. Hindi ako komportable na may lalaki sa condo ko dahil mag isa lang ako roon!’

‘kaya nga bibigyan din kita ng maid na makakasama mo. Para po maging komportable ka rito’ pag pupumilit nito.

‘wala naman silang tulugan dito eh’

‘I know! They’ll stay until eleven pm and be back around five in the morning’

‘makakatanggi paba ako?’ ngiti nito sakin.

‘kahit tumanggi ka andyan padin sila para bantayan ka’ pa cute nanaman nito sa akin.

Kaya tuloy kahit saan ako mag punta ay andun siya. Lalo na sa opisina, pinaupo ko na nga lang siya sa may sofa dahil naasar na ako na kanina pa may naka tayo sa aking pinto. Hindi ako sanay sa laging may kasama noon pa man, ano pa kaya yang gwardya?!

Ng tanghalian naman ay sinundo naman ako ni Martina at nag ayang mag lunch sa malapit na restaurant. Nag lakad lang kami kaya parehas na naka sunod ang bantay namin.

Dinner lang ang pinuntahan namin. Nag cracrave daw kasi siya ng burger. Nag order naman din ito ng twister fries. Ako naman ay longganisa pasta tsaka buffalo wings.

“kamusta ka? Hindi kasi na kwento sakin ng buo ni Christian ang nangyari” usisa nito sa akin.

“okay naman ako... Marka nalang talaga ang naiwan" pakita kopa rito "Naka baba na kasi ako ng lobby nun kaya nag tago lang ako sa may gilid... Lalo na nung naka rinig ako ng putok ng baril... Nahuli ako ng isa saka naman may tinakip na panyo sa bibig at ilong ko kaya naka tulog ako. Nagising ako nakatali na ako sa upuan”

“sa tingin mo anong nangyari sa mga yun?” ako naman ang nag taka sa tanong niya. “kung napansin mo, wala namang pulis na kasama sila Jacob kaya nag taka kami ni Christian dahil hindi naman umabot sa mga pulis yun”

“actually nag report ako sa mga pulis... Tinawagan ko si Christian pero hindi nag ring. Huli kong natawagan si Mayson at sabi niya malapit na siya pero nakuha ako kaagad” tango nito sakin.

“ibig sabihin wala rumispondeng pulis nun?”

“yun ang sabi ni Christian... Ayaw masangkot sa gulo ni Jacob lalo na at naka taya ang pangalan niya sa kaguluhan pag nalaman ng publiko. Kaya hangga’t maari hindi siya nag papaalam sa mga pulis ng kaguluhan niya”

Kung hindi alam ng pulis ibig sabihin hawak parin sila ni Jacob. Ano naman kayang balak niya sa mga lalaking yun?! Dapat ay binigay nalang niya sa mga pulis lalo na kung sindikato ang mga ito.

Ala una ng maka balik kami ng opisina. Umuwi narin naman si Martina at ako naman ay pinag patuloy ang trabaho sa opisina. Sinubsob kona lang ang sarili ko para makapag focus sa trabaho.

Gumugulo kasi sa isip ko ang mga tanong ni Martina sa akin. Napa isip din ako dahil totoo ang sinabi ni Martina na wala ngang pulis na sumulpot nung sinagip nila ako. Hindi nadin naman ako nag tanong pero kasi ano naman parusa ang gagawin nila kung saka sakali.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now