Chapter 3

1 1 0
                                    

Ng lunes na iyon ay maaga akong nagising para sa pag pasok ko sa aking trabaho. Sa sobrang excited at kabang aking naramdaman ay napa aga ang pasok ko sa opisina. Kung tutuusin isa din sa malaking kumpanya ang napasukan ko. Kaya ganto kalaki nadin ang nasakop niya at pati ang karatig probinsya ay nasuyod din nila.

Ang building sa aking harapan ay may anim na palapag lamang. Maliit siya kumpara sa mga katabi nitong gusali pero sarili naman nila ang building na iyon at wala ng ibang kahati pa. Gawa sa mga salamin ang mga building dito at labas masok ang representableng mga tao roon.

Napabuntong hininga nadin muna ako bago ako nag tungo sa desk information. Kinuha lamang nila ang pangalan ko saka may tinawagan saka naman ako tinurong umakyat sa pangatlong palapag. Pag dating ko doon ay may receptionist muli at pina upo na muna ako bago may kinausap sa telepono.


“Ms. Sardeña?” Tawag sakin ng kung sino kaya tumayo ako agad.

“Good morning po!”

“Good morning. I’m Jelay Castro the head of HR” kamay nito sakin.

“Ria nalang po ma’am!” Hiya kopang sabi rito.

“Wag muna akong tawaging ma’am dahil mas magiging boss na kita” natawa nalang kami parehas sakan naman na ako pinapasok nito.

Sa loob ng kwartong iyon ay dun na nag kalat ang hati hating cubicle ng mga staff. Ang iba ay bakante pa dahil masyado padin namang maaga. Puro puti ang makikita mong kagamitan at itim naman sa mga electrical appliances. May mga nag kalat ding halaman at ang kulay naman ng rug na sahig ay gray.

“Sa conference room muna kita iuupo huh?! Mag kakaron kasi ng introduction sa pag dating mo” tango ko rito. “Makikilala mo lahat mamaya pati yang mga staff na nagkalat dyan”

“Pwede po ba akong mag tanong?” Tango nito sakin saka naman binuksan ang pinto ng conference.

“Maupo kana muna” umupo naman ako sa may dulo saka ako nito inabutan ng bottled water. “Ano nga pala itatanong mo?!”

“Ah, kasi ano... hindi kasi sinabi sakin ang position na ibibigay nila. Gusto ko lang sanang malaman kung ano yun?!” Napangiti naman sakin si Jelay at mukhang nagulat din dahil hindi ko alam ang positiong uupuan ko.

“Loko talaga mga tao dun! Pero wag kang mag alala related naman to sa dati mong trabaho. Mataas nga lang” nag lakad na ito papunta sa pinto pero tumigil bago tuluyang lumabas. “Marketing Vice President” ngiti pa nito sakin.

“Shit!” Napamura talaga ako ng literal ng maka labas si Jelay ng kwarto. Vice President?! Shit na malagkit! Gusto ko! Sobrang gusto ko pero putcha! Ganun kabilis?! Nasa tuktok na ako agad?! Papaniwalaan koba siya?

“Good morning!” bati sakin ng pumasok.

“Good morning!”

“Rio Pratts. Assistant Marketing Manager” kamay nito sakin.

“LeRia Sardeña!” pakilala ko rin rito. Pero nanlaki ang mata nito sa akin saka naman umupo nalang din.

Maya maya ay nag dagsaan nadin ang taong pumasok ng conference. Pinakilala nadin sila sakin ni Jelay pero halos hindi ko na sila makilala lahat. Onting introduction lang naman ang binigay niya sa mga ito saka naman lumabas at sumunod naman ang ibang staff na nakita ko kanina para maipakilala din ako.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now