Simula

183 18 4
                                    

"Para akong isang aso na itinali mo sa gitna ng napakaraming tao. Hindi ko alam kong paano ako makakakalas sa pagkakatali, saan ako kukuha ng pagkain at kung ano ang gagawin ko. Iniwan mo ako sa ere."

Nang-iwan? Nanakit? Ako? Ako pa talaga na inaway na nga, naissue pa at napahiya? Ako pa talaga? Hahaha ang saya naman.

"Ann, nasaan si Arc?" Natauhan naman ako ng bigla akong tinapik ni Lucy.

"Ha? Bakit sa akin mo siya hinahanap?"

"Ikaw naman ang dakilang asawa diba? By the way, oh. Earphones niya. Sayo ko raw isauli sabi niya at isa pa, nasa labas kapatid niya. Hinahanap siya. Kausapin mo."

"Sabi mo siya ang hinahanap? Anong kinalaman ko?"

"Eh sa ikaw na lang daw ng sinabi kong wala kuya niya eh." Saad niya at iniwan na ako. Tinungo ko ang pinto, nasa labas si Mika naghihintay.

"Ate, san si kuya?" Tanong niya ng hindi pa nga ako nakakabati sa kanya.

"Hindi ko alam, Miks." Saad ko sa kanya.

"Pakibigay naman to ate oh. Damit niya yan, padala ni mommy para sa practice nila mamaya."

"Ah, eh-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi tumakbo na naman si Mika. Ano na naman ba to?

"Ang dakilang asawa." Saad naman ni Lucy na nasa likod ko na pala. Bestfriend ko si Lucy at hindi man halata, galit yan kay Arc. Kung bakit? Eh barkada naman kami? Eh kasi pinapaasa daw ako ni Arc at hindi man lang pinapanindigan. Bakit nasasabi niya yon? Ito ay dahil sa mga actions namin ni Arc, magbestfriends kami pero mas close si Arc sa akin. Close na magdududa kang kami. Yung tipong, alam niya kung nasaan ako. Alam ko kung nasaan siya. Gamit ko, parang gamit niya. Gamit niya, parang akin talaga. Hindi ako pinapayagang umalis kung hindi niya ako kinukuha. Assignments? Lagi kaming sabay kung gumawa. Bakit kami ganito? Ewan ko rin. Hindi naman kami nuon magkakilala. May feelings na ba ako sa kanya? Oo, matagal na. Alam niya ba? Oo dahil sinabi ng mga kaibigan ko sa kanya.

Pero kahit na magkaibigan na kami, hindi pa rin matanggap ni Lucy na sinasaktan niya ako. Sabi pa nila, tinitake for granted lang ako ni Arc at nagpapakampante lang siya kasi nandiyan naman ako lage para sa kanya. Ilang beses na akong umiyak sa kanya? Hindi na mabilang. Bakit? I already fell for him at kahit alam niya sige pa rin siya sa mga pagpapaasa niya na hindi niya mapanindigan. Magkaibigan lang kami, yan ang laging namumutawi sa bibig niya pero sa gawa naman ay hindi. Sobra pa sa kaibigan ang turing niya sa akin, pero para sa kanya pakikipagkaibigan lang ito.

Iwasan ko man ang umasa ngunit hindi naman mapigilan dahil siya rin ang nagbibigay sa akin ng dahilan na umasa at patuloy na maghintay na sana ay tutuhanin na lang niya.

"Pinili niya lang Ann ang relasyon kung saan magtatagal kayo. Magpasalamat ka na lang."  Relasyong magtatagal? Bakit? Hindi ba kami magtatagal kung tututuhanin na namin ang lahat?

"Kulang ako kung wala ka." Yan ang kantang lagi niyang kinakanta sa akin. Kantang kahit na marinig ko lang ang tono ay nagpapaiyak na sa akin. Kantang naging dahilan ng pagluha ko ng ilang beses. Kantang nagpapaalala sa akin sa kanya. Napakasit na marinig ko ito dahil sa ngayon, naisip ko na na hindi pala totoong kulang siya kung wala ako dahil ngayon, wala na ako sa kanya. Hindi na ako laging nakikipag-usap sa kanya pero parang kompleto naman ang buhay niya. Dapat sana ako na lang ang kumanta niyan, ako kasi ang may napakalaking kulang kung wala siya. Ako kasi ang hindi kompleto ang araw kung wala siya. Ako kasi ang parang hindi isa kung wala siya. Ako kasi ang hindi Ann kung walang Arc.

"Nag-iisa ang isang katulad mo, na nagmahal at nagtiyaga sa isang katulad ko."

Sinabi mo yan pero hindi mo naman ipinapakita na totoo. Nag-iisa nga ako pero sa buhay mo, marami namang maipapalit sa akin. Minsan nasabi ko sayo noong humingi ka ng tawad sa akin na hintayin mo na lang na mawala ang bagyo. Sabi mo "Okay. Maghihintay ako hanggang sa mawala at humupa na ang bagyo."  Pero bakit ganito? Bakit kahit nawala na ang bagyo, hindi pa rin nababalik sa dati ang dinaanan nito? Bakit kaya kahit anong gawin ko, hindi na mabalik pa sa dati ang lahat? Lage ako noong kumakanta ng Someday ni Nina dahil gusto kong ito ang maging insperasyon ko. Gusto kong "someday, someone's gonna love me. THE WAY I WANTED YOU TOO NEED ME." Pero ang nangyari, until this day, it is still you who I treasure here in my heart.

May dumating ng bago pero ang kaluluwa, puso't isipan ko ay ikaw pa rin ang nilalaman. Bakit kaya? "Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba." Kung saan ka pa nasasaktan, dun ka pa naiiwan. Nandiyan na naman siya pero bakit ikaw pa rin? Bakit lage kong nararamdaman na nandito lang siya para maging tagapamagitan sa atin. Na ang misyon niya ay pagtuloyin tayo. Bakit kahit na nandiyan na siya, ikaw pa rin ang hinihintay ko? Bakit parang lagi akong nagdududa na ibinigay lang siya ng panginoon para pagselosin ka at pabalikin sa akin? Bakit palagi akong nagdududa na mahal mo ako pero hindi mo lang masabi.

Pleace Notice MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang