Chapter 28

36 4 2
                                    

Please notice me.

"Uyy si Engineer, may paflower kay Ma'am." Napabaling ako sa mga kasamahan ko na nagkagulo sa may pinto. 5:00 PM na, uwian na.

"Good afternoon." Bati sa kanila ni Arc. He smiled warmly to them. He is really a charmer.

"Uyy si Ma'am, ayaw pa salubungin si Engineer." Patuloy pa rin ang panunukso nila sa amin. Natatawa lang akong umiling. Ang dami talagang gimik nitong si Arc eh.

"Hi." He's already in front of me.

"What are you doing here?" Pagtataray ko sa kanya. Tinukso naman kami ng mga kasamahan ko.

"Oh Ma'am Ann, una na lang kami? May lakad yata kayo ni Engineer eh." Nakangising saad ni Milly. May usapan kasi kami na dinner date ngayon.

"No. May lakad kayo ngayon? I can offer you a ride instead. Saan ba punta niyo?" Oh God, iniispoil niya talaga mga kasamahan ko eh.

"Wag na engineer, pwede naman lumiban si Ann eh." Sumabat naman ang bakla naming kasamahan na si Andy.

"Mas nauna kayo sa plano niyo so it's okay. Alam kong sasapakin lang ako nito eh pag napurnada pa yang lakad niyo. Kayo lang bang tatlo?" Nakangisi pang saad ni Arc. Alam niyang aawayin ko lang talaga siya kapag pumayag siya sa plano nina Andy na ipostpone na lang ang lakad namin.

"Why don't you come with us instead, Engineer?" Nakangising saad ng baklita.

"Is it okay with you?" Sagot niya sa mga ito na nag-unahan pa sa pagtango na parang siyang-siya talaga sila. Ng nakita ang pagsang-ayon ng mga kasamahan ko ay binalingan niya akong nakangisi. Inirapan ko lang siya. Kainis. Ewan ko ba't ako naiinis sa kanya, wala naman siyang nagawang kasalanan yata.

Yes, after the homecoming, di na siya umalis pa. Nag-apply na din siya sa DPWH, mas gusto niyang magkatrabaho sa gobyerno. Iyon din naman ang plano ko pero tatapusin ko muna ang kontrata ko na 3 years dito sa ICHS. Mula ng magkatrabaho na siya sa DPWH, naging busy na siya dahil isa siya sa mga field engineers nito. Pero nagkakaroon pa rin siya ng oras para sa mga ganitong gimik niya.

"So? Sunod na lang kayo Ma'am Ann, sa canteen lang kami at lalapang daw muna tong si bakla bago umalis." Naiwan kaming dalawa ni Arc na nanatiling nakatayo pa rin sa harap ng table ko. Di siya umupo sa monobloc chair na nasa harap ng table ko.

"Anong problema natin?" He calmly said. Di ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit sa table ko. Puno ng mga testpapers ang table ko dahil MidTerm Examination ng mga Senior High.

Tumulong siya sa pagliligpit ng mga papel. Pinabayaan ko lang, nakaclip naman na ang mga ito at kaylangan lang sikupin para di na magkalat pa sa table ko.

"Hey, ano bang problema? May kasalanan ba ako? Should I ask Lucy kung may nagawa ba akong mali?" He held my hand. Tiningnan ko siya, then tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Alam niya na ang gusto kong ipahiwatig kaya't binitawan niya agad ito at itinaas ang mga kamay niya. "Okay okay, I will shut up now."

Ng matapos naming iarrange ang mga papel, inilagay ko na agad ang mga gamit ko sa shoulder bag na dala ko. Kinuha niya naman agad ito ng makitang nakapag-ayos na din ako at ready nang umalis.

"I can just give you a ride and then will just pick you up later." He said. Kinalma ko ang sarili ko. I don't really know what's happening to me, why I am so pissed.

"You can come with us." I dryly said.

"Tara na mamsh?" Nasa gate na sina Milly.

"Yeah. Let's go." We waved goodbye to the guard. We were also greeted by the students.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now