Chapter 17

22 7 0
                                    

Everything has changed 🎶

Matapos ang araw na yun bigla na lang naging mailap sa akin, sa amin, si Arc. Di na siya naging active sa mga activities namin. Lage siyang mainitin ang ulo pagdating sa section namin. Wala na ang mga kalokohan niya, halos araw-arawin niya na ang pagliban sa klase. Minsan ko na siyang kinausap pero di rin nagtagal ang pag-uusap namin kasi umalis siya agad. Sabi nina Fred, nangliligaw na raw ng tuluyan kay Belle.

"Fuentabella." Nagchecheck si Sir ng attendance kaya't tahimik kaming lahat. "Fuentabella." Wala pa ring sumagot.

"Absent sir." Saad ko. Wala kasing sumasagot at hanggang sa walang sasagot, di si sir tatawag ng iba. Yan ang rule niya samin.

"Where is Fuentabella, Cruz?" Tanong nito.

"I don't know sir." Saad ko.

"How come?! Call him! Namimihasa na siya ah. Lage ng lumiliban sa klase! Ano siya? Di porke't sikat siya sa school na 'to at talented siya, papasa na siya." Galit na saad ni Sir.

"Uhm sasabihan po namin mamaya sir." Saad ni Fred.

"I want to talk to him right now!" Galit pa rin si Sir. Nadaig pa kasi ni Arc ang dropped students eh. Di na talaga halos pumasok. Kung pumasok man, late naman.

"Sir, wala po kaming load." Saad ni Fred na kinakalabit na ang iba naming mga kaklase.

"Si Ann po, may load po siya. Nakitawag ako kanina." Saad ni Hannah. Napatingin naman ako sa kanya at nagpeace sign lang siya.

"Call him now Cruz kung ayaw mong absent kayong lahat ngayon! Get out!" Angil ni sir sakin. Tumayo ako at naglakad na palabas ng biglang naglakad papasok si Arc. Hawak-hawak ang bag sa isang kamay, at ang isa ay may hawak ng kanyang phone.

"Good morning sir. Sorry I'm late." He politely said and sit on his assigned seat.

"Fuentabella and Cruz, see me at my office during break time." Saad ni sir at nagsimula ng magdiscuss ng lessons. Nagtataka ako kung bakit niya kami pinapapunta sa office niya pero nagpunta pa rin ako. Di kami nagsabay ni Arc kasi mas nauna siyang lumabas ng room.

"Oh Ann, mauna na lang kami sa Canteen ha." Paalam ni Lucy bago kami maghiwalay.

Naglakad ako papunta sa faculty room ng tahimik. Nagulat ako ng biglang may bumangga sa'kin. Pag-angat ko ng tingin, si Belle pala.

Akala ko magsosorry siya pero hindi. Nakasunod naman sa kanya si Arc na parang nagulat sa ginawa ni Belle.

"What the-" Napalingon ako sa nagsalita. It's Lucy. "Arc!" Angil pa niya.

"I'm sorry. Wait uhm," nalilito si Arc kung susundan ba niya si Belle o hihinto sa harap ko.

"Excuse me." Saad ko para di na sila magtalo pa. Pero bago pa ako nakaalis. Hinatak ako ni Lucy pabalik.

"Urgggh! Anne Dominique! Wag magpakaanghel! Nakakainis ka!" Sigaw ni Lucy kaya't napalingon halos lahat ng nasa corridor samin.

"Well, wag magpakaanghel? Okay." Nagkibit balikat ako at binalingan si Arc. "First of all, I don't know what's happening between the two of you. If you have problem, fix it out yourself. Wag akong damayin. Second, ba't ako binangga ng girlfriend mo? May problema ba siya sakin? And lastly, pakisabi sa kanya, wag ako ang banggain. Di niya ako mapapatumba. Baka sa pagbangga niya, siya pa ang madapa."

Nagderederetso na agad ako sa office ni sir. Di ko alam kung susunod ba si Arc pero wala na akong paki. Bahala siya, kainis.

"Oh, Cruz. Where's Feuntabella?" Tanong ni sir ng makapasok ako sa office.

"I don't know sir." Walang gana kong sagot.

"Oh, okay. Anyways, I just want to inform you na kayong dalawa ang sasali sa Living Exhibit this coming September for the SciMath Month."

"Sir, why me?"

"Wait. Let me finish first. That living exhibit needs 2 contestants. One as the model, the other one as the presentor. For our section, you will be the model and he will be your presentor. And, if you'll win, all of you will be exempted for our monthly assessment this month. Deal or no deal?" What the heck? Ano ba naman to oh. Hyysss.

"Sir, I don't think I can make it. I'm not into modelling." Ayaw ko talaga sa mga bagay na to pero parang ako ang hinahabol nito ah.

"Well, I won't give exemption then. You can leave. Siguruhin niyong may sasali." Saad ni sir na alam kong may halong inis.

Umalis ako, inis din ako kaya't I'm not in the mood to persuade and beg for him to replace me.

"Oh ano ang pinag-usapan niyo ni sir Ann?" Tanong ni Lucy. Nandito lang pala si Arc, di man lang pumunta don.

"Guys, listen up! This coming SciMath Month, there will be a Living Exibit and we need to have two contestants. One model and one presentor." Saad ko. "Lucy, kayo na lang ang pumili. Uuwi na ako."

"But we have to choose Ann. Baka ikaw ang piliin nila." Saad ni Lucy.

"I'm not included in the choices guys." Saad ko.

"Don't tell us Ann, ikaw talaga ang pinili ni Sir. Kayong dalawa ni Arc?" Di ako sumagot pero alam kong alam na nila kung ano ang sagot.

"Well, I even give Ms. Cruz an incentive." Biglang saad ni Sir na nasa pinto na pala. "I offer her that if they will win or just make it through the Magic 3, you will all be excempted for the Monthly Assessment. But sadly, she refused."

"Sir, we will make a way para po sumali sila." Saad naman ng iba naming mga kaklase.

"Sir, that's really not my forte." I said.

"Not your forte Cruz? So you mean, you don't do small rampa? Yung mga pinapatulan mo is like yung mini pageant ng other school where almost whole municipality is watching? You mean, you want that one na sponsored ng mayor and other municipal officials? Since yun kasi sinasalihan mo. Tell us, that's not your forte then." Saad ni sir. Tumahimik naman ako.

"Sir, di po siguro ako makakaattend niyan. I will give my spot to Lucy, siya na lang po ang presentor." Saad ni Arc.

"Basta't mapapasali niyo si Cruz, expect an excemption." Saad ni sir tsaka umalis sa room.

Natahimik lang muna kami ng ilang sandali tsaka pa nagsiingayan. Tumayo na si Arc at lumabas ng room. Di man lang nagpaalam kahit na tinatawag pa ni Lucy. I felt like crying. Pinipigilan ko lang.

Ang hirap tanggapin na halos lahat nagbago na. Noon akala ko "strangers to friends" lang ang nangyayari. Pero ngayon, alam ko nang "friends to strangers" happens too.

Di na kami nagpapansinan, di na kami nag-uusap tulad ng dati. Di na kami nagsasama, kung nagkakasama man kami, kasama mga kaibigan namin, di naman kami nag-uusap kahit anong paraan pa gawin ng mga kasama namin. Siya, siya na ang lageng umiiwas. Nakakainsulto na nga minsan kasi harap-harapan niya akong iniignore. Yung tipong kahit gumagawa na ng paraan mga kasama namin, di pa rin siya kumakausap sakin.

Everything has changed, big time.

Pleace Notice MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz