Chapter 18

25 7 0
                                    

Nawawala, bumabalik.

Kasalukuyan kaming gumagawa ngayon ng damit gamit ang mga newspapers. Wala pa rin si Jasmine na siyang model namin kaya't nahihirapan kami sa paggawa.

"Oh, ano na? Natawagan niyo na ba si Jas?" Tanong ko sa kanila.

"Di pa rin. Ilang araw na din yung absent eh. Balita ko, nagkaproblema daw sa bahay nila." Saad naman ni Fred.

"Eh paano na to? Bukas na yung event, ba't di naman siya nagsabi agad." Problemadong saad ni Lucy.

"Eh parang biglaan guys. Di naman natin masisisi, okay lang sana kung walang problema." Saad naman ni Angel na siyang naggugupit ng mga newspaper.

"Puntahan niyo sa kanila, magmotor na lang kayo. Para malaman natin kung sasali pa ba siya." Saad ko, namomroblema na rin ako.

"Ah, nagtext na siya guys. Sorry daw. Di daw siya makakasali. Sorry daw talaga, may emergency lang." Saad ni Fred.

"Pano na to?" Problemado na talagang saad ni Lucy. Natahimik naman lahat at sabay-sabay bumaling sa akin.

"Oh no. Don't. No. Never." Diyos ko naman, ba't parang hihimatayin ako nito oh.

"Ann, sige na please. Ikaw na lang pag-asa namin. In the first place, ikaw naman talaga sana. Sige na please." Pagmamakaawa ni Lucy.

"Lucy naman eh, ayoko. Baka may makapalit pa jan na iba." Ayoko talaga. Ayokong makita ako ng marami, ayokong tingnan ako ng mga matang mapanghusga.

"Wala na talaga tayong oras para pumili pa. Ikaw na lang kasi Ann kasi nandito ka na. Para sa katawan mo na agad maisukat ang damit. Dali na." Saad pa ni Angel.

Ano pa bang option ko? WALA!

"Okay! Last na talaga to, makontento na kayo kasi napagbigyan ko na kayo!" Inis na saad ko. Naghiyawan naman sila.

Gabi na kami natapos sa paggawa ng damit at iilan na lang kami ang natira.

"Yes! Perfect, ang sexy naman. Hyyss buti na lang keri mo magsuot ng mga ganyan Annybabe." Saad ni Lucy na nag-uunat na ng katawan.

"Ang ikli naman niya, kita pa ang likod." Napalingon naman kami kay Arc na kanina pa tahimik. Tumutulong siya pero sinuway nila kanina kasi nasisira lang ang damit.

"Di naman, sexy nga siya pero di naman malaswa tingnan." Pagtatanggol ni Angel.

"Basta ang ikli." Saad niya.

"Okay lang naman eh. Di naman siya uncomfortable suotin eh." Saad ko.

"Hubarin mo na yan, uuwi na tayo." Nagkatinginan naman kaming lahat ng sabihin niya yun at lumapit siya sakin. Tinulungan niya akong hubarin ang damit. "Tara na guys." Aya niya naman sa iba na ready naman nang umalis.

Sabaysabay kaming lumabas ng room at naglakad palabas ng gate. Nakita ko naman si Belle na nasa gate, kasama ang mga kaibigan niya. Akala ko kusang hihinto si Arc sa tapat niya pero kung di pa niya ito tinawag, di ito hihinto.

"Uhmm, Arc. Uwi ka na?" Tanong niya.

"Oo. Ihahatid ko pa si Ann." Saad ni Arc. Nagkatinginan na naman kami ulit ng mga kaklase ko. Pati mga kaibigan ni Belle ay nagbulongan.

"Uhmm Arc, pwede naman di mo na ako ihatid. May kasama naman ako hanggang diyan sa kanto." Saad ko.

"Di mo na ako hihintaying makasakay pauwi?" Tanong naman ni Belle na parang di man lang kami nakikita.

"Meron ka namang mga kasama Belle. Mauna na kami." Dismissive na saad ni Arc, at tsaka bumaling sa akin at kinaladkad ako palabas. Sumunod naman ang mga kasamahan namin. Nag-antay muna kami saglit ng tricycle para kay Lucy at sa iba.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now