Chapter 9

35 9 0
                                    

You can always be the Queen of your own castle, but you can't be one without a King of your own.

The night goes by swiftly. Tapos na ang royal dinner, pagkatapos ng munting intermission number ng mga piling mag-aaral binigyan kaming lahat ng mga guro ng isang piraso ng papel at ballpen. Isusulat dw namin ang name ng gusto naming manalo as King and Queen of the Night. Akala namin ay lahat kami ang may chance na manalo pero nakapili na pala sila ng mga candidates.

"On the piece of paper given to you, you will write your chosen Candidates for our Christmas King and Queen." Saad ng emcee. Nasa unahang bahagi kami kaya't hindi na kami mahihirapang pumili sa mga candidates. Isa-isa nang tinawag ang mga candidates by grade level. Magaganda ang mga natawag, pawang mga anak mayaman dito sa lugar namin. "For the Grade 10 level and at the same time, requested by the Student Body, let us all welcome Ms. Ann Dominique Cruz and Mr. Arc Fuentabella." Nabigla ako at napaangat ng tingin sa Emcee na sinesenyasan na kaming tumayo. Di ako agad nakatayo, wala akong gustong sumali kaya nanatili akong nakaupo. Pinagtutulakan na ako nina Tina at naghiyawan na ang mga studyante. Lalo pa silang naghiyawan ng tumayo si Arc at lumuhod sa harapan ko. Mga pakulo talaga nitong lalaking to.

"Uyy tumayo ka nga diyan!" Angil ko sa kanya sabay sulyap sa paligid namin.

"Halika na. Ba't ba kasi ayaw mo, ako naman partner mo?" Tanong niya.

"Yun na nga eh." Angil ko pero napatayo na ako ng bigla akong hinatak ni Miss Acosta at Miss Feliciano sabay tulak papunta kay Arc. Napalingon ako sa banda nina Jane. Nakita ko siyang nakatulala lang sa amin pero nang mapansing nakatingin ako ay bigla siyang nagthumbs up at pumalakpak. Wala na akong choice kaya't ngumiti na lang ako.

The teacher gave each of us a box na lalagyan daw ng votes para sa amin.

"Okay! Regally, we will all rise and fall in line to our choosen candidates. Isang pares lang ang bobotohan niyo, pwede kayong bumuto kahit sa di niyo kaklase, kayo mismo ang pipili." Paliwanag ng emcee. Nagsitayuan naman lahat at pumila. Nauna sa pila namin ang mga kaklase namin at mga taga SB.

"Goodluck, you'll definitely nail this one guys." Saad ni Ara sabay beso sa amin ni Arc. Iningosan ko lang siya dahil alam kong nang-aasar lang siya.

Nagpatuloy ang pagpila ng mga studyante, iba't ibang grade level na ang nakapila sa amin. Kami ang huling naubusan ng voters.

"It seems to be that there's only one bias pair para sa mga studyante ngayon ah. Candidates, please turn over the boxes to the teachers and you can have your seats now." May inihanda pa pala silang intermission kaya di kami nabagot habang naghihintay na matapos sila sa pagbibilang ng mga votes.

"Okay! Are you all ready to know who will be our Christmas King and Queen tonight?" Nagtilian naman ang mga studyante dahil sa tanong ng Emcee. Pero bago iannounce ang nanalo, nagkaroon muna ng isang video presentation, nilalaman nito ang mga nagdaang Christmas King and Queen from the first up to last year. Matapos ito, isa isa ng tinawag ang mga candidates na nanalo, nagsimula sa 3rd runner up. Hindi ako natawag hanggang sa 2nd, maybe 1st runner up ako. Maganda kasi ang pambato ng Grade 8. Kami na lang ang di natatawag.

"The person that I will mention first will be our 1st Princess of this year's Annual Search for Christmas King and Queen." Magtilian ang lahat ngunit pinahinto sila ng mga teachers. "Our 1st Christmas Princess for this Annual Christmas Ball is from Grade 8 level!" Halos mabingi ako sa tilian ng mga kaklase ko na sabay² akong dinaganan ng yakap. Hindi ako makapaniwalang ako ang nanalo, di naman kasi ako famous sa school kasi di ako halos nakikipaghalubilo sa mga studyante. "And our Christmas Queen 2016, let us all welcome, Queen Ann Dominique I from Grade 10 level and the SB reprensentative!" Lumakad ako papunta sa entablado, naghiyawan naman ulit ang mga studyante ng paakyat na ako. Hinahawi ko ang laylayan ng gown ko dahil naapakan ko ito, nahirapan akong umakyat pero nabigla ako ng biglang may humawak sa kamay ko at siya na mismo ang naghawi ng gown ko. Si Arc ang umalalay sa akin at hinatid ako sa stage. Narinig ko pang sumigaw ang mga kapatid niya ng "Alagang-alaga ni kuya ang ate namin!" Na nagpatawa sa mga nakarinig.

Bumaba rin naman agad si Arc at naupo sa table namin.

Ang principal at Adviser namin ang nagkabit ng sash at crown at nagbigay ng napakalaking boquet. Bongga talaga ngayon ang preparation. Nagkaroon muna ng picture taking kasama ang faculty and staff. Isinunod naman agad ang Christmas King, at sa di malamang kadahilanan, Grade 8 and 10 na naman ang natira. Ganun pa rin ang nangyari pero di ko na narinig ang sinabi ng Emcee ng tawagin niya ang 1st Christmas Prince dahil sa malakas na hiyawan ng mga studyante lalong lalo na ng mga kaklase namin. God, si Arc ang nanalo.

"It seems to be that our Queen is really meant just for our King. Let us all welcome our Christmas King 2016, King Arc I!" Naghiyawan na naman ang mga studyante lalo na ng tumabi na sa akin si Arc. Matapos ang picture taking, isa isa kaming binigyan ng pagkakataon na magsalita para sa lahat. The Princes and Princesses are already sitting on the prepared artificial thrones, while Arc and I, stand in front of the crowd.

"Good evening everyone." Panimula ko. "This is really not my forte, not my thing that's why I'm really confused why am I choosen to be our Grade level and the SB's representative. But then, I will just take this opportunity to extend my words of farewell in behalf of my batch. Supposedly, this will be delivered later, still by me." Natawa ako pati na rin ang iba. "4 years of stay, 4 years of building memories, and here we are gathered here together with all of you celebrating our last Chritmas Ball here in our beloved school. My name may not ring a bell when mentioned but~" someone from the crowd shouted.

"Anong does not ring a bell ate? Kilala ka naming lahat, ikaw lang ang mahiyain at di masyadong nakikihalubilo. Always busy sa SB tulad nina Ate Tina at Ate Lucy." Sinang-ayunan naman ito ng iba.

"Sige na nga! Kilala na!" Natawa na lang kami. "Well, some of us will not be here anymore next year but some of us will stay but can't attend to this ball so I will take this opportunity to say thank you to all of you for a great journey! We, your ates and kuyas will always be here for you. Thank you. This is your Queen Ann Dominique I, your Chritmas Queen 2016!" Tinapos ko ang munti kong speech sa pamamagitan ng traditional na pangwakas na pagbati at pagkaway sa lahat. Ibinigay ko naman agad kay Arc ang mic at ng siya ang makapagsalita.

"A royal evening to each and everyone." Bati niya sa lahat. "My Queen already delivered the speech that our grade level wants to express. All I can say is thank you for making me your King for this year and one thing for my Queen," bumaling siya sa akin na nakapagpatili na naman sa mga studyante. "Always remember this MY Queen Ann Dominique I, you can have a castle for you are a Queen but you can't be a Queen WITHOUT ME AS YOUR KING. This is your King Arc I, your Christmas King 2016!" Nakatitig siya sa akin habang binibitawan ang mga katagang yun. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang lahat ng mga studyante at mga guro.

You can't be a Queen without me as your King.
Is it right? Hindi ko nga ba kayang maging reyna kung di siya ang aking hari?

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now