Chapter 19

24 7 0
                                    

Alalay sa damdamin: wag magpadala sa mga kaibigang praning, para di masaktan sa gagawin.

"Lucyyy ano ba, ba't ba di ka nag uniform?!" Nakakainis na talaga! PE day namin ngayon, sa araw mismo na nataon ang culmination kaya't halos lahat ng students ay nag PE uniform. Nakalimot naman si Lucy na bawal sa presentor ang mag PE kasi dapat yung School Uniform talaga ang susuotin.

"Ann, sorry talaga. Ayay, kung malapit lang sana ang bahay." Naiiyak na na saad ni Lucy, nalilito na rin sa gagawin.

"Pano na to ngayon? Magsisimula na mayamaya oh. Lucyyy, ayoko na ah!" Di na magkandaugaga ang lahat dahil sa pagkataranta. Binibihisan na nila ako pero di pa inaayusan sa mukha kasi panay pa ang isip namin kung sino ang pwedeng pumalit kay Lucy.

Napahinto kaming lahat sa mga ginagawa namin ng biglang bumukas ang pinto ng room at iniluwa nito si Arc na may dalang gitara at naka COMPLETE SCHOOL UNIFORM.

"Aaarc! I knew it! Di mo talaga kami pababayaan! Di mo talaga hahayaang masayang ang effort natin at madisqualify ang model natin! Thank you talaga Aaarc!" Biglang tili ni Lucy sabay takbo at yakap pa kay Arc.

"Lucy! Noooo! Ano ba!" Pagmamaktol ko! Kainis naman kasi eh. Ayoko sa kay Arc. Ughhh, ba't ba kasi pumasok pa to. Iniwan ko na nga sa bahay kanina habang tulog na tulog pa eh. Don't get me wrong, ginising ko siya, ayaw lang talagang bumangon kaya't iniwan ko sa bahay.

"Ann, wag na choosy, wala ng iba oh." Saad naman ni Angel.

"Ano problema niyo?" Tanong naman ni Arc.

"Ganito kasi Arc. Walang makakapresent kay Ann kasi naka PE uniform ako at bawal pala yun. Thanks to you Lady Arc ng buhay ni Anny, may magpepresent na." Paliwanag ni Lucy na may halo pang panunukso kaya't nag-iritan naman ang mga kaklase namin.

"Ewan ko sa inyo." Irap ko sabay upo sa harap ni Landrina, ang siyang mag-aayos sa akin. Pang-asar naman akong inayusan nito sabay tukso-tukso pa. Sarap tusukin ng mata.

"Stop it Landrina! Nakakainis ka." Pero di ako sinagot ng bruha, nagpatuloy lang ito sa pag-aayos at pakanta-kanta pa.

"Ann, ganito ang gagawin niyo ha. Sabay kayong papasok sa stage ha, pero ikaw lang ang rarampa mula sa stage papunta sa court at pabalik sa stage. Ikaw lang ang magpopose at gagalaw galaw pero pwede kang alalayan ni Arc para sa chemistry at syempre, para makagain ng audience impact. Gets?" Saad ni Lucy. "Ikaw naman Arc, heto ang script na ginawa ni Sir. Pwedeng basahin mo lang ito at ito ay gagawin mo habang rumarampa si Ann. May part na pwede daw gumawa ng pakulo ang mga kalahok so I suggest, kantahan mo si Ann habang naglalakad pabalik sa stage. Maikli lang kasi ang script na yan eh."

Inirapan ko lang si Lucy. Tumabi naman si Arc sakin at tinitigan ako.

"Stop it, nakakairita." Saad ko.

"Nakakairita na ba talaga ako sa'yo?" Tanong niya, seryoso.

"Tss." Di ko na lang siya pinansin at pumikit na lang ako dahil lalagyan na ng eyeshadow mga mata ko.

"Okay, pipili lang muna ako ng kanta para mamaya. Balikan na lang kita dito." Saad niya at umalis.

"Alam mo ateng, ang bad mo. Sinusuyo ka na nga, pahard to get ka pa. Nako! Baka magsawa yan, di ka na suyuin." Saad naman ni Landrina.

"Paki ko." Inis kong saad

"Paki mo? Malaki!" Pang-iinis pa nito.

Kakatapos lang talaga akong ayusan ng pumasok si Arc sa room.

"Halika na Anny, labas na tayo." Aya niya sakin.

"Wait lang, magsasandal lang ako." Saad ko.

Nahihirapan akong yumuko kasi baka masira ang damit kaya't itinaas ko na lang ang mga paa ko.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now