Chapter 2

56 13 0
                                    

Friendship is not an easy thing, you have things to consider to keep it forever.

"Oh ano na naman yan?!" Padabog na saad ni Carl ng makapasok sa room. Magkatabi kaming tatlo nina Arc.

"Hey dude." Pupungas pungas na saad ni Arc sa kanya.

"Dude-in mo mukha mo!" Inis na saad ni Carl.

"Hey hey hey, what's wrong with you guys?" Sabat ni Ara na bagong dating din.

"Yang si Arc kasi, namumuro na. Laging nakadikit kay Ann. Nakayap, natutulog sa desk, ano ba kasi? Umamin nga kayo kung anong meron sa inyong dalawa para naman di kami nalilito sa inyo." Inis pa ring saad ni Carl.

"Carl, anong pinagsasasabi mo? Walang namamagitan sa amin ni Lady Arc. Diyos ko naman, issues." Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Arc ng padabog at naglakad palabas.

"Bago ka naman sana sumagot, sigurohin mo muna kung totoo." Saad niya bago tuluyang lumabas.

Tiningnan ko naman ang iba ko pang mga kaklase na nakasaksi, nagkibit balikat silang lahat at bakas sa mga mukha nila ang gulat at pagtataka.

"Yan, yan kasi." Umiiling na saad ni Carl.

"Ano na namang nagawa ko?!" Frustrated na tanong ko.

"Ask yourself Ann. And he's right. Before you speak, try to consider things, try to consider people and try to consider feelings. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Nagugulohan na din ako. Wag kang mag-alala, di ka matitiis ng isang yun." Sabay tapik niya sa akin at labas ng room. Tiningnan ko naman si Ara na parang natatawa na.

"Oh ano?" Tanong ko sa kanya.

"Really Ann? Ikaw na ang matalinong bobo na kilala ko. Try to think about it. Kaloka kayo. By the way, I like you for my cousin." Natawa siya at iniwan akong nagtataka.

When the bell rang, pumasok na ang lahat ng studyante dahil bawal magtambay sa corridor kahit wala pa ang mga teachers. Pumasok si Arc na nakakunot ang noo, bad mood. Kasunod niya si Carl na natatawang umiiling. Ng makaupo na sila sa tabi ko ay hindi ako pinansin ni Arc. Natawa na talaga ng tuluyan si Carl.

"If I were you, I'll start taming the angry and broken hearted beast." Bulong ni Carl. Wala pa ring teacher kaya't malaya kaming nakakapag-usap. Siniko ko naman siya at nang tumahimik pero tumawa lang ang loko at tumayo. "Hey guys! Wala nga palang classes ngayon. Nagkaroon ng emergency meeting ang faculty. But, it's not yet time so di pa tayo makakalabas." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko kaya't nagsermon na naman si Tina. Hay nako. Nilingon ko ang katabi kong si Arc since si Carl ay may sariling mundo na kasama ang iba pang mga boys na nagkakagulo sa isang gitara. Nakikumpol naman sa kanila ang iba pa naming mga kaklase hanggang sa magsimula na silang kumanta.

"Arc, pare. Ikaw naman." Tawag ni Justin na siyang nag giguitar kay Arc na kasalukuyang nakasubsob lang sa desk pero alam naming gising.

"Kayo muna." Walang gana nitong sagot.

"Ann naman, payagan mo muna. Sige na Arc." Saad naman ng walang hiyang si Carl.

"Anong-" Pinukol nila ako ng masamang tingin at mga confident pa sila kasi di sila nakikita ni Arc. "Ahm, okay lang naman. Punta ka na sa kanila Arc." Muntik naman akong mahulog sa upoan ko ng bigla siyang tumayo ng padabog at tinulak pa ang inuupoan ko. What the?! Anong problema nitong Lady na to?

"Ay LQ kayo?" Walang hiya rin 'tong mga kaklase ko kaya't nagawa pa kaming tuksohin.

Tumahimik lang sila ng nagsimula ng magstrum ang guitar. Si Arc na ang tumutugtog.

🎶You give me hope
The strength, the will to keep on
No one else can make me feel this way
And only you can bring out all the best I can do
I believe you turn the tide and make me feel real good inside.🎶

Siya pa muna ang kumakanta. Nakikinig lang kaming lahat. Nakaharap siya sa banda ko ngunit di niya ako tiningnan.

🎶You pushed me up when I'm about to give up
You're on my side when no one seems to listen.
And if you go, you know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart
And suddenly the madness starts.🎶

I'm just looking down all the time he's singing. Hindi ako mapakali.

🎶It's your smile, your face, your lips that I miss
Those sweet little eyes that stares at me and make me say
I'm with you through all the way
'Cause it's you who fills the emptiness in me
It changes everything you see
When I know I got you with me.🎶

Tahimik lang ang lahat. Walang nagkamaling magsalita. Ng nag-angat ako ng tingin ko, nakatingin sa akin ang lahat. Nang tumingin ako kay Arc, nakatingin rin siya sa akin. Si Carl ang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa room.

"Woaaah! Ang ganda talaga ng boses ko no? Guys! Boses ko yun, pinahiram ko lang kay Arc. Kawawa kasi, gustong kumanta, pangit naman boses. Next song papa Arc please." Sigaw niya sabay tayo at wagayway ng polo niya.

Natawa naman lahat at ibang kanta naman ang tinugtog ni Arc. This time lahat kumanta na.

Kinalabit naman ako ni Tina at inaya papuntang Student Body Office. Nagligpit muna kaming tatlo nina Lucy ng gamit dahil deretso na kami pauwi, para hindi na kami umakyat pa ulit. Bago ako makalabas, tumingin pa ako muli sa mga kumakanta, nakita ko si Arc, katabi si Jane na masayang masaya. Alam ko, crush ni Jane si Arc. Tumatawa naman si Arc habang tumutugtog. Nang tumingin siya sa akin, panandaliang napawi ang ngiti niya. Naibalik lang ito ng tumawa ang mga babae sa grupo. Lumabas naman na agad kami nina Lucy at Tina.

"You know what Ann, I feel something bad will happen." Saad ni Tina ng makapasok kami sa Office.

"Like what Tin?" Tanong ko sa kanya.

"Like, there will be some sort of 'friendship over'?" Saad naman ni Lucy.

"Feel ko din." Saad naman ni Tina na nagsisimula ng magbuklat ng mga papers sa desk. Mga program ito na ginawa ko kanina.

"Kayo naman, walang mangyayaring ganyan." Pilit na tawa ang idinugtong ko para mawala sana ang awkwardness pero mas naging awkward naman.

"Ann Dominique Cruz, don't lie. Magsinungaling ka na sa lahat, 'wag lang sa amin. We know that in that short span of time, in just 4 months, nahulog ka na kay Arc Fuentabella!" Lucy stated.

"Bullseye!" Sigaw pa ni Tina. Ang confident nito sumigaw dahil nandito kami sa office, soundproof.

"And friend, a piece of advice, wag ka namang padalos dalos. Nasaktan mo yung tao." Dagdag pa ni Lucy.

"Nasaktan? Pano?"

"God! Ang talino mo sa acads, ang bobo mo naman sa love! Hindi mo pa ba gets?! Nagalit siya ng sinabi mong walang namamagitan sa inyo! Yung kinanta niya?! Di mo ba na gets?! Ewan ko talaga sayo Ann! Ang gaga mo!" Frustrated na sigaw ni Lucy.

"Hoy, kalma. And yes Ann, wag ka namang padalos dalos. May nasasaktan ka eh. Hindi lang isa, kundi dalawa. Siya at ang yung sarili mo mismo." Dagdag pa ni Tina.

"And you know what, friendship is not an easy thing Ann. Ang daming bagay na dapat mong iconsider." Lucy said.

Dinugtungan naman ito ni Tina.

"And friendship is just like a road, full of ups and downs. Sometimes, just plain. But bear in mind, it also ends. And when that time comes, FRIENDSHIP OVER. Just over."

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now