Chapter 27

29 4 0
                                    

When history repeats itself, they'll leave different ruins.

"Sayang naman Ann, di ka talaga makakauwi? Ilang homecoming na natin ang wala ka ah." Matabang na saad ni Ara sa akin. Bakasyon na dahil April na kaya't di nila alam na nagmumukmok lang ako dito sa bahay para makaiwas na makita nila. Nakauwi na ang iba, sa Sunday na ang event.

"Sorry Ara, busy lang talaga. Alam mo na, I'm planning to apply for public school this school year." Sobra na ang pagpipigil ko na matawa. Imagine, we're just steps away, ilang bahay lang ang pagitan sa amin at kung makaasta kami parang nasa magkabilang mundo talaga. Hindi niya nakikilala ang kwarto ko dahil pinalitan ko ito ng kurtina at ang mga kobre kama ay pinalitan ko. Ang pagkakaayos ng kama ay iniba ko.

"Hys. How about your tshirt? Nagbayad ka ah. Like the usual? Bigay na lang namin kay Arc?" For the past homecomings, always akong may tshirt ng batch namin.

"Yes please. Si Arc na rin ang bahala ng ambag ko sa inyo. Siya na magdadala. Enjoy kayo." I smiled sweetly. Inis naman sila haha. Magkakasama sina Jane ngayon sa bahay nina Ara. Nandoon din si Carl. Dinig ko pa na may mga dumating.

"Hi love. How are you?" Nabigla ako sa pagsingit ni Arc. Namumula ako for sure. Nagtawanan pa ang mga kasama niya. Nagselos naman ako ng konti ng marinig ko na tinukso nila Carl si Jane at Arc. Tumawa lang si Arc at bumaling ulit sa akin. Nasa harapan pa rin si Ara at seryoso akong tiningnan.

"Girl, uwi ka na please. Ang tagal mo nang di nakakauwi. Hiyang na hiyang ka diyan sa Iligan huh." Pilitin ko mang sumigla, parang naging awkward pa rin ang ekspresyon na napakita ko dahil di pa rin nawala ang simangot ni Ara. Si Arc naman ay nakatayo lang sa tabi niya at alam kong tinititigan niya ako.

"I've got to go Ara." I said. Lumayo naman agad si Arc, nagdabog pa ha.

"Uhm wanna say bye to the others?"

"Sure!" Itinapat naman ni Ara sa iba ang screen ng laptop niya. "Bye guys. See you soon. Enjoy the homecoming." I waved at them. I saw Jane and Arc talking animatedly.

Pinatay ko na agad ang tawag dahil di ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I've been so insecure all my life kaya't di ko mapigilan na mag-isip na baka nachachallenge lang si Arc sa akin dahil di pa rin niya ako nakukuha. Maybe he's just excited for the fact that I rejected him countless of times.

Ngayon nandoon si Jane and I heard she's still single. Ano naman laban ko sa isang accountant diba?

"Oh? Surprise ang gimik mo ngayon girl? Di ko talaga maimagine mga mukha nila kapag nakita ka nila ngayon." Lucy is so persistent to know my plans kaya't sinabi ko sa kanya na sa ICHS na ako nagtatrabaho at dadalo ako sa homecoming namin ngayon.

"Ewan ko kung masusurprise ba sila." I chuckled. Nandito kami sa bahay ngayon, nag-aayos. Tapos na si Lucy kaya't nag-aantay na lang siya sa akin. Di naman na kailangan pang mag-ayos ng sobra dahil simple lang naman ang event, we will all wear our batch shirts kaya't no need na mag-ayos ng dress.

"You're so glowing! Alagang Fuentabella! Ano kayang masasabi ni Trent. I heard he's coming. Graduate na din ang ex mo te! And he is training as a bank manager na daw? Yun yung narinig ko sa mga kabatch niya." Good for him then. I'm so proud of him.

"Congrats for him then." I smiled sweetly. Though nanghihinayang pa rin ako sa amin. Akala ko talaga kami na eh.

Di na kami nagtagal pa ni Lucy. Sinundo naman kami ni Arc. Big time na ang lolo niyo, may pa Hilux na. Engineer nga naman hys.

"Iba pa rin talaga kayo no? Mula noon, hanggang ngayon ang peg. Ay ewan ko na lang talaga pag nakita nila tong si Ann, ano Arc? Tiyak ito ang magiging center of attention. Maging AWOL ba naman for almost six years." Nagtawanan lang naman sila at nagkulitan hanggang makarating kami sa school namin noon. Mabilis lang naman ang naging biyahi kahit na mabagal ang pagpapatakbo ni Arc dahil sobrang lapit lang ng bahay namin sa school. Naunang bumaba at pumasok si Lucy. Nanatili akong nakaupo sa frontseat ng sasakyan ni Arc. Nasa driver's seat lang din siya.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now