Chapter 24

23 5 1
                                    

Multiple choice is always the hardest.

"Anny, can we talk?" I raise my head just to see Arc standing in front of me. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Di ko na nga napansin ang mga pangyayari sa kanya ngayon. I just heard sometimes when Lucy and Fely talk about him but not that much. Naging busy na ako sa publication and other stuffs. After it, kay Trent naman.

"Arc!" I smiled at him. I miss my boy besty. So much, ngayon ko pa lang narealize. Napansin ko namang sobrang tamlay niya. Di niya sinuklian ang siglang ipinakita ko kaya't umayos din ako agad. May problema to, for sure. "May problema ka. Care to tell me?"

Umupo siya sa isang upuan sa harap ko.

"You seemed so busy huh." Matamlay niyang saad. "Care to ask me how am I going these past few days?"

"Uhm nabusy lang sa paperworks dito sa pub. You know, finals na. Meron pang mga research and other requirements." I smiled awkwardly. Para akong bata na naghihintay pagalitan ng kuya eh. Nakakaintimidate talaga si Arc pag ganito siya.

"And busy with Trent too?" He smirked.

"What are you up to?" I irritatedly asked. Alam ko naman na ayaw niya talaga kay Trent eh. He's never been discreet in showing his hatred and disapproval towards Trent. There's even that time na talagang binara bara niya si Trent in front of our classmates. Buti na lang at mahinahon lang si Trent, he listened when I asked him to just leave our room.

"You really did easily dump me just because of him." Wow ha. Ako pa ang nakakapangdump EASILY. Eh sino ba ang nag gigirlfriend ng kahit sino-sino at hinahayaan pang awayin ako? Wow talaga.

"Shut up Arc. Just leave us alone. I did not even bother to mingle with your affairs. Just leave mine alone." He hissed. Paki ko naman. I'm done with him. Yes, may mali ako. Itinutulak ko siya noon pa man sa kung sino-sino pero kung seryoso sana siya sa akin, di naman siguro siya magpapatulak eh.

"Just like that Ann? Ipagtutulakan mo na naman ako palayo? Damn it!" Padabog siyang tumayo at itinumba pa ang isang upuan na nasa malapit ko. He stormed out of the room I'm in.

I cried so hard, I missed him but I don't want to mislead other people. I don't want to show things that might be misinterpreted by others.

"Ann, nandito ka lang pala- Hala! Why are you crying?" Biglang nahinto si Lucy ng makita niya akong umiiyak. Parang nagmamadali siya at may sasabihin pero dahil sa kalagayan ko ay hindi niya naituloy.

"Lus. Nandiyan?" Narinig ko namang sigaw ni Fely.

"Ann, si Arc at Trent." The hell, napatayo ako. Marinig ko lang ang mga pangalan nilang dalawa na magkasabay bigkasan, kinakabahan na ako eh.

"What happened?" I managed to ask them while fixing myself. I don't want to let others think na may nangyari sa akin.

"Naglalaro sina Trent sa court, kalaban mga classmates natin. Katuwaan lang naman yun eh pero ng sumali na si Arc, namisikal siya. Natumba na lang bigla si Trent. Walang nakakita kung anong nangyari kasi naglalaro rin ang girls ng volleyball sa kabilang court. Basta't ang naabotan na lang namin ay si Arc na tumatakbo papunta sa gilid at si Trent na nakasalampak sa court. Nagsitilian kasi ang iba kaya't napatingin kami." Fuck it Fuentabella, you're so hot headed!

Nagmadali akong lumabas kasama sina Lucy at Fely para makapunta sa court. I saw Trent being surrounded by his classmates. Ganun din si Arc. Di na naman sila nagkakagulo kaya't I decided to just sit in the canteen for a while. When the game started again, di na muna naglaro ang dalawa. I don't know if nagkataon lang or nananadya ba si Arc. Di kasi pinaglaro si Trent dahil nagkasugat siya sa palad. Rough surfaced ang court kaya't nagkasugat siya.

Nang nagbreak ulit, nakita kong kinausap si Trent ng mga kasama niya kung kaya na ba nito. Tumango naman ito kaya't ng naglaro na ulit, kasama na siya. Pumasok na rin ulit si Arc sa game kaya't naiinis na lumapit ako sa court, sumunod naman sina Lucy sa akin. Naroon na ang iba naming mga kaklase at iba pang year level.

Hindi ako nakatingin sa court habang naglalakad kaya't  napabaling ako agad ng nagsitilian ang mga babae malapit sa court at narinig ko ang parang padabog na pagbagsak.

I saw Trent sitting down, Arc raising his hands signaling that siya ang nakafoul. Pinagtimeout ulit sila kaya't lumapit na ang mga kaklase kong naglalaro sa amin. Nabigla pa ako ng may kumuha sa bottled water na hinawakan ko. It's Arc. I'm so ready to lash out when one of my classmate na naglalaro talked.

"Arc naman pare, matatalo tayo nito eh. Puro ka na offense. Buti't di pa pumapalag mga kasamahan ni Corpuz. Ilang beses mo na siyang pinisikal bro." Inis na saad nito at bumaling sa akin. "Ann, kausapin mo to. Nakakadamay na ang init ng ulo eh."

Nagtawag naman na agad ang isang mag-aaral na nagsilbing referee nila na time na for the next game. Nakita kong maglalaro na naman si Trent at tumayo naman agad itong si Arc. Matalim ko siyang tiningnan.

"Try to step inside the court Arc." Pagbabanta ko sa kanya. I'm fuming mad right now. Nagpatuloy siya sa paghakbang papunta sa court. Nagmamasid lang lahat ng nasa malapit samin. Narinig ko pa ang mga kapatid niyang pinipigilan na din siya. Ang mga kaklase ko naman na maglalaro ay naiinis na binabawalan siya.

"Bwesit Arc, gawin mo yan! Sige! Gawin mo yan. Bwesit ka talaga, gawin mo yan at pagsisihan mo talaga. Mark my words Arc, magsisisi ka pag ginawa mo yan." Puno ng galit na saad ko. Napatigil siya. Ang kanina galit niyang ekspresyon ay napalitan ng gulat at takot. Sinenyasan naman ni Lucy ang mga kaklase ko na maglaro na at palitan na si Arc.

Di na ako naghintay pa ng susunod na mangyayari at nagwalk out na ako. Naramdaman kong sumunod agad si Arc. Hindi ko siya nilingon, sobra pa rin talaga ang galit ko sa kanya.

"Ann, sorry. I'm just so pissed that you chose him over me. I promise-" agad siyang nagsalita ng makapasok kami sa room. May iilan kaming mga kaklase sa loob. Mga barkada lang din namin lahat.

"Damn you Fuentabella! Namimisikal ka! Are you out of your mind? You always gets physical when you're angry! Sa tuwing nakakainom ka at ginaganun mo ako, okay lang! But doing it to other people even you're sober is just plain stupid! And what? You're pissed because I did not chose you over him? My God Arc! Are you knots?! He is my boyfriend. You are my bestfriend! There's nothing to choose between!" I lashed out in front of him. I'm so pissed.

"Ann, I'm sorry. I just-"

"You just can't accept the fact that aside from you, may ibang lalaki na sa buhay ko? What do you expect? I'll be forever be your girl? I mean, Arc! I'm still your girl, that didn't changed but it's different. I'm your girl but not your woman! You have Lauren right now! I have my Trent. Let's just accept that okay? Don't make me choose between the two of you 'cause I don't want to break one's heart. I don't want to break you. And don't even think of that because I know for myself na kung ikaw din ang papipiliin ko, hinding hindi ako ang mapipi-"

"Damn it Ann Dominique! I always choose you! I always run back to you! I'm always into you Ann Dominique! Fuck it!" Inis na pagputol niya sa sasabihin ko. Natawa ako. Really?

"Really Arc? Stupid. That's what you really are. Don't dare claim that you always choose me. You never did. You ran back to me? Yes! When everybody else left you. When nobody remained beside you. When you need someone to talk to. You're into me? You're not. Your ego is the one acting right now. You can't accept the fact na di na lang ikaw ang binibigyan ko ngayon ng atensyon. Di ka sanay na kapag bumabalik ka sa akin, wala na ako sa pinag-iwanan mo noon. Di ka sanay na nandiyan na si Trent. Hindi ka sanay na may kahati. Stop acting like that Arc. Please don't force me to choose. I really hate multiple choice type of exam. Especially, during practical and real exams." Pagod ko siyang linapitan. Nakatayo lang siyang nakayuko. I hugged him. Doon pa siya nagbreakdown. I know he's a jealous one. He's used to have my whole attention. But not now. I have Trent in my life now.

Multiple choice is okay, not until the choices are the two important men in your life, and you really need to choose.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now