Chapter 4

35 9 0
                                    

You can ignore the things that hurt you but it'll still cause pain.

Intramurals is one of the most awaited event of the students. Hindi maipagkakailang siyang-siya sila dahil kitang kita ito sa kanilang mga mata. Maagang pumasok ang mga ito dahil opening program ngayon para sa 3-day intramurals namin.

"Good morning Ann." Bati sa akin ni Lucy na may dalang mga Sports Equipment.

"Good morning Lus. San si Tina?"

"Nandoon sa loob, bilisan mo na. Para makapaghanda ka na para sa program." Sabi niya at tumuloy na sa labas.

Nakita ko naman ang iba naming mga kaklase na naghahanda ng mga props nila sa Mass Dance. Di na kami nakasali dahil sobrang busy namin sa Student Body. Di na kami nakapagpractice pa. Nakita ko si Arc na nag-aapply ng face paint kay Jane. Natatawa pa silang dalawa. Nag-iwas ako ng tingin bago pa may makakita sa akin.

"Good morning Tin." Bati ko kay Tina na abala sa pagpirma ng mga Certificates.

"Good morning Ann. Ready ka na?" Tanong nito. Ang tinutukoy nila ay ang pag eEmcee ko mamaya.

"Okay naman na." Tipid kong sagot. Napabaling kami sa labas ng pinto ng may biglang dumungaw.

"Anny, patulong." Sabi ni Arc na may ngiti pa sa mga labi. Inirapan naman ako ni Tina.

"Ano yun?" Tipid na sagot ko.

"Halika muna." Saad nito at lumayo sa pinto. Sumunod naman ako. Paglabas ko, nakita ko si Jane na nakatayo sa may hagdan. "Pakitali naman buhok ni Jane please. May paint kasi mga kamay namin."

Ay, wow ha. Okay. Wala akong karapatang mag react pero nasaktan ako.

"Ah, okay. Halika Jane." Sabi ko sabay kuha ng panali sa bulsa niya na tinuro niya. Tinali ko ang buhok niya gaya ng gusto nila.

"Thank you Annybabe." Saad ni Jane bago sila tumakbo pabalik sa room. Sa dinamidami ng pwedeng hingan ng tulong, sa akin pa talaga huh.

"Oh? Dakilang alalay ka ng love team na yun?" Saad ni Tina pagkapasok ko sa loob. Di na ako umupo dahil paniguradong sesermonan lang ako nito kaya nagpasya akong lumabas na lang at maghanda sa stage. Pero sinagot ko naman muna siya bago ako lumabas.

"Hindi naman, nanghingi lang ng tulong." Sabi ko, ayaw kong makita nilang nasasaktan ako kaya't hanggang sa makakaya ko, itatago ko.

"Whatever you say Ann!"

Nakita ko na sa labas ang ibang section na naghahanda na sa bawat booth nila. Bawat section ay may ginawang booth para pagpahingahan nila. Nakita ko naman ang iba naming mga kaklase na nandun na kaya lumapit muna ako sa kanila dahil hindi pa naman magsisimula ang program.

"Hi guys. Good luck later." Saad ko.

"Ann! Ba't kasi di ka sumali eh." Nagtatampong saad ni Ara. Kasi nung mga panahong nagprapractice pa, palagi nila akong kinukuha sa bahay, di naman ako sumasama kasi kahit sa bahay, dala ko ang mga gawain sa Student Body. Puyat na puyat nga ako kagabi dahil sa mga Certificates. Di naman kasi madaling maging secretary no.

"Anong gusto mo Ara? Mamatay na ako? Maawa naman kayo sa akin uy." Pabiro kong saad. Inirapan lang ako nito.

"Kung ayaw, wag nang pilitin. Di naman kawalan kung di sila sumali." Napabaling kami sa nagsalita. Si Arc, kasunod niya si Jane. Nakita kong hinawakan siya ni Jane sa braso, pinipigilan.

"Makapagsalita naman tong si Arc. Ano problema mo?!" Sabi ni Carl na bakas na bakas ang inis. Tumayo pa ito.

"Sinasabi ko lang naman na kung ayaw, wag pilitin. Di naman kawalan kung di sila sasali. Baka makasira pa kung di naman laging nakakapractice dahil mga busy." Sabi nito na parang di napansin ang inis ni Carl. Nagulat kami ng biglang sinuntok ni Carl ang table na gawa sa kawayan na ginawa nila. Tumulong naman kami sa paggawa ng booth at mga props nila, kami pa nga halos ang gumawa. Di lang kami sumali kasi wala na kaming oras para makapagpractice.

"Ano bang problema niyo?" Tumawa ako para maibsan ang awkwardness. "Totoo naman na di kami kawalan, di naman kailangan pa ng excess participants lalo na't di kami makakapagfocus sa practice dahil sa dami ng gawain, alam namin yun. And sobrang busy na namin para atupagin pa yan. Wa'g kayong OA, di naman namin gusto na makasira sa sayaw na yan kaya nagpasya kaming di sumali. Alis na ako, magsisimula na ang program, good luck sa inyo guys." Nakangiti kong saad pero talagang naiiyak na ako. Pero bago pa bumagsak ang mga luha ko, inakbayan na ako ni Ara at hinatak papunta sa stage.

"Tara na, samahan kita. Magpapasa ako ng kanta natin sa DJ." Saad nito.

Nang nakalayo na kami, dun pa ako nito kinausap.

"Powder room muna tayo. May 30 minutes pa bago magsimula ang program. Fix yourself." Sabi nito.

"I'm okay." Sabi ko.

"Fool yourself Ann." Sabi nito sabay hila sa akin sa loob ng powder room.

Nang makapasok kami, dun ko pa naramdaman ang matinding sakit. Doon pa bumuhos ang mga luha ko. Nanatili kami sa loob ng powder room ng mga 10 minutes. Kung di pa inannounce sa stage na kailangan na ako, di pa kami lalabas don. Nagulat ako pagpunta ko sa stage na nandun si Arc. Kausap niya si Ms. Feliciano, ang Adviser namin. Napabaling sila ng tingin sa akin ng umakyat ako at nagtungo sa may stand.

"Anong nangyari sayo Cruz?" Tanong ni Ms. Feliciano.

"Nothing Miss." Sagot ko.

"We'll talk later Fuentabella. Maghanda na kayo, goodluck." Sabi ni ma'am at umalis na si Arc sa stage pero nakita kong sumulyap pa siya ulit sa akin. Napabaling naman ulit ako kay Ms. Feliciano ng magsalita siya. "What happened Ann? Don't lie to me, kilala na kita." Close talaga ako kay Ms. Feliciano dahil lage niya akong minomotivate sa lahat ng mga gawain ko.

"Pagod lang Miss. Di na nakayanan." Saad ko at ngumiti sa kanya.

"I know na di yan ang rason Ann. I'll be waiting 'til you're ready to share it with me. Miss is always here for you." Saad niya sabay yakap sa akin, may tumulo na namang luha sa mga mata ko pero tinuyo ko agad.

"Thank you miss." She smiled at me and wave her hands at bumaba na sa stage. Pinabigyan niya ako ng tubig sa isang officer.

Bago magsimula, sumulyap muna ako sa mga kaklase ko. Nakatingin silang lahat sa akin at nakita ko pang may sinabi si Ara kay Arc at tinuro niya ito. Bakas ang galit ni Ara kay Arc. Pati mga kaklase ko ay parang nawalan ng gana dahil sa nangyari kanina. Si Carl naman ay pinapalibutan ng mga lalaki naming kaklase at nandun na si Miss Feliciano. Nakayuko lang si Arc at nasa tabi nito si Jane na nakahawak sa braso nito. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sistema ko at nang hindi mahalata ng iba pang studyante ang sakit sa boses ko. Bago ako bumati para opisyal na maumpisahan na ang program, muli ko pang tiningnan ang mga kaklase ko at ngumiti ako sa kanila. Nakita ko pang nagpapahid ng luha si Ara pero di ko na sila pinansin pa. After this, wala na akong tatanggaping trabaho muna sa Student Body. Maiintindihan naman siguro nina Tina kung di ako tutulong sa kanila ngayong hapon. Bukas na ako babalik.

I just want to get away para makalma ang sarili ko. I've decided a while ago. I will just ignore the things around me, si Arc, si Jane, mga pangyayari. Di na ako magrereact para wala nang pumanig pa sa akin. Di ko ipapakita na nasasaktan ako dahil alam kong may mag titake sides. But I know that even if I'll ignore the things that hurt me, it'll still cause pain.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now