Chapter 23

27 6 0
                                    

No matter how rotten you consider yourself is, there will always be someone who is willing to take you like you're a freshly picked flower from a garden.

It's been a happy school year for me. Not that it's already ending but it feels like it is different from the past school years where I always feel so exhausted, not just physically but more so, emotionally.

"Hi. Saan punta niyo?" Muntik na akong mapasigaw sa biglaang paglabas ni Trent sa classroom na dinaraanan namin. Magkasama kami ni Lucy, papuntang canteen.

"Canteen. Sama ka?" I know, sasama to.

"Okay lang?" Nahihiya talaga siya sa mga kaklase ko, lalong lalo na dito kay Lucy.

"Aysus, parang mga tanga. Halina nga kayo. Gutom na ako." Natatawang saad ni Lucy at nagpatiuna pa sa paglalakad. Di naman agad sumunod si Trent kaya hinila ko pa.

"Hala, ang sweet nila no? Pero nanghihinayang pa rin ako kay Kuya Arc at Ate Ann." Naramdaman kong pasimpleng kumakalas sa hawak ko si Trent. I glared at him. Yes, mag on na kami. He courted me for a good 5 months, nagpakipot pa ako konti no haha. Mag-iisang buwan na rin kami.

"Try mo, di talaga kita kakausapin." Banta ko sa kanya, tinutukoy ang pagkalas niya sa hawak ko. Hindi naman niya itinuloy pero sobrang tahimik niya lang habang bumibili kami sa canteen. Ako lang ang pinapapili niya. Don't get too engrossed guys, di kami naglilibrehan. Though, minsan nangyayari yun but not always. Alam namin na pareho lang kaming mga studyante at nakadepende pa sa mga magulang. Walang masama kung ilibre namin ang isa't isa kung meron kaming pera pero di rin naman tama na magwaldas kami, as if meron kaming mga trabaho.

Nahihiya siyang makita kaming sweet kasi lage siyang nakakarinig ng negative comments. Ayaw ko naman na mafeel niya na parang ayaw sa kanya lalo na ng mga teachers.

"Wala na naman ba kayong planong magpasa ng mga articles niyo? Ilang araw na ang palugit ko ah! Namumuro na kayo! Anong gusto niyo, ako pa ang gumawa niyan! Araw-araw ko na kayong pinapaalalahanan!" I'm fuming mad right now. Nakakawala ng pasensya 'tong mga kapub ko. Parang mga bingi kung iremind, ngayong kinakagalitan na parang mga tuta na maaamo.

"Anong gusto niyo? Title lang ba?! Award during graduation! Don't be too confident! I can tell the faculty not to give awards. I don't care kahit pa magalit kayo!" Gigil na gigil talaga ako. Ilang araw na palugit ko sa kanila. Hanggang ngayon ay wala pa. Wala ako pakialam kahit nandito kami sa library at nagsisisigaw ako. Nagrerepaint kasi sa publication office. Dito kami pansamantalang nag-ooffice.

"Ate, last chance. Friday po." Lakas loob na saad ng isang junior staff writer.

"I won't set a due date anymore. Hindi naman natutupad. Nasa sa inyo na yan. Pagod na ako. Di lang kayo ang inaatupag ko. May iba pang org na kailangan kong pagtuunan ng pansin. May mga requirements pa kaming kailangang tapusin. To hell with this pub! If you don't do your part, then I don't care at all. I did my part already." Wala nang umimik dahil lumabas na agad ako.

Bwesit na luha to, automatic na lumalabas kahit na galit ako. Dapat lumabas lang to kung malungkot ako eh. Ang weak ko naman. Matapang lang ako pag nasa harap ng iba pero pag sa ako na lang talaga, nagbebreakdown talaga ako.

"Hey hey. Okay ka lang?" Pinigil ako ni Trent ng nasa corridor na ako. Tuluyan na talagang tumulo ang luha ko. Mas nagiging emotional ako kapag may nagcocomfort sa akin. Tinabig ko ang kanyang kamay. Lalampasan ko na sana siya.

"Bro, samahan ko muna." Dinig kong paalam niya kina Josh.

Tatakbo na sana ako pero nahablot niya na ako. Dinala niya ako sa isa sa mga bench sa court. Yumakap agad ako sa kanya ng iharap niya ako. Ayaw kong makita niya ang mukha kong sure ako na parang binagyo. Namumugto ang mga mata, hilam sa luha, pulang-pula kaya't ayaw kong makita niya.

"I don't know why. I don't know where did I lack this time. Simpleng gawain, di pa nila nagagawa. Ang tagal na ng palugit ko. Anong gusto nila? Ako gumawa lahat? Pagod na ako. Wala na akong tulog magdamag para lang matapos ang part ko, pero di man lang nila naappreciate na para lang din to sa kanila. Ayaw ba nilang makapagpublish kami ngayong school year na ito?" Hindi na halos maintindihan ang pinagsasabi ko dahil nakasubsob ako sa dibdib niya at iyak ako ng iyak. Basang basa na nga yata siya.

"Alam ko, iba na naman ang mga lalabas na sabi-sabi mamaya. Ako na naman ang masama dahil pinagsisigawan ko sila." Tahimik lang si Trent. Naiinis ako lalo. Gusto ko pagalitan niya ako o di kaya ay kahit ano lang.

"Alam ko natuturn-off ka na! Akala mo mabait ako, pero ito ako oh. Di talaga ako mabait. I always throw tantrums anytime I want to! Leave me now!" Iyak pa rin ako ng iyak at sinusubukan kong kumawala sa yakap niya. I heard him chuckle at nanginginig pa ang buong katawan niya sa pigil na tawa.

"Who told you that my first impression of you is that you're good?" Natatawa niyang saad. "Hindi ka mabait uy. Unang kita ko pa sayo, alam ko nang hindi ka mabait." Pigil pa rin ang tawa niya habang sinasabi niya iyon. Mas lalo pa akong nainis. Pinaghahampas ko siya, puro lang tawa ang ginawa niya.

"I first saw you during the enrolment. I am a late enrollee. Last day na talaga ako nakapagpaenroll, kinabukasan klase na, dahil di ako sure na dito talaga mag-aaral. Sumama lang ako kay Josh, late enrollee din si Josh eh. Nakikipagtalo ka pa nga nung time na yun kay Lucy eh. Parang ayaw mong mag-Emcee kasi short notice. Halatang napilitan ka lang pumunta dito kasi base sa attire mo, nakapajama ka lang. You're hair in a messy bun, you're confident to go here like this is just some part of your home. That time I told to myself that this girl is something. Nagdadabog ko pa nga nang nanghingi kami ng form eh. At ikaw pa nagbigay sa amin, ikaw kasi nasa malapit. Natatandaan ko pa ang sinabi mo. 'Bakit tumatanggap pa ng mga enrollees, dapat di na. Pasukan na bukas. Late na nga agad, enrolment pa. Pano na lang sa klase?' at inirapan mo pa kami ha. Ikaw na talaga. Natawa na lang ako kasi sa kanila ka naiinis pero nadamay pa kami. Nagtanong pa talaga ako non kay Josh kung sino ka, pati sa mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na din. Nakita kita muli ng openning. Alam mo ba yung mga naririnig ko tungkol sayo? Puro papuri na may kasamang kunting 'pero' sa dulo." Naiiling na kwento niya. Naiinis ako pero di ako umimik. Itinago ko lang sa dibdib niya ang mukha ko. "Yung pero nila iisa lang eh. Sabi nila matino ka daw. Tama nga. Mabait ka daw at namamansin which is against talaga ako kasi di ka ganun eh. Mabait? Ewan bsta. Sinigawan mo section namin eh noong pinaiyak namin gov namin. Kahit si Andrey na pinakapasaway, tiklop sayo. Lahat na ng papuri nasabi na nila pero, strikta ka nga lang daw talaga at maldita. But love, no matter how rotten your attitude is for them, I will always be here to accept you. Di ka naman ganun eh. Siguro sa mga di ka pa kilala. Pero kapag nakilala ka na nila, doon na nila masasabing you are perfect. Don't be too affected of what other people will say about you. Just be yourself. Someone who truly loves you will accept you."

Then I realized, my attitude is really a rotten one but Trent still accepts me. That matters most.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now