Chapter 15

27 7 0
                                    

Awkward...

Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. August na. Our two months in school is just like a whirlwind. Maraming nangyari at ang pinakamasamang nangyari para sa akin, nakatabi ko lang naman si Arc.

Ang akala kong closeness namin na nawala ng ilang araw dahil sa pagiging close nila ni Hannah ay bumalik. Namalayan ko na lang na lage niya nang inaaway si Hannah, di sila pwedeng pagtabihin dahil mag-aaway lang ang dalawa at hahantong sa pisikalan. Minsan pa nga, nadamay ako eh. Nakaupo ako sa assigned seat ko, nasa tabi ko si Arc. Sa kasamaang palad naman, nasa likod namin si Hannah. Dun ang assigned seat niya. Katabi niya si Fred. Nagulat na lang ako ng dinakmal niya si Arc na nasa tabi ko, umiwas naman si Arc at humilig papunta sakin, siya namang pagbaling ko ng tingin sa kanila kaya't nagkasalpukan ang mga ulo namin ni Arc. Sa sobrang sakit, nagalit ako sa dalawa kaya't umalis ako sa upuan matapos ko silang talakan. Gigil na gigil ako dahil may gana pang tumawa si Arc kaya't nasampal ko siya. Di naman sa namimisikal ako pero sadyang naging habit ko na talaga na sampalin siya. Di naman umiilag ang loko. Matapos nun, di na muling nagbangayan ang dalawa pag nandiyan ako, paminsan minsan, salita lang naman. Nabigla na lang din kami ng nalaman namin na nanliligaw pala si Arc sa kaklase naming si Michelle pero bigla namang natigil. At ako pa ang sinisi ng babae. Wow lang, di ko nga alam na nanliligaw sa kanya eh. Ang dahilan naman ni Arc, di daw worthy si Michelle ligawan.

Kaya ngayon balik na naman samin attention ng madla. Kami na naman ang may issue lalo na't nakikita nilang close sa akin ang dalawang kapatid ni Arc.

"Cruz and Fuentabella! Pakasal na nga lang kayo diyan!" Inis na sigaw ng adviser naming bakla na kanina pa talak ng talak about sa Buwan ng Wika. May mga activities na kailangan naming salihan kaya't busy si Bakla sa pagpili ng mga sasali. Isa ako sa napili na kalahok sa pagsulat ng sanaysay. Dahil sa pagsigaw ni Sir, tumahimik ang lahat.

"Sir, di pa po kami 18 eh." Pilyong saad ni Arc sabay kamot pa sa batok. Nanlaki naman ang mata ni Sir kaya't siniko ko si Arc.

"I'm sorry sir. Nagdidiscuss lang po kami ng mga maaring gawin sa booth natin." Paumanhin ko kay sir para di na siya mag-init ang ulo. Sa lahat ng studyante niya, ako lang yata ang di nakikipagbiruan sa kanya. Sa lahat din naman ng teachers, siya lang ang di ka feel. Palang may galit siya sakin at feel ko tungkol to kay Arc kasi laging nakadikit ang huli sa akin.

"Wag niyo yang isipin. Ang isipin niyo ay ang mga attire niyo sa darating na Tuklas ng Bb. at G. Wika." Saad ni sir.

"Ano? Ano pong sinabi niyo sir? Di po ako sasali sir. Walang pera pang gastos diyan. Di yan kaya sa bulsa. Di po kami mayaman. Si Arc na lang po at si Lucy." Tanggi ko agad. Tiyak magastos talaga yan kaya't ayaw ko at di ko forte rumampa sa harap ng maraming tao.

"Give me one valid reason Cruz. Kung gastos? Willing ang mga kaklase mong magcontribute ng pera. At ethnic attire, filipiñana at school uniform lang naman ang susuotin niyo." Paliwanag ni sir. Ang mahal kaya ng dalawang attire. Make up pa. Yoko nga!

"Ganito na lang sir. Di ako sasali pero ako ang maghahanap ng ethnic attire. For free. Wala kayong babayaran kahit isang kusing. Ako ng bahala sa Ethnic Attire na yan." Saad ko. May kilala akong trainor ng sayaw na bakla. Meron siya halos lahat ng costume sa sayaw.

Mahabahabang pilitan pa muna ang nangyari samin bago ko sila nakumbinsing lahat. Sa huli, si Arc at Hannah ang naging representative namin. Nagbangayan pa muna ang dalawa.

Lumipas ang ilang araw at naging busy kami. Lagi kaming magkasama nina Arc dahil sa pagtulong ko sa kanila sa paghahanap ng ethnic attire na kailangan nila.

Matapos ang ilang araw na paghihirap, heto na kami ngayon at nanunuod na sa Tuklas ng Bb. at G. Wika.

"Ate Ann, ate Ann. Kailangan ka ni Kuya Arc sa backstage. Bilis na please." Nagmamadaling saad ni Mika na galing pa sa backstage. Dalidali naman akong tumayo at pumunta sa backstage dahil baka nahihirapan silang isuot ang ethnic attire. Kabisado ko na ito dahil minsan ko na itong nasuot ng ilang beses.

Pero pagdating ko, tapos na man ng nagbihis si Arc.

"Oh? Anong problema? Kailangan mo raw ako." Saad ko ng lumapit ako sa kanya. Napatingin pa sa aking ang ibang kalahok na naroon.

"I'm just nervous. Dito ka lang." Saad nito at hinila ako paupo sa upuan niya.

"Hooy, Arc di ako dito pwede. Meron ka namang kasama dito, ano namang maitutulong ko? Tsaka ang init-init dito Lady Arc, di na ako makahinga." Ngunit di siya nakinig sakin. Sa halip, pinaypayan niya lang ako at niyakap mula sa likod.

"Oh my, tama na yan lovebirds. Arc Fuentabella, ikaw na ang susunod." Tukso sa amin ng baklang nag hahandle kay Arc.

"Arc sa labas lang ako." Saad ko.

"Dito ka lang." Pagmamaktol niya. Isang contestant na lang ang lalabas at siya naman na ang susunod.

"Arc, Q&A na oh, kung dito lang ako di ako makakapanuod. Sige na, ikaw na oh." Tumango na lang ito at dali-dali naman na akong lumabas. Nakita ko pang luminga siya sa banda namin kaya't kinawayan ko siya.

Naghagikhikan naman ang mga kaklase namin at tunukso ako.

Naging maayos naman ang pageant. Nanalo si Arc at nakapasok naman sa Last 3 si Hannah.

Matapos ang contest, naging abala ang lahat sa pagkuha ng mga litrato. Nakita kong nandito pala sila ni Jane kasama sila ni Ara at ang iba pa naming mga kaklase noon. Kinawayan ako ni Ara pero ang iba naming kaklase ay pinagtutulakan na si Jane papunta sa intablado. Nakita kong nabigla si Arc sa paglapit ni Jane pero ngumiti naman siya agad at nakipagpicture dito. Tinawag ako nina Lucy pero di na ako lumapit pa. Ang awkward naman kasi. Instead na lumapit kay Arc, kay Hannah na lang ako lumapit at nakipagpicture. Pagkatapos nito ay bumaba naman agad ako at naupo pabalik sa bleachers.

Nakita kong nagpalinga-linga si Arc at ng makita kong papatingin siya sa banda ko ay tumayo na ako at naglakad papunta sa labas. Sakto namang palabas na sina Ara kaya't sumabay na lang ako. Tinawag pa ako nina Lucy. Paglingon ko, nakita kong senesenyas niya si Arc na napapalibutan na naman ng ibang studyante at guro. Pasulyap sulyap ito sa akin pero di makaalis. Kumaway lang ako at lumabas na ng tuluyan.

Nang makarating ako sa bahay, nag open agad ako ng FB para makita ang mga posts ng mga kaklase at schoolmates ko. Nakita ko ang mga posts nina Lucy na tinag pa talaga ako kahit wala ako sa pictures. Nag react na lang ako at nagcongtratulate sa kanila ni Arc at Hannah. Pinost ko na din ang pictures namin ni Hannah.

Pagtingin ko sa notification, nakita kong nagreply si Arc at Hanna sa comment ko, pati na rin sina Lucy at Ara.

Hannah Legaspi: Thank you Ann, so much love. Can't make it through without you.

Arc Fuentabella: Have the nerve to congratulate me in the social media but not in person. Left me hanging there, promising that you will support me through the end. Tsk. Well thank you for leaving a while ago.

Lucy Joy Fuentes: Not in here please. She had her reasons Arc.

Arabella Fuentabella: Stop right there cousin.

Di na ako nagreply pa at naglog out na ako. Siya naman pag log out ko ang pagpasok ng text ni Lucy sa akin. Kasunod nito ang text ni Arc.

*From: Lucy*
He's been looking for you. Nang nakita ka niyang lumabas na ng gym, di na siya nagpaunlak pa ng pagkuha ng pictures. Bumalik na agad sa backstage at umuwi.

*From: Lady Arc 💕*
I thought you'll support me. Iniwan mo lang naman ako dun kanina, sabi mo manunuod ka lang. Tsk. Thank you pero nagtatampo ako. Parang di ka masaya sa pagkapanalo ko. Goodnight.

Hindi na ako nagreply sa mga texts nila. Natulog ako at di na nag-iisip ng mga bagay-bagay na tiyak babagabag lang sa akin.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now