Chapter 20

22 7 0
                                    

Issues just don't die down overnight.

Almost a week had passed but issues are still lingering like butterflies all over the campus. Walang araw na di ako nakakatanggap ng panunukso lalo na't napapadalas na naman ang pagsasama namin nina Arc. Meron mang mga barkada, still magkasama kami kaya't tampulan ng tukso lalo na ng mga guro.

"Parang nababalik na sa dati ah. Sana mag tuloy-tuloy na yan. Nakakasawa kayong makita na nag-aaway." Saad ni Lucy nang umalis si Arc sa tabi ko para bumili ng pagkain sa Canteen. Nasa lilim kami ng mga puno sa grounds para sa practice namin ng sayaw para sa PE. Ngumiti lang ako.

"Alam mo Ann, di naman masama yung ginagawa niyo. Yung closeness niyo kasi noon pa yan eh. Di kasi tama na kapag mag girlfriend or boyfriend na ang isa sa inyo, eh mag-iiwasan na kayo. Dapat panatilihin niyo pa rin yung friendship niyo. You know, mas nauna kayong magkakilala and that's friendship that is happening between the two of you. Sweet nga kayo pero dapat na matanggap yun na partners niyo. If not, please don't sacrifice your friendship. True love accepts everything, everyone who are already present in your life before they came." Saad naman ng teacher namin sa PE. I know they just want us to not end the friendship between us. Kahit naman ako, ayaw ko. Arc is my bestfriend and my brother. Minus the 'crush' thing I have for him tho haha.

"Hindi ko naman talaga gustong isacrifice yung friendship namin. Di lang talaga kaya ng sarili ko na makitang may nasasaktan dahil sa amin. Though I hate Belle for making issues about me, I still respect her as Arc's girl." Yes, Belle keeps on making issues na ako daw yung lapit ng lapit kay Arc. Ako daw yung laging nakabuntot sa boyfriend niya hahaha.

"Di naman masamang maging mabait Ann pero 'wag naman yung sobra. Di na nakakatuwa." Sabi ni Lucy.  Wala nang sumagot pa sa amin dahil nakita naming pabalik na si Arc na may dalang mga pagkain.

"Kayo girls? Ma'am?" Saad nito sa aming tatlo sabay lahad ng pagkain na dala niya. Umiling lang sila ma'am at nagpasyang tumayo na at magpunta sa canteen. Tatayo na din sana ako pero pinigilan ako ni Arc at binigyan na ng pagkain. "No need to buy yours, I already did."

"Uhm, okay lang Arc, bibili din ako ng tubig." Palusot ko dahil kita kong nakatingin sa amin si Belle kasama ang kanyang mga barkada. "And look, Belle seems to be looking for you. Lapitan mo muna. Mamaya pa naman tayo magpapractice, it's still break-"

"If you want to dismiss me, please do it properly Ann. Di yung nahahalata kang umiiwas. Masakit eh." He said then stood up. Nilingon kami ng iba naming kaklase na nasa malapit lang at kumakain din. "Just accept this food, please. I will just approach Belle, as you say so." Saad niya sabay lapag ng pagkain sa lap ko at umalis. Natahimik na lang din kaming lahat. Walang nangahas na tumukso o magsalita man lang kahit noong nakaalis na si Arc papunta kay Belle.

"I bet you pushed him away again. Hys Ann, when will you learn." Dismayadong turan ni Lucy. Mag-isa na siyang nakabalik dahil naiwan si Ma'am sa mga kasamahan niya dun sa canteen. Narinig pa namin ang iilang mga panunukso ng mga guro ng makitang magkasama sina Arc at Belle. Nakita ko namang pasimpleng lumingon ang iba sa kanila dito sa akin. Di ko na lang pinansin.

"Ate, pwede pahiram phone mo?" Saad ni Mika na di ko nahalatang nakalapit na pala sa akin. Nakatungo lang ako habang pinaglalaruan sa kamay ko ang bottled juice na bigay ni Arc kanina. Napaangat ako ng tingin. Nakarinig naman ako ng ibang mga bulongan na nagmula sa kumpol ng students na tumatambay malapit sa amin.

"Mas close pa rin talaga kay ate Ann ang mga kapatid ni kuya Arc no? Di maipagkakailang close talaga sila." Saad ng isang lower year na babae.

"Ah aanhin mo Mik?" Tanong ko, gagamitin kasi namin ito sa practice namin eh.

"Magpapapasa lang sana ako ate ng kanta. Di na kasi magkasya sa phone ko. Ibabalik ko din agad te." Ibinigay ko na lang agad sa kanya lalo na't nakita kong palapit sina Arc sa amin, kasama si Belle at ang ilan sa mga kaklase nito. Baka ano na namang issue ang sabihin, baka sabihing nakikipagclose na naman ako sa mga kapatid ni Arc.

Sinalubong naman ni Mika si Arc para humingi ng pera.

"Kuya, baon ko. Sabi ni mama nasa iyo."

"Sa bag ni ate mo." Saad naman nito. Alam kong ako ang tinutukoy nito kaya't di na ako nabigla nang sabihin nitong kukuha na lang siya. Nasa room lang kasi ang bag ko.

"Ate, kunin ko na lang. Pati yung kay Bella." Di na ako sumagot, tumango na lang ako.

"Openness overload na talaga ha." Tukso ng iba sa amin kahit alam nilang nariyan lang sa malapit na bench sina Belle.

"Di naman sir," sagot ko sa isang guro na siyang pumuna sa nangyari. "Sadyang sa akin lang po iniiwan ni Arc yung pera ng mga kapatid niya kasi burara po siya. Minsan naiwawala niya." Nagtawanan naman ang iba lalo na sina Lucy.

"Asusss, magkakatuloyan din kayo. Sa pagkahabahaba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy at-" biglang natigil ang guro namin sa pagsasalita ng biglang nagdabog si Belle sa bench at nagwalkout. Sumunod naman agad ang mga barkada niya at inirapan pa kami. Nagpeace sign lang ang guro namin. Pinukol ko naman agad ng masamang tingin si Arc ngunit tumawa lang ito, nagkibit ng balikat at tinakot pa ako.

"Hala ka, nagwalkout." Saad niya, natatawa pa.

"Wow ha. Ako may kasalanan?" Irita kong saad. Imbis na sagutin ako, tumawa lang ito at tumabi pa sa akin. Prenteng umupo, mukhang walang nangyari. Natawa na lang din ang iba na nakasaksi sa pangyayari.

"Ano ba Arc, sundan mo nga dun. Baka ano na namang issue ibato nun sakin." Angil ko sa kanya. Pero sa halip na sumunod sa sasabihin ko, inirita pa ako ng sobra.

"Ikaw sumunod, ikaw may gusto eh." Sa inis ko, hinampas ko siya ng hinampas. At mas lalong nang-inis ang bwesit. "Tingnan niyo guys oh, I'm a battered husband in here. Sana may Violence against men din, di lang kasi mga women ang inaagrabyado, minsan mga lalaki din." Paawa pa nitong saad sa mga nasa malapit sa amin na naging dahilan ng sobrang panunukso at sigawan ng mga kasama namin. Hanggang sa magsimula na kaming magpractice, nandun pa din ang tuksohan lalo na't ako ang kinuha niyang kapartner sa Folkdance kung saan hindi naman siya dapat kasali. Nakisali na rin siya sa walts kung saan isa rin ako sa kasali. Lahat ng sinalihan ko, sinalihan niya at laging siya ang kapareha ko. Puno ng tuksohan ang practice namin.

Hindi nga ako nagkamali, paglipas ng araw, mas naging marami ang issue na ibinato sa akin. Kesyo ako daw talaga itong lapit ng lapit sa kay Arc at nakikipagclose daw ako sa mga kapatid para mapalapit sa kanya. Kulang na nga lang eh di ko pansinin kahit na magkakabanggaan na kami ng mga kapatid niya. Pati nga si Arc inaaway ko na pero walang epekto. Nagtagal, di na rin lang ako naapektohan. Parang naging natural na na maraming issueng ginagawa si Belle sa akin. Para na ngang kulang yung araw ko kung wala akong issue na marinig.

Issues really don't die down easily and issues do excites our lives 😅

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now