Chapter 13

40 9 2
                                    

Time heal all wounds, but it depends on the length and the reason of the wound.

Dalawang buwang bakasyon na puro tambay lang sa bahay ang nangyari. Tambay sa bahay namin, tambay sa bahay ng kapatid ko.

Kung tutuosin, mas mabuti pa nga siguro nung may pasok pa, nakakagala pa ako. Pero ngayon, wala. Tigang. Buti na lang ilang araw na lang at pasukan na naman ulit. Ngayong araw din kami magpapaenroll ni Lucy. Sa dating school pa rin namin kami mag-aaral, Immaculate Concepcion High School.

*From: Lucy*

Where are you? Hihintayin na lang kita dito sa gate ng school.

Hindi na ako nagreply at dalidali na akong umalis ng bahay. Pagdating ko sa school ay nadatnan ko ang ibang mga classmates namin noon na nagpapaenroll din.

"Hi Ann, kala namin di ka na mag-aaral. Paramdam naman pag may time." Saad ni Tanya na classmate namin noon at parang magiging classmate din namin ngayon.

"Oh, miss me guys?" Tukso ko sa kanila. Kasama niya sina Fred at Joshua.

"Yeah someone misses you badly." Makahulugang saad ni Lucy sabay hagikhikan naman ng mga kasama namin. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa kin and jokingly kiss me on the cheeks.

"Kung nandito lang sana si Carl, kanina pa nagkagulo." Patay malisyang saad ni Lucy, sabay talikod at nagsimula ng mag fill-up ng form.

"Hi Anny." Bati sakin ni Arc na siyang dumating.

"Hi Arc. Dito ka pa rin mag-aaral?" Tanong ko sa kanya.

"Grabe naman to, parang ayaw mo ah." Saad niya sabay bigay ng distansya samin. Natawa naman ang ibang nakarinig.

"Di naman. Nagtatanong lang. Kala ko kasi, sama ka kina Ara. Nag St. Joseph's School sila eh." Saad ko. Gusto daw kasi nilang makaexperience sa ibang environment. Ako? Well, loyal ako dito sa ICHS. No need to transfer.

"Ba't naman ako sasama? Nandito ka naman." Saad niya sabay kindat. Nag-iritan naman ang iba pa naming kasama pati na rin ang mga teachers na assigned sa enrollment.

"Ewan ko sayo." Alam kong pulang-pula na ako kaya't tumalikod na lang ako sa kanya at nagsimula na ring mag fill-up ng form. Pagkatapos kong magfill-up ay aalis na sana ako ngunit pinigilan niya ako at ako pa ang pinagsulat ng sa kanya.

"Ehem, Arc ha. Paraparaan." Tukso sa kanya ng mga kaklase namin.

"Well, what does a wife do?" Casual na saad nito. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Napailing na lang ako ng marinig ang mga bulongbulongan ng mga bagong teachers. Natatawa naman ang iba at namamangha.

"Shut up Arc. You're making issues na naman." Angil ko sa kanya. Tumawa lang siya at inakbayan ako. Sa inis ko ay iniwasan ko na lang siya at nauna nang maglakad papunta sa office ng principal para kumuha ng Admission slip.

Sumunod naman siya na tatawatawa pa rin.

I hate him for that. Parang walang nangyari noon ah. Tapos kung makapagkalat ng issue parang walang girlfriend. Ako na naman ang maiissuehan nito.

Palabas na kami ni Lucy sa gate ng bigla na namang sumabay sa amin si Arc.

"Uwi na agad kayo?" Tanong nito. Nagtinginan muna kami ni Lucy bago sumagot.

"Di pa. Pupunta pa kami sa Mall para bumili ng mga gamit." Saad ni Lucy. Pero di ko inasahan ang isusunod niya. "Sama ka?"

Goodness, pag ito di umayaw, ewan ko na lang talaga.

"Really? Sure! Mag motor na lang tayo, di naman ginagamit yung amin eh. Kunin ko lang sa bahay. Para di na tayo mahirapan mamaya pag-uwi." Goodness, sabi ko nga. Di ko na talaga siya maiiwasan.

Ng makaalis si Arc ay sinapak ko agad si Lucy na tatawatawa. Umilag lang siya at tinawanan ng tuluyan ang pag-irap ko sa kanya.

Nang makabalik na si Arc ay nagtinginan pa muna kami ni Lucy kung sino ang mauuna kaya't natawa naman si Arc.

"Oh, dapat mauna ang asawa." Saad nito na nagpipigil ng tawa.

Tinaponan ko lang siya ng masamang tingin bago ako sumakay. Nakakahiya naman kung magpapahintay pa ako.

Nang makarating kami sa mall na mga 10-15 minutes away sa amin, napagpasyahan namin na kumain muna bago mamili ng gamit. Hindi ako nagsuggest ng kahit ano dahil inunahan kami ni Arc na siya raw ang manglilibre. Nauuna silang maglakad ni Lucy, nasa likod lang ako pero ng nasa food court na kami, binalikan niya ako at hinawakan sa kamay. Pumigsi ako ngunit mas hinigpitan niya ang hawak kaya't di na lang ako pumalag dahil may mga napapatingin na samin, sabihin pang we are having an LQ.

"Anong sayo Lus?" Tanong ni Arc habang patingin-tingin sa mga pagkain.

"Shawarma with Rice, Arc." Sagot naman ng isa.

"Drinks?"

"Kayo na bahala. Maghahanap na lang ako ng bakanteng table." Saad ni Lus sabay talikod sa amin.

"Wait Lus, samahan na kita." Saad ko.

"Samahan mo na lang si Arc, tulungan mo siyang magdala. Ang rude mo." Patay malisyang saad ni Lucy sabay ngiti kay Arc.

"Ganyan ka talaga? Iiwan mo ako?" Paawang saad ni Arc na ikinairap ko naman.

"Tss." Humalukipkip ako pero di natuloy dahil muntin ng mahawakan ni Arc ang di dapat hawakan dahil magkahawak kamay pa rin pala kami.

"Bitiwan mo nga ako." Angil ko sa kanya.

"Yoko nga, iiwan mo ako dito." Pababy niyang saad. "Ano pala ang sayo?" Tanong niya habang naghihintay sa order ni Lucy.

"Ewan ko sayo." Inirapan ko siya.

"Okay, akong bahala ha." Saad niya. Pagkatapos namin makuha ang order ni Lucy, pumunta kami sa stall na nagtitinda ng Canton. Nag order siya ng isang large at isang Jumbo sized Coke float.

"What on earth are you doing?" Angil ko sa kanya ng makitang yun lang ang binili niya at hinila na ako papunta sa table na inuukupa ni Lucy.

"Naglalakad?" Painosente niya saad.

"Arc naman eh. Di mo ako binilhan ng pagkain."

"Binilhan kita. Share na lang tayo. Mas makakaless pa tayo." Sabi niya na parang wala lang.

"The heck! Kung gusto mo palang makatipid, nagsabi ka sana at ako na lang mismo ang bibili ng para sa akin." Angil ko sa kanya. Naggigigil na talaga ako.

"What's wrong Anny? Nagshashare naman tayo noon ah. Halika na, natutunaw na ang coke float." Casual na saad niya.

"You really love issues! Arrgh! Pag ito nagcause na naman ng mga kaguluhan, papatayin talaga kita Arc!" Tumawa lang siya at hinila na ako papunta sa table.

Matagal kaming natapos kumain dahil sa mga kapilyohan ni Arc. Nagshare nga kami ngunit nagpasubo naman siya halos. Kung titingnan talaga, parang kami at ito ang ikinakabahala ko.

I thought, time heal all wounds but I'm sure my wounds now are still fresh and aching again. Wounds of fear, nervousness, curiosity and betrayal.

Natatakot ako na bigla na namang magkagulo at mag away-away na naman kami.

Time don't heal, it only gives us temporary relief.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now