Chapter 14

31 8 0
                                    

New beginning? Not totally. Back to normal? Not surely.

Early monday morning, typical rush hour for us dahil pasukan na. Wala na akong kasabay pumunta sa school. Ara and Jane decided to transfer to St. Joseph School. They persuaded me but I am really sure na dito na ako magtatapos ng 6 years ko sa High School.

"Oh Ann, bilisan mo na. Kanina ka pa hinahanap ni Miss Feliciano para sa Openning Ceremony." Bungad sa akin ni Lucy na nagmamadali din.

Hindi na kami mga SB officer pero kami pa rin ang hinahanap ng mga guro.

Nagmamadali akong pumunta sa room pero di pa ako nakakapasok ay nagkabanggaan kami ni Arc.

"Ay sorry Anny!" Sabi niya pero kita kong natatawa siya. Sa inis ko, inihampas ko sa kanya ang dala kong bag at iniwan ito sa kanya. Dali-dali na akong nagtungo kay Miss Feliciano na nasa stage.

Madali namang natapos ang Openning Program, agad na kaming pinapasok sa kanya-kanya naming mga silid aralan. Dahil Grade 11 na kami, may mga bago na kaming mga kaklase. Ang araw na ito ay iginugol lang sa pagpapakilala namin sa isa't isa. Including our new teachers and our adviser.

"Oh Ann, ba't di tumabi sayo yung isa dun?" Tanong ni Lucy nang nag break kami.

"Ha? Di ko alam. Wait lang, kunin ko pala bag ko sa kanya." Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya na nakikipagharutan sa bago naming kaklase.

"Arc, bag ko." Saad ko sa kanya. Di ko kasi makuha agad dahil nakasukbit sa balikat niya.

"Ayoko." At tinalikuran niya ako.

"Arc ano ba, kukuha ako ng ballpen at notebook." Inis na saad ko sa kanya.

"Edi kunin mo, oh." Binuksan niya ang bag ko. At siya pa mismo ang pumili ng notebook na gagamitin ko.

"Ann, snacks tayo." Tawag sa akin ni Lucy.

"Give me my bag Arc. Kukunin ko wallet ko." Baling ko sa kanya ulit.

At ang gago, binigay nga sa akin ang wallet. Argh!

"Ewan ko sayo! Edi sayo na yan! Urrgh!" Inis na inis kong saad at nagmartsa na papunta kay Lucy. Nakita ko namang natatawa ang mga kaklase namin lalo na ang mga kaklase namin noon pa.

"Anny, susunod na lang ako!" Sigaw niya sa akin ng nasa labas na kami na room.

"Pakamatay ka na!" Angil ko sa kanya.

"Ayokong mabyuda ka." Sa inis ko, muntik na talaga akong pumulot ng bato at ibato sa kanya.

Natatawa na lang si Lucy habang hinihila ako dahil alam niyang malapit na talaga akong sumabog sa inis.

Matapos namin bumili ay bumalik na agad kami sa room pero kaaalis pa lang namin sa cateen ay nasalubong na naman namin si Arc.

"Anny, yung pera ko." Saad niya.

"Anong kinalaman ko sa pera mo?" Mataray na saad ko at lalagpasan na sana siya.

"Nasa wallet, linagay ko." At putik talaga tong lalaking to oh.

Pagcheck ko sa wallet ko, mayroong ngang nadagdag na pera. Pinagtitinginan na kami ng ibang studyante at nagbubulong bulongan sila na kung ano daw ba kami ni Arc kaya't inihampas ko na lang sa dibdib niya ang wallet ko at umalis na. Natawa na naman ang mga kaklase naming nakasaksi sa pangyayari.

Maghapong ganun lang ang nangyayari sa amin ni Arc. Hanggang sa pag-uwi ay nag-aaway kami.

"Arc, yung bag ko." Tawag ko sa kanya na nasa labas na. Di ko nakuha ang mga gamit ko kaninang lunch dahil dinala niya talaga. Wallet at celphone lang ang nadala ko pag'uwi.

"Sa gate na." Baliwala niyang saad.

Nauna siyang lumabas ng room. Sinadya ko talagang magtagal para umuwi na siya at ibigay na lang niya ang bag ko dito. Pero lumipas na lang ang halos 30 minuto, di pa rin siya bumabalik.

Natapos ng maglinis sila ni Lucy kaya't lumabas na kami. Nakita ko siyang naghihintay at pinapakialaman ang mga gamit ko. Nakalimutan kong nasa bag ko lang ang celphone ko kaya't yun pala ang pinagkakaabalahan niya.

"Anny, tumawag si ate. Sinagot ko na. Uwi ka raw ng maaga, pupunta pa kayo sa City para mag grocery." Saad niya. "Nag offer pala ako na ako na lang sasama sayo. May utos kasi si mama."

"Ewan ko sayo, gamit ko akin na." Pero di pa rin niya ibinigay.

"Sabay na tayo, kunin ko lang ang pera sa bahay at ang motor. Daanan na lang natin ang pera kay ate at dumeretso na tayo." Natawa na lang si Lucy sa aming dalawa.

Lumipas ang ilang araw na ganun lang kami palagi ni Arc, lage niya akong kinukulit. Pero nung minsang bumisita sina Jane kasama ang iba pa naming mga kabarkada dito sa school, nag-iba siya. Parang tumahimik at lumayo sa akin.

"Anny, can we talk?" Saad niya ng wala kaming klase ng hapon. Absent ang isang teacher kaya't vacant namin ang isang oras. Nag-uusap usap lang kami nina Lucy ng bigla siyang lumapit.

"Oh sure. Upo ka." Saad ko.

"I mean, sa library muna tayo." Sabi niya. Kinabahan ko ngunit di ko ipinakita.

Sumunod na lang ako sa library at nadatnan ko siya dun nakaupo sa may Study lounge malayo sa mga studyante na nasa malapit sa pinto.

"Arc, anong pag-uusapan natin?"

"Di ba nila sinabi sayo na wala na kami ni Jane?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Hindi. Di na naman kami nagkikita kita pa."

"In that span of 6 months Ann, natutunan ko siyang mahalin. Naghiwalay kami nung May, last week of summer vacation. She wants to have no distraction habang nag-aaral. Gusto niya daw na walang siyang iniisip na iba habang nag-aaral siya. Am I just a distraction Ann? Nakakadistorbo ba ako kung kami pa rin kahit nag-aaral kami? Bakit? Nagawa naman namin nung nandito pa kami ah. Bakit ngayon hindi na?" Malungkot na saad ni Arc. So ito pala ang dahilan ba't siya natahimik bigla simula ng bumisita sinaa Jane dito.

"I can't answer that questions of yours Arc. If you want an answer, ask her. Not me. Di ako siya, kaya di ko masasagot yang mga katanungan mo." Plain kong saad sa kanya pilit itinatago ang sakit na nararamdaman ko. Sakit na dulot na paglapit lapit niya lang sa akin kung ganito siya. Kung may problema siya.

"What do you think of Hannah? Okay ba siya?" Bigla niyang tanong matapos tumahimik ng ilang minuto.

"Anong ibig mong sabihin Arc?" Tanong ko sa kanya pero parang alam ko na ang gagawin niya.

"I want to divert my attention Ann. I want someone who can occupy my mind, na hindi ko na lang isipin sa Jane." Dun ako nabagsakan ng parang malaking bato.

"You're insane Arc. You will use someone para lang madivert ang isipan mo at makalimutan mo si Jane? Di mo ba iniisip ang taong gagamitin mo? At si Hannah pa talaga na bago dito para di niya matunogan ang plano mo dahil wala siyang kaalam-alam? Nag-iisip ka pa ba ng tama Arc?" I don't know what to say pero inis na inis talaga ako sa kanya. "Please, wag mong gawin ang pinaplano mo Arc. Maawa ka sa taong idadamay mo. Move on without using someone. You'll definitely lose everybody because of that."

Di na ako naghintay na sumagot pa siya. Umalis na agad ako sa library at bumalik sa room. Naiiyak na ako pero di ko pinaunlakan dahil ayaw kong makita ito ng mga kaklase namin na nakasaksi noon.

Lumipas ang ilang araw na naging malayo na kami ni Arc sa isa't isa. Di na kami nagpapansinan. Walang pakialaman. Nakikita kong nagiging close sila ni Hannah kaya't mas nagalit pa ako sa kanya. Parang tinutuo niya ang plano niya.

Ang akala kong pagbabalik ng closeness namin ay nawala na naman. Ang gap na noon ay maliit pa ay lumaki na naman at kung ako ang tatanungin, mahirap na itong tawirin. Mahirap ng lagyan ng tulay para matawid namin. Mahirap ng ibalik sa dati.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now