Chapter 1

94 11 0
                                    

Friendship comes in an unexpected time, place and with an unexpected person.

A typical first day of school, a typical morning rush. Nagkukumahog na ako sa paghahanda dahil hindi dapat kami malate. We are officers of the Student Body.

"Oh Ann, bilis bilis naman." Bungad sa akin ng bestfriend kong si Tina ng makapasok ako sa building namin. Konte pa naman ang studyante, nagkukumpol kumpol sa bawat sulok ng school. Makikita mo sa kanila ang iba't ibang emosyon. Mayroong tuwa, takot, pangamba at higit sa lahat kyuryosidad. Pang-apat na taon ko na dito sa paaralang ito at masasabi kong hindi naging madali ang pag-aaral ko dito.

"Ann, bilisan mo na raw sabi ni Tina. Kayo raw muna ang mag lelead sa flag ceremony ngayon eh." Saad ni Lucy. Isa din siya sa mga bestfriend ko. Actually, I have plenty of friends but Tina and Lucy are different. They are my true friends.

"Anong kami? Tayo. Halika na nga." Sabay higit ko sa kanya palabas ng room namin. Grade 10 na kami, last year for Junior High 😪

Palabas na kami ng room ng makasalubong namin ang badboy ng batch namin but he isn't a typical badboy. Gangsters and such stuffs don't exist in our school. Sa mga libro lang naman yata 'yon nag iexist eh. Pilyo lang talaga 'tong si Carl. 'Yong tipong lahat ng teachers napipikon sa kapilyohan niya.

"Hey Ms. Sexytary." Sabay akbay niya sa 'kin. Yes, I am the secretary of the Student Body at si Tina ang President. One of the committee chairman naman si Lucy.

"Good morning guys." Bati ko sa mga kaklase ko noon pa. Actually, sa batch namin, close kaming lahat kaya kahit na hindi man kami magkaklase lahat last year dahil dalawang section kami, nagpapansinan na kami. "Excuse us muna ha, kailangan na naming maghanda para sa Opening Program eh."

"So busy, as usual." Saad ni Carl ng pababa na kami ni Lucy.

"You guys, baba na agad 'pag nag ring na ang bell. Be good!" I told them with a glare. They just answered me with a salute.

"How can you handle them? I mean, bsta, di ko sila feel." Pagtataray ni Lucy.

"You'll definitely love them Lus if you'll get to know them." I smiled.

Madaling natapos ang opening program since ipinakilala lang naman ang mga officers ng Student Body together with the Teaching and non Teaching staff of our school.

Dahil first day, hectic ang sched namin. Hindi muna kami pinapasok sa mga klase namin dahil nagmeeting muna kami para sa whole year plan namin. Hindi pa rin naman nagsastart ang lessons. "Introduce Yourself" pa rin, yun ang uso eh. 3rd subject na kami nakapasok.

"Good morning Ms. Feliciano." Bati namin nina Lucy, Tina, at Fely. Kaming apat lang ang kasapi ng Student Body dito sa section namin.

"Good morning girls. Have a seat. Since this is our first day, I will just have an introduction first." Nagpatuloy lang si Ms. Feliciano sa pagsasalita sa harap. Naupo naman kami sa bandang likod pero hindi magkakatabi.

"This is all for today. Class dismiss." Saad ni Ms. Feliciano matapos magbigay ng kaonting introduction sa amin. Tumayo naman kaming lahat at nagbigay galang sa kanya.

"Hey guys, ears here." Biglang saad ni Carl na nasa harap na.

"Carl, get off the desk." Saway ni Tina sa kanya. Natatawa na lang talaga ako sa kanila. Ganito sila lagi, Tina being the strict Student Body President and Carl, being the jerk.

"Ang strict naman." Pilyong saad ni Carl. Nakita ko namang malapit ng mapikon si Tina kaya't nagsalita na ako.

"Carl, alis." Sinamaan ko naman agad siya ng tingin.

"Oo na, oo na. May ipakikilala lang naman ako sa inyo eh." Natatawang saad nito sabay alis sa desk ng teacher. "Anyway, naalala niyo pa ba tong si Arc? Dito siya nag Grade 7 guys." Bigla naman siyang may hinilang lalaki na kanina pa pala nasa gilid.

"Oo naman Carl." Saad naman ng mga kaklase ko. Hindi ako umimik kasi di ko siya maalala. Siguro sa kabilang section siya and knowing na Grade 7 lang siya dito, di ko talaga siya naging kaklase.

"Oh well, Ms. Sexytary, hindi mo siya kilala?!" Carl smirked at me.

"Ang sakit naman." Pilyong saad ni Arc sa tabi ni Carl. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin.

"Sorry na-"

"Ms. Cruz, you are now requested at the faculty office at this instant. The principal wants to see you." Biglang saad ni Mr. Corpuz na nasa hamba ng pinto. "And students, don't be too noisy. Take your seat everyone and let's start our lesson for today. Just a recap. Ms. Cruz, you may now excuse yourself."

Hindi ko na natuloy ang pagsagot ko dahil dito kaya't umalis na lang ako sa room na hinahatid ng mga matang puno ng panunukso ng mga kaklase ko.

Hanggang sa matapos ang morning session ay di na ako nakabalik sa room namin. Pinatrabaho ako ng principal namin ng mga programs para sa Acquaintance Party kaya't minabuti kong matapos na ito.

"Good afternoon." Bati sa akin ni Arc na nasa room na pala pagpasok ko pa lang.

"Good afternoon. Ikaw pa lang?" Tanong ko ng makitang wala pang ibang studyante sa room.

"Di ba obvious?" Wow, sarcastic niyang saad. Pinukol ko naman siya ng masamang tingin. "Hihihi, joke lang. Oo ako pa pero nasa kabilang section yata sina Lucy at Tina. Wag mo na akong patayin sa tingin, joke lang yun." Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at panay ang sorry niya.

"Okay lang, bitaw na." Saad ko sa kanya, hirap na hirap sa pagtatago ng nanginginig na boses. What's wrong with me. Di naman ako ganito ah.

"Ohhhhw, what is that scene all about?! Pinagpapalit mo na ba ako Ms. Sexytary?!" Sigaw ni Carl na nasa pinto kasama ang iba naming kaklase na panay ngisi.

"Shut up Carl." I glared at him.

"Shut up dude, pinapaalala ko lang kay Ann kung sino ako." All smiles na saad ni Arc.

"Ohw really, is it effective though? Watch out dude, her eyes are full of fire. Good luck." Saad naman ni Carl sabay tapik sa balikat ni Arc. Nagsitawanan naman lahat ng mga kaklase namin dahil humakbang palayo si Arc sa akin at mataman akong tinitigan.

"Oops, sorry Anny. I'm just being friendly here." He said with both hands up in the air as a sign of defeat.

"Anny?! At may nickname pa!" Nagtuksuhan na naman ang mga kaklase namin.

"What's wrong?! It's normal to give a nickname for your bestfriends." Sabay kindat pa na saad ni Arc.

"Oh shut up Lady Arc." I said mockingly. Nanlaki naman ang mata niya at inambahan ako ng yakap pero tumakbo na ako. Nagtawanan naman ang lahat ng mga kaklase namin sa inasal naming dalawa.

And so that's the start of our so called inseparable friendship.

Pleace Notice MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora