Chapter 22

21 6 0
                                    

Stop the chase. Ignore. Move on. Start anew.

Time flew fast. Tapos na ang maliligayang araw ng bakasyon. Pasukan na naman.

Nandito kami sa bago naming room, kami-kami pa rin naman ang magkakaklase. May iilang mga transferee naman pero kilala na namin noon pa. Sobrang ingay dahil wala pa namang nagsisimula ng klase, katatapos lang din ng flag ceremony at openning program.

"Uyy ang daming new faces sa Grade 11." Saad ni Fely na kung makatili ay parang binudbudan naman ng asin.

"Huyy, ano ka ba. Parang timang. Isipin mo, mas nakababata yang mga yan sa atin. Grade 12 na tayo babae." Pagsuway naman ni Lucy. Nagtawanan naman kami dahil dismayadong umupo si Fely. Parang batang inagawan ng candy.

"Eh pero sa pagkakaalam ko, may new student daw na magaling sumayaw. Yung kasakasama ni Josh." Patuloy na tsismis ng mga kasamahan ko. "Ayun oh! Uyyy tumitig talaga kay Ann. Sabagay, kanina pa daw yan nakatitig sayo Ann habang nag eEmcee ka sa openning program. Edi ikaw na. Hys." Tili pa nila ng may isang grupo ng mga Grade 11 na dumaan sa harap ng room namin.

"Huyy ano ba kayo. Nakakahiya kayo. Alam niyo guys, I had enough of issues, okay? Tama na." Saad ko pero di ko naman seneryoso mga kalokohan nila.

"Hindi sanay si Anny na maissue sa iba. Sa akin lang." Biglang sabat ni Arc na kakapasok pa lang sa room namin. Nagtilian naman ang lahat. Anong nangyari sa lalaking to? Ba't namamansin na naman? Eh kanina sa stage, parang di ako kilala nito ah.

"Ay oo nga naman guys, sila lang naman tong laging naiissue kaya wag na natin pang ipasa si Ann sa iba. Kay Arc lang siya eh." Panunukso pa ni Lucy. Kita mo tong isang to. Kung makatukso, akala mo di nagagalit kay Arc.

"Uhm, excuse me. Good morning. Sino po si Ann Dominique Cruz?" Napabaling naman kaming lahat ng biglang may nagsalita sa pinto ng room namin. Nabingi ako sa tilian ng mga kaklase ko at natabunan pa talaga nila kung sino man ang naghahanap dahil nagsitayuan at parang mga tangang nagtatalontalon pa.

"Magsitigil nga kayo!" Sigaw ko. Dahil sa lakas nito, napabaling silang lahat sa akin at nagsiupuan. Maldita kasi ako at alam nila na pagsumigaw na ako, galit na ako. Nabigla naman ako ng ang makita ko sa pinto is yung student na kanina pa nila tinutukso sakin, nahihiya pa siyang nakangiti, nagkakamot ng ulo.

"Ahh. Ikaw si Miss Cruz? Pinapatawag ka ni Miss Feliciano sa office." Sambit nito. Narinig ko naman ang impit na tili ng mga kaklase ko at ang pagdadabog ni Arc sa tabi ko. Ano bang problema nito?

"Ah okay. Pupunta na." Sagot ko, binaliwala ko lang ang panunukso nila kasi di ko nga kilala tong new student na to eh.

"Sumabay ka na Ann. Yiie." Panunukso pa ni Lucy.

"Ah mauna ka na. Susunod na ako. Pupunta pa ako sa guidance eh." Kaswal na saad ko sa lalaki.

Nakita ko naman tinukso siya ng mga kasama niya ng makalapit siya sa mga ito na naghihintay sa tapat lang din ng room namin.

"Kay Fuentabella na yan bro. Handsoff na ang lahat jan." Natatawa pang saad ni Josh.

Ipinatawag lang din naman pala ako ni Miss Feliciano dahil sa mga Organizational Tryouts, Membership, and Screening na magaganap mamayang hapon. Sabi niya na kailangan ko daw maghanda ng mga tao for documentations and also the registration forms since wala pa daw ang formal na list ng mga organizations. Ang School's Publication na lang muna ang bahala wherein I am the editor.

Walang naganap na klase sa buong araw kaya't masaya ang mga studyanye at sa pagsapit ng hapon, naging mas masigla ang paaralan dahil sa samo't saring screenings na naganap. Lalo na sa Dance Troupe na kitang kita ang mga bagong studyante na nagpapaligsahan sa pagsayaw. Nakita ko din si Arc doon, isa sa mga pumupili sapagaka't kilala na siya ng mga guro na isa sa magagaling sumayaw. Habang nagpapalibot-libot naman kami nina Lucy, napagpasyahan namin na manood sa mga sumasayaw.

"Uyy nandito yung crush mo bro, pag-igihan mo para maimpress." Napabaling kami sa grupo nina Josh na parang susunod na. Liningon naman ako ni Arc.

"Ann, anong masasabi mo? Magagaling bang sumayaw?" Tanong naman ng baklang guro na siyang Coordinator ng Dance Troupe.

"Ay sir, magagaling naman silang lahat eh. Pero I'm not a pro, better ask Lucy. Dancerist to eh." Natatawa kong saad. Yeah, di ako mahilig sumayaw no.

"Ay nandiyan na si Arc, alam niyan paano pumili." Nagtawanan lang kami doon at nagbiruan.

Nang ang grupo na nina Josh ang sasayaw, naghiyawan naman ang mga kaklase nila at pati na rin mga kaklase ko dahil sa panunukso. Isang araw pa nga lang ang klase, wala na. May issue na naman ako. Natatawang umiling na lang ako sa kanila pero natahimik naman ang iba ng biglang tumayo si Arc at inakbayan ako habang sumasayaw sina Josh kasama ang new student na yon na hanggang ngayon ay di ko pa rin kilala and yeah, I must admit, magaling nga itong sumayaw. Parang ang swabe ng dating.

Naghiyawan naman ang mga kaklase namin at ang iba na kilala na kami noon pa.

"Next na sasayaw ay ang mga old members na ha. Kailangan niyo pa ring sumayaw para maipakita niyo na worth it pa rin na pasalihin namin kayo. Papatalo ba kayo Fuentabella sa kanila ni Corpuz?" Maarteng saad ng baklang Coordinator. Napagtanto ko naman na si Corpuz yung new student dahil natatawang tinapik siya sa balikat ni Josh habang sumasayaw pa rin.

"Smells like World War 3. Hmmm." Panunukso nina Fely sa akin na kararating lang. Tawang-tawa naman sina Lucy. Magwowalkout na sana ako pero dahil nakaakbay pa rin si Arc sa akin, di ako makakilos.

Nang matapos na sina Josh, nagtawanan naman sina Arc at ang ibang old members, kasama ang dalawa niyang kapatid.

"Go kuya. Show ate Ann what you've got. We got your back too." Hiyawan ng mga kapatid niya. Nagtawanan at naghiyawan naman ang lahat.

"Marked by Fuentabellas na talaga si Cruz. Di na maaagaw pa." Saad ni Josh at tinapik si Corpuz na nasa likuran na pala namin.

"Di pa naman siguro. Pag-aari na ba Miss Cruz?" Nabigla ako sa paglapit nito sa akin. Narinig naman ito nina Lucy kaya't nagsitilian sila. Nakita kong nakabusangot na ang mukha ni Arc pero di ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Corpuz.

"Don't mind my classmates ha. Nanunukso lang sila." Nahihiya ako dahil alam kong pinagtitinginan kami ng mga malapit sa amin kahit pa trying hard na tinatabunan kami nina Fely at Lucy para di makita ng iba pa.

"Trent Corpuz, miss. At your service." Saad niyo sabay lahad ng kamay. Then he winked. Napreskohan ako sa approach nito pero yeah, kinilig ako. Maybe it's the excitement within me dahil may nangahas na lalaking makipaglapit sa akin. Mostly kasi, kahit mga Grade 12 noon, di nangangahas na makipag-usap sa akin. Parang may invisible mark na ako na "FUENTABELLA" sa noo ko.

Kitang-kita ko ang pagbusangot pa lalo ni Arc ng tanggapin ko ang kamay ni Trent.

"Ann-"

"Dominique Cruz. Kilala na kita, kanina pa." Patuloy nito sa pagpapakilala ko.

Hmm why not? Maybe it's time for me to stop chasing Arc. Maybe it's time for me ignore the things that pushes me towards him and then move on. Maybe it's time for me to start anew. Marupok na kung marupok, oo at kakakilala pa namin ni Trent but wala naman sigurong masama diba?

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now