Chapter 16

24 7 0
                                    

Kulang ako kung wala ka 🎶

"Ann, yung ethnic attire ko nasa desk mo na. Thank you ha." Bungad ni Hannah sakin ng papasok ako sa room. Tinanguan ko lang siya.

"Good morning class. Please take your seats." Bungad ng Adviser namin na naraming dalang papers. "First of all, I want to congratulate everyone for a job well done. I'm so proud of you all." Saad niya, all smiles pa. Tss. Plastic.

"Oh mata mo Ann, baka tumirik ng tuluyan." Saad ni Lucy na lumipat sa tabi ko. Wala si Arc, I don't know kung late lang ba o absent talaga.

"Tss." Naiirita talaga kasi ako sa adviser namin eh.

"Ms. Cruz, nasan si Fuentabella." Biglang saad niya sa akin.

"Hanapan ba ako ng-" biglang tinakpan ni Lucy ang bibig ko bago pa matapos ang sagot ko kay sir.

"Ah sir, di po alam ni Ann." Saad ni Lucy.

"Di alam? How come?" Tanong pa nito.

"Sir, di po kami tumitira sa iisang bahay at di po ako tagabantay ni Arc." Saad ko.

"Try checking your phone Ann. Tinanong ko si Arc kanina, sabi niya nagpaalam na daw siya sayo." Saad ni Fred na nasa likuran ko. Urgh! Ano ako? Nanay niya? Napangiti naman ang mga kaklase ko, naghagikhikan pa ang iba. Tinaasan naman ako ng kilay ni sir. Edi waw.

Pag tingin ko sa phone ko may text nga si Arc.

*From: Lady Arc 💕*
Anny, I can't come to school. Late na ako nagising at masama pakiramdam ko. Excuse me please, love.

Humagalpak naman ng tawa si Lucy kaya't nacurios ang mga kaklase namin.

"Masama po pakiramdam niya sir." Saad ko. I glared at Lucy who is still laughing beside me. Nakita niya kasi ang message ni Arc na may 'love'.

Tatlong araw na wala si Arc kaya't nasanay na ako na walang katabi. Ng bumalik naman siya, di na ako masyadong tumatabi sa kanya.

"Love!" Tawag niya sakin mula sa labas ng room. Di ako lumingon sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap kay Hannah.

"Anny." Tawag niya ulit. Liningon ko lang siya at tinaasan ng kilay. Pinapalapit niya ako. Pero di talaga ako lumapit.

"Lapitan mo na." Saad ni Lucy. "Di yan maglalagi dito, may practice yan para sa interhigh dance contest."

"Yoko nga. Siya may kailangan, ako ang lalapit?" Saad ko.

"Ewan ko sa inyo." Saad ni Lucy at nagmartsa palapit kina Arc na nagkukumpulan.

"Anny, ano problema natin? Ba't ayaw mo ako pansinin? Ba't ayaw mo ako lapitan?" Biglang sigaw ni Arc na nakapagpatahimik sa lahat ng tao sa room.

"Huh? Shut up Arc!" Angil ko sa kanya. Bigla siyang lumapit sakin habang paupo. Nagpatay malisya naman lahat ng mga kaklase namin at nagsibalikan kunwari sa kanilang mga gingawa.

"Ba't ba ayaw mo akong pansinin? Simula pa to nung contest ah. Ano ba problema natin?" Tanong niya.

"Arc, wala naman. Akin na yang damit." Iwas ko. Di ko siya tinignan.

"Ewan ko sayo Anny, ang hirap mong intindihin." Saad niya at padabog na nilagay ang mga damit sa desk ko at nag walk out. Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nagsiyukuan.

Lumipas ang ilang araw at finally! Sem break na namin. Wala namang masyadong nangyari sa Sembreak aside sa nanganak ang pinsan ko at ako ang nagbantay sa hospital. Nahuli ako ng isang linggo sa balikan ng pasukan kaya't pagdating ko, maraming catching up ang kailangan. Buti na lang wala pa masyadong klase kasi busy pa ang mga teachers.

Pleace Notice MeWhere stories live. Discover now