Ann or Jane?

25.4K 352 78
                                    

“Bye”, sabi ni Ann sa kabilang linya. Bigla niyang binaba ang phone nang makita niya ‘ko.

“Sinong kausap ng Baby ko?” nakangiti kong tanong.

“Ah, friend ko”, matipid niyang sagot.

“Sinong friend?” muli kong tanong.

“Hindi mo kilala.”

“Try me”, pagpapa-cute ko.

“You don’t know her, okay?” tila naiinis na siya sa sobra kong kakulitan.

“Okay, I’m sorry”, pilit ang ngiti kong sagot.

Bakit parang habang tumatagal, palamig nang palamig ang treatment niya? Iniiwasan niya ba ‘ko? Alam na kaya niya ‘yong kay Jane? ‘Yon kaya ang dahilan kung bakit parang unti-unti siyang lumalayo sa ‘kin?

Jane, yes speaking of Jane, ilang buwan na ang lumipas pero naiisip ko pa din siya. Kamusta na kaya siya? Sila pa kaya ng partner niya? Teka! Sino ba talaga ang pinoproblema ko? Si Ann o si Jane?

Si Ann, chinita.

Si Jane, medyo bilugan ang mga mata.

Si Ann, mestisa.

Si Jane, medyo morena.

Si Ann, fun sized, yohohohohoho.

Si Jane, medyo matangkad.

Si Ann, pormang K-Pop.

Si Jane, fashionista.

Si Ann, itty bitty titty comittiy. Pustahan tayo, isi-search n’yo sa Google kung anong ibig sabihin nito.

Si Jane, buxom. Uyyy! Pupunta siya ulit sa Google para mag-search, yohohohohoho.

Teka! Teka! Bakit ko ba sila kinukumpara sa isa’t-isa? Itutuloy ko na nga lang ang ginagawa kong kanta.

Hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬ hmm ♫ ♬

Kanina pa ako tumitipa pero wala talaga. Bakit hindi na ako makagawa ng kanta? Something’s wrong. There is something wrong with me. Argh!

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now