Ang Alamat ng 8888

12.1K 200 30
                                    

Ting!

“Oh, ‘yan na, nag-text na! Mahal na mahal ka pa rin daw niya, hindi niya daw kayang mawala ka”, pang-aasar ko kay Janna nang tumunog ang phone niya.

“Pey, 8888 lang ‘yan. Hindi na ako iti-text no’n”, malungkot na sabi ni Janna.

“Law of attraction, ano ka ba? Masyado kang nega.” Hindi naman sa pinapaasa ko siya pero gusto kong pagaanin ang loob niya.

“Kapag hindi siya ‘to, Pey, magpapakamatay ako. Pigilan mo ako, Pey, magpapakamatay ako! Pigilan mo ako!” naghahamong sabi ni Janna.

“Go, Janna, go!” tila cheerleader kong pang-aasar.

“Ang sama mo talaga, eh ‘no?” tila nagtatampo niyang sabi. “Kaya ng konsensiya mong mawala ang pinakamagandang nilalang sa mundo? Ang sama mo! Napakasama mo!” palahaw ni Janna habang hinahampas ng mahina ang dibdib ko.

Ting!

“Oh! Nag-text na ulit! Tingnan mo na kasi. Ang daming arte!” pang-aasar ko.

“Pey! Ikaw na bumasa. Parang ‘di ko yata kaya”, nag-iinarteng sabi ni Janna.

“’Pag sa buhay mo’y wala siya?” natatawa kong dugtong.

Aanhin ang pag-ibig ♫ ♬

Kung puso ay nag-iisa? ♫ ♬

Sinong aking tatawagin? ♫ ♬

Sinong aking hahanapin? ♫ ♬

Sino ang magpupuno ♫ ♬

Sa ‘king paglalambing? ♫ ♬

Duet kami ni Janna. Yohohohohoho. Ang dami kong tawa.

Pero mas nadagdagan ang tawa ko nang mabasa ko ang messages sa inbox niya.

“Bakit?” tanong ni Janna.

“’Di ba sabi mo kapag 8888 ang nag-text, magpapakamatay ka?”

“Oo”, nakasimangot niyang sagot.

“Go!” pang-aasar ko.

“8888 lang talaga?” totoong lungkot na ang nakikita ko sa mukha niya.

“8888 ‘yong unang nag-text. So, magpapakamatay ka muna. Tapos kapag patay ka na, saka ko babasahin sa dead but not sexy body mo ‘yong text niya”, nakangiti kong pang-aasar sa napaka-cute na si Janna.

“Nag-text siya?” kitang-kita ko ang kislap sa kanyang mga mata sabay bawi ng cellphone niya.

“Oh, my God, Pey! Nakikipagbalikan siya”, tuwang-tuwang pagbabalita ni Janna. Sa labis na tuwa, nahalikan niya ako sa labi.

Yuck! Ick! Ugh! Yech! Eww! Gross!

Uuwi na ako, Pey! Saka mo na isoli ‘yong kiss ko”, nagmamadaling sabi ni Janna pero bago pa siya tuluyang makalabas, lumingon muna siya sa ‘kin.

“In fairness naman sa ‘yo, ang lambot ng lips mo”, sabay sara ng pintuan.

Bago ko pa man ito tuluyang ma-double lock, muli na naman itong bumukas at iniluwa si Janna. “At ang tamis ng laway mo”, dugtong niya.

Wait, what?

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now