3 AM Text

25.1K 376 73
                                    

Ting!

Ang lalim-lalim ng tulog ko pero nagising ako sa tunog ng phone. Sino kaya ang magte-text sa ‘kin ng ganitong oras? Let me guess, si Janna?

I checked my phone, wala naman. False alarm! Hindi ako ang naka-receive ng text message, si Ann.

“Sino ‘yan? Alas-tres na ng madaling araw ah”, pupungas-pungas kong tanong.

“Wala ‘to. GM lang. Matulog ka na ulit”, she said.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” muli kong tanong.

“Tulog na kaya ako. Nagising lang din ako”, halatang nagsisinungaling niyang sagot.

“Pabasa nga ng GM”, nagdududa kong sabi.

“Bukas na, matulog na tayo. Good night, Baby. I love you”, tanggi niya sabay talikod sa ‘kin at yakap sa paborito niyang unan.

“Buti pa ‘yong unan, niyayakap”, nagtatampo kong bulong.

Just like that? As in ‘yon na ‘yon? Wala man lang good night kiss? Bakit gano’n? Wala ng sweetness. Bakit hindi ko makita ang sincerity habang sinasabi niya ang magic words? Tamang hinala lang ba ‘ko? O baka naman totoo ang sinasabi ng iba na, “Kung ano’ng hinala ay siyang ginagawa.”

Bakit kaya gano’n si Ann? Meron ba akong nagawa? O meron akong dapat gawin pero hindi ko nagagawa? Ang dami kong tanong. . . Tanong na tanging si Ann lang ang makasasagot. Bakit kaya hindi ko siya kausapin? Bakit kaya hindi ko siya tanungin? Parang ayoko. Teka, bakit nga ba ayoko? Siguro ayoko dahil sobrang natatakot ako sa sasabihin niya. Ayoko dahil sobrang natatakot ako sa magiging sagot niya. Pero kung hindi ko ‘yon gagawin, hindi ako matatahimik. Geez! Bukas, kakausapin ko siya. Puso sa puso. Mata sa mata.

Paano kaya kung tanungin ko siya ng, “Mahal mo pa ba ako?”

Alin kaya sa mga sumusunod ang isasagot niya?

“Oo naman, mahal na mahal.”

“I never stopped loving you.”

“I’m sorry, Epey pero hindi na kita mahal.”

“Mahal kita pero mas mahal ko siya.”

Argh! Bahala na si Batman! Aja, Epey, aja!

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now