Janna's Heartbreak

11.6K 194 17
                                    

“Diyosa po! Diyosa po!” boses ng babae galing sa labas.

Teka! Alas-onse y media na ah, meron pa akong bisita? Wait! Did I just hear the word “Diyosa?” Isa lang naman ang feeling Diyosang kilala ko, si Janna.

“Hey!” masaya kong bati. “Ginagabi tayo ah.”

“Epey!” sinalubong ako ng yakap ni Janna.

“Himala! Anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo dito?” nang-aasar kong tanong.

“Epey!” niyakap na naman ako ni Janna.

“May problema ba?” muli kong tanong.

“Epey!” akmang yayakapin na naman niya ako.

“Ano ba? Nakakatatlo ka na ah”, natatawa kong reklamo sabay tulak ng mahina sa kanya.

“Epey, wala na kami”, tila naiiyak na pagbabalita ni Janna.

“Um, kaya pala.”

“Pey, sa ganda kong ‘to, pinagpalit pa ako. Pinagpalit ako, Pey, pinagpalit ako!”

Gusto kong damayan ang lungkot na nararamdaman ni Janna pero natatawa ako, tawang-tawa talaga ako.

“Maganda naman ako, Pey, ‘di ba?” tanong ni Janna.

Ngumiti lang ako.

“Pey, sumagot ka! Sabihin mong maganda ako. Ipagsigawan mo ang katotohanan sa buong mundo”, walang tigil na pagmamakaawa ni Janna habang niyuyugyog ang balikat ko.

“Maganda ka”, bulong ko sa kanya.

“Ilakas mo, Pey!”

“Maganda ka.”

“Isa pa, Pey, isa pa!”

“Maganda ka”, medyo lumalakas na ang boses ko.

“Lakasan mo pa, Pey!”

“Maganda ka.”

“’Yong pinakamalakas na magagawa mo. Isigaw mo, Pey, na maganda ako. Ipagsigawan mo sa buong mundo ang katotohanang maganda ako.”

“Maganda kaaa!”

“Awooo!” atungal ng aso kong si Pampam. Hindi ko alam kung sang-ayon ba siya o ino-oppose niya ang sinasabi ko. Yohohohohoho.

“Hoy! Kung ayaw ninyong matulog, magpatulog kayo”, sigaw ng lasing na kapit-bahay.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now