The Very First Time I Kissed Someone in Public

14.8K 261 29
                                    

Ka-text ko si Celine the whole day. Niyaya niya ako. . . Ah este, kami pala ni Janna sa beach party mamayang gabi. Ahem! Tonight is the night. Tonight’s gonna be a good, good night.

Nasa isang table kami. Ako, si Janna, si Celine, at si Em, kaibigan ni Janna na Canadian din. Niyaya nila ako sumayaw pero ayoko talaga. Paano sasayaw ang isang taong parehong kaliwa ang paa?

“Come on, Epey”, pilit sa ‘kin ni Celine.

“I can’t dance”, nahihiya kong sabi.

“Can you keep a secret?” bulong niya. “I can’t, either.”

Habang walang tigil sa pagsasayaw sa dance floor sina Em at Janna, nasa table lang kami ni Celine. Tawa lang kami nang tawa. Nakakawalo na kaming beer tower. Medyo nawawala na ang hiya ko, kumakapal na ang apog ko.

“Mind if we play truth or dare?” Celine asked.

“No, no”, game kong sagot.

Boom! Talo ako. “Truth or dare?”

“Dare”, matapang kong sagot.

“Let’s dance”, sabay hawak ni Celine sa kamay ko.

Kapag sinusuwerte ka nga naman oh. Naging love song ang background music.

I was a quick-wet boy ♫ ♬

Diving too deep for coins ♫ ♬

All of your street light eyes ♫ ♬

Wide on my plastic toys ♫ ♬

I love that song. That’s one of my favorites. Flightless Bird, American Mouth ng Iron and Wine. Ang lakas maka-Twilight. Feeling ko si Edward Cullen ako at siya ang Bella Swan ko, yohohohohoho.

“I thought you can’t dance”, matamis ang ngiting sabi ni Celine.

“I never thought I can”, mas matamis ang ngiti kong sagot.

“Truth or dare?” tanong ko sa kanya.

“Truth”, sagot niya.

“Do you like someone?” I asked.

“The truth is I am starting to like someone. Like right now”, sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Phew! Am I dreaming? Ako na yata ang pinakapinagpalang tomboy ng mga sandaling ‘yon dahil kasayaw ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

“Truth or dare?” tanong niya sa ‘kin.

“Dare”, walang kaabug-abog kong sagot.

“Kiss me”, sabi niya.

Good Lord, totoo po ba ito o nananaginip lang ako?

“Don’t tell me you don’t know how to kiss?” tila nanunuksong sabi ni Celine.

Oh, come on! Si Epey? Hindi marunong? Masama akong hinahamon, yohohohohoho.

I kissed her. That felt so good. That was the very first time I kissed someone in public.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now