Prospect Number 1: Demi

22.9K 301 60
                                    

Isa siya sa mga palagi kong nakaka-text.

Maganda? Check! (✓)

Morena? Check! (✓)

Hanggang balikat ang buhok? Check! (✓)

Medyo makapal ang kilay? Check! (✓) Which I find very sexy, hihi.

Maliit pero matangos na ilong? Check! (✓) 

Labi na parang laging nakangiti? Check! (✓)

She’s 5 flat in height na gustung-gusto ko kasi hindi rin naman ako katangkaran kaya lang medyo chubby siya. Teka! Parang total opposite kami ah. Kasi lampayatot ako, yohohohohoho. But it’s okay. For me, weight doesn’t matter.

I always talk to her on the phone. I find it so sweet na sinasabi niya every single detail about her.

“Nakakainis ang mga bata”, sumbong sa ‘kin ni Demi isang araw.

“Why?” tanong ko.

“Pa’no kasi kapag bumibili, paisa-isa. Pabalik-balik, nakakainis!” nagdadabog niyang sumbong sa kabilang linya.

“Bata eh, ganyan talaga”, natatawa kong alo.

“Nakakainis eh, kakaupo ko lang, tatayo na naman”, pagsusumbong niya.

“Ayaw mo no’n? Nag-e-exercise ka ng hindi mo namamalayan”, natatawa kong pang-aasar. “Para sa ikawawala ng baby fats mo ‘yan”, dugtong ko.

I forgot to mention, may sari-sari store sila at siya ang nagtitinda. Ang gandang tindera, ‘di ba? Yohohohohoho.

“Mataba ako?” tila nalungkot niyang tanong.

“Maganda ka”, sagot ko.

“Pero mataba ako?” ulit niya.

“Alam mo, you should be thankful. Kasi kapag nag-tag-gutom, kayong matataba, papayat pa lang. Kaming mga payat, mamamatay na”, natatawa kong paliwanag.

“So, mataba nga ako”, malungkot na tinig galing sa kabilang linya.

“Hey, maganda ka. Okay?”

“Talaga? Sige nga, kantahan mo nga ako kung talagang maganda ako”, paglalambing niya.

I sang her favorite song on the phone. Kuntento na ako sa gano’n.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now