You've Got to be Kidding Me

12.3K 200 22
                                    

I was like, “You’ve got to be kidding me.” Ang babaeng pinapangarap ko noon at ang babaeng pinakamamahal ko ngayon ay iisa. Si Jane ay si Mej pala. How can I be so stupid? Mej’s real name is Ma. Erne Jane. Jane! For God’s sake! Bakit hindi ko siya nakilala? Kaya pala. . . Argh! Kaya pala may kakaiba akong naramdaman nang ipakilala sa akin ni Krishna si Mej. Oh, God! I do belive in love at first sight pero mas naniniwala ako sa love at second sight. Naniniwala ako sa destiny pero mas naniniwala ako sa serendipity.

“Crush mo ako?” nahihiya kong tanong kay Mej.

“Hindi ikaw. Crush ko ‘yong cute na tomboy na nakita ko sa D”zone no’ng isang taon”, sagot niya.

“Pa’no ako?” kunwari ay nagtatampo kong tanong.

“Mahal kita, mahal na mahal”, sabay yakap niya sa ‘kin ng sobrang higpit.

“Hindi kita nakilala”, bulong ko sa kanya. “Lalo kang gumanda.”

“Hindi rin kita nakilala”, sabi niya.

“Pumogi ba ako?” medyo assuming kong tanong.

“Pumangit ka”, pang-aasar niya sabay halik ng napakatamis sa labi ko.

“Pangit pala, huh?” nakangiti kong pang-aasar.

“Oh, my God! Hindi pa din talaga ako makapaniwala”, kinikilig na sabi ni Mej.

“Small world”, nakangiti kong sambit.

“Small world ka diyan. Hindi mo ba nagi-gets?” tanong niya.

“Na?” balik kong tanong.

“Na we’re made for each other”, kilig na kilig pa ring sabi niya.

“I remember Janna once said, na kapag nagkita pa tayo ulit, para talaga tayo sa isa’t-isa”, ngiting-ngiti kong balik-tanaw.

“Oh, ‘di ba? Meant to be talaga tayong dalawa”, tumitiling sabi ni Mej.

Isang matamis na halik sa labi ang isinagot ko para tumigil na siya sa kakatili nang kakatili.

“Susunduin ka dito mamaya ni Krishna”, sabi niya.

“Ako lang mag-isa?” tanong ko.

“Yes, Babe.”

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi na, magpapaganda ako ng bonggang-bongga. Kita tayo sa D”zone mamaya”, tila kinikilig na sabi ni Mej. “Dapat ‘yong damit na suot natin nang gabing ‘yon, ‘yon din ang damit na suot natin mamaya.”

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon