Tequila Baby

13.4K 207 7
                                    

“So. . .” simula ni Vanessa no’ng kami na lang dalawa.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagiging aligaga ako kapag tinitingnan niya ako. Lalo na kapag nagli-lip bite siya, napapanganga ako. As in literal na nganga.

“Okay ka lang ba?” parang nawiwirduhang tanong ni Vanessa.

“Yeah”, halatang kinakabahan kong sagot.

“Puwede ba akong tumabi?” tanong niya.

Gulp! Naloko na. Gusto kong tumanggi dahil talagang hindi ako comfortable pero bago pa man ako makasagot, naramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking kanang tenga.

“You sure, you’re okay?” pabulong niyang tanong.

“O-okay. I’m okay”, nabubulol kong sagot.

“Shot ko na?” iwas kong tanong.

“Yeah”, sabi niya sabay abot ng shot glass na punung-puno ng tequila. Pero bago pa man lumapat ang shot glass sa labi ko, kinuha niya ang aking kanang kamay at dinilaan ang pagitan ng thumb at index finger ko.

“What are you doing?” naaasiwa kong tanong.

“Kalma! Para lang mag-stick ‘yong salt”, nangingiti niyang paliwanag habang nilalagyan niya ng konting asin ang kamay ko.

Phew! Medyo bad girl. I like it, though. Yohohohohoho.

“Lemon”, mas matamis ang ngiting sabi niya sa ‘kin.

“Thanks”, medyo nawala ang awkwardness na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung suka ba o tequila ang ininom ko, napamukhasim kasi ako.

“Don’t forget the lemon”, paalala niya.

“I know, I know”, lalong naging mukhasim ang pagmumukha ko. “Your turn.” Pinuno ko ng tequila ang shot glass at ibinigay ko kay Vanessa. Ininom niya na parang wala lang. I was like, “Wow!”

Ting!

“Si Krishna, naliligaw daw sila. Sa kabilang street sila bumaba”, pagbabalita ko kay Vanessa.

“Tara!” yaya niya.

“Sasama ka? Sure ka?” naninigurado kong tanong.

“Yeah”, sagot niya sabay hila sa aking kamay.

Hawak pa diin niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kabilang street na binabaan nina Krishna. Rawr! Ang sarap lang sa pakiramdam, ang tagal ko ng walang ka-HHWW (Holding Hands While Walking). Yohohohohoho. Ito na talaga ‘to, magkaka-girlfriend na ako.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now