Three Idiots

13.3K 198 13
                                    

After an hour, binuksan ko na ang pinto, wala na ang Babe ko. Gusto ko siyang puntahan sa kanila. Gusto kong pakinggan kung ano mang paliwanag niya pero something hinders me. Ah, basta! Rule number four. Alam kong hindi lilipas ang magdamag na hindi kami nagkakabati. Babalik siya, alam kong babalik siya.

Pero maghahating-gabi na, wala pa din siya.

"Kanina ka pa para pabalik-balik diyan sa pintuan", sabi ng pinsan ko na kabababa lang ng barko. "May hinihintay ka, ano?"

Isang pilit na ngiti ang isinagot ko.

"Hindi na darating 'yon. Aba'y ano ng oras eh?” pang-aasar niya. "Magaling pa'y umupo ka na laang dine ng makatikim ka naman ng Jack Daniel's", yaya niya.

"Aayaw ko. Hindi ako nainom niyan", tanggi ko.

"Aba'y kainaman ka na! Kamahal nito'y, tatanggihan mo laang?" kamot-ulong sabi ng isa ko pang pinsan. "Ay kahit umupo ka na ga laang eh, kanina pa kami nahihilo sa kalalakad mo nang kalalakad", natatawa niyang reklamo. "Ire na laang Coke ang inumin mo."

Habang masaya silang nagkukuwentuhan, nasa isang sulok lang ako. Nakasimagot, umiinom ng Coke.

Fine! Ite-text ko na siya!

"Babe."

Message sent.

Half an hour has passed pero wala pa din siyang reply. Argh! Hindi ito makatarungan! Nakakatatlo na akong baso ng Coke, magkaka-diabetes na ako't lahat, wala pa din siyang text.

"Coke pa", natatawang sabi ng pinsan ko nang akmang tatayo na ako.

"Aayaw ko na", tanggi ko.

"Ano gang hina ko naman sa iyo? Last na ito, tapos matulog ka na", mungkahi niya.

Fine! Nilaklak ko ang isang baso na punung-puno ng Coke. Coke?

"Kami nama'y kinukulang mo eh", natatawang sabi ng pinsan ko. "Ay ang sabi mo'y hindi ka nainom ng Jack Daniel's, ay bahin naubos mo?" Tatlo na silang nagtatawanan. Ang pinsan kong maputi, ang pinsan kong maitim, at ang kapatid kong pogi. Yohohohohoho.

Kaya pala parang biglang umikot ang mundo ko, hindi Coke ang huling basong nainom ko kundi Jack Daniel's. Geez!

"Three idiots talaga kayo." Wala na akong nagawa kundi ang matawa at mapailing sa kalokohan ng tatlo.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherOnde as histórias ganham vida. Descobre agora