Lover's Quarrel

12K 189 12
                                    

"'Di ba sabi ko naman sa 'yo, tantanan mo na 'ko? Saka tigilan mo ako ng palabas mo na kunwari may bago ka ng shota. Unang-una, hindi ako nagseselos. Pangalawa, mukha kang tanga. Pangatlo, hindi na ako babalik sa 'yo dahil may shota na akong bago. Naiintindihan mo? Burahin mo na number ko", a text message from Roaming. Roaming? Yes, Roaming ang pangalan niya sa phone ni Mej.

Shota? I don't know pero hindi ko talaga feel ang term na 'yan. Parang walang respeto, parang nakaka-degrade ng pagkatao. Wala lang, ang pangit lang pakinggan. Like. . .

"Nanay, Tatay, shota ko nga po pala. Shota, Nanay at Tatay ko."

"Mula ngayon, mag-shota na tayo."

"Shota-in mo ako."

"Masaya ka ba na ako ang shota mo?"

"Gusto kong malaman ng buong mundo na mahal na mahal ko ang shota ko."

"May ibang shota ka na pala ngayon."

"Ipakilala mo naman sa 'min ang shota mo."

Argh! I really don't like it. Let me be honest, I hate it!

Nakakainis na 'yong babaeng pinakaiingat-ingatan mo, sino-shota-shota lang ng ibang tao.

"Bakit parang ang asim yata ng mukha ng Babe ko?" lambing sa 'kin ni Mej sabay kurot sa rosy cheeks ko. Yohohohohoho.

"Rule number two", maikli kong tugon.

"Rule number two?” kunot-noo niyang tanong.

"Nakalimutan mo na agad?” medyo disappointed kong tanong.

"No. . . alam ko ang rule number two pero wala akong maalala na nakipag-usap ako kahit sino sa mga ex ko", paliwanag niya.

"Nag-text ang Roaming mo", sabay abot ko sa kanya ng phone niya.

"Awww, nag-GM ka pala", tila kinikilig na sabi niya.

"Huwag mong ibahin ang usapan."

"Babe. . . ", tila magpapaliwanag na sabi niya.

"May number ka pa rin niya", sabi ko sabay akyat at lock ng kuwarto.

"Babe."

Mahihinang katok at basag na boses ang naririnig ko sa labas ng kuwarto.

"I'm sorry. Mag-usap kasi muna tayo."

Pero hindi ako sumasagot.

"Babe, please."

Gustung-gusto ko ng buksan ang pinto pero ayokong makita niyang nasasaktan ako.

"Uuwi muna ako. . . Pero babalik ako mamaya. Rule number four, Babe, rule number four."

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now