The Mysterious Voice

11.8K 220 7
                                    

Bbbllleeeuuurrrggghhh!

Bbbllleeeuuurrrggghhh!

Bbbllleeeuuurrrggghhh!

Sa mga oras na ‘to, masasabi kong inidoro ang very best friend ko. Kanina pa ako suka nang suka. Hindi kinaya ng powers ko ang tatlong boteng mucho ng mag-isa.

Bbbllleeeuuurrrggghhh!

“You okay?” boses ng babae habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko pala na-lock ang pinto ng banyo.

“Do I look okay?” paangil kong sagot.

Habang patuloy akong sumusuka, patuloy din niyang hinahaplos ang likod ko. That makes me feel better.

“May problema ba?” tanong niya habang pinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa.

“Wala”, matabang kong sagot.

“Eh bakit umiinom ka?” muli niyang tanong.

“I’m just celebrating myself”, ngiting-aso kong sagot.

“Celebrating what?” tanong niya.

“Good news! I’m in love! Bad news! She doesn’t love me back!” pagbabalita ko sabay lingon sa misteryosang babaeng kanina ko pa kausap.

Whoa! I cannot believe my eyes. What is Ann doing here? Kung makahaplos ng likod ko, akala mo kung sinong concerned. Pft!

“Come here”, inakay niya ako paakyat ng kuwarto.

Don’t get me wrong, kuwarto ko. Yohohohohoho.

“You can leave now, thank you”, akmang isasara ko na ang pinto pero hinarang ni Ann ang kamay niya.

“Look, I have no time for this”, iwas ko.

“No time for what?” tanong niya habang papalapit nang papalapit sa ‘kin ang mukha niya.

Si Ann ang kaharap ko pero bakit tila yata si Mej ang nakikita ko? Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. The next thing I know, I was kissing her. It was very passionate. Phew! Hindi ko namamalayang unti-unti na palang bumababa ‘yong halik ko, unti-unti na palang gumagala ang mga kamay ko.

“I like you, Mej”, bulong ko.

Pero sa halip na, “I like you, too” ang marinig ko, isang malakas na tulak ang natanggap ko.

“What the f***, Epey?” sabi ni Ann. “I’m not Mej!” inis na inis niyang dugtong.

“What’s your name again?” nang-aasar kong tanong pero wala akong narinig na sagot. All I heard was a door slam.

Oops! That felt so good.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now