No to Bullying

11.9K 209 5
                                    

“Sana bago matapos ang birthday ko, may magbigay din sa ‘kin ng bulaklak”, narinig kong sabi ng babaeng kahera.

“Sino namang magbibigay sa ‘yo ng bulaklak eh pangit ka?” sabay tawa ng pagkalakas-lakas ng lalaking katabi niya. “Baka bulaklak ng patay, puwede pa.”

Duh! Kung makapagsalita naman ‘tong si Kuya, akala mo kung sinong guwapo. Kung makapanlait ng kapwa, akala mo kung sinong perpekto.

Napalitan ang flame-flame sa mata ko ng heart-heart nang makita ko si Mej. Pero hindi si Krishna ang kasama niya. May ka-holding hands siya at mukhang in love na in love sila sa isa’t-isa. Ito ba ang shiboli bam bam na kinukuwento sa ‘kin dati ni Krishna?

“Pey. . .”

“Who’s with her?” durog ang puso kong tanong.

“Ex niya”, basag ang boses na sagot ni Krishna. “Mukhang nagkabalikan na sila.”

Kahapon lang, ang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ay ang mga katagang. . .

“Gusto ka niya.”

“Gusto ka niya.”

“Gusto ka niya.”

Ngayon naman, nabibingi ako sa mga katagang. . .

"Mukhang nagkabalikan na sila."

"Mukhang nagkabalikan na sila."

"Mukhang nagkabalikan na sila."

Ang sakit sa tenga.

"Pey. . ." nag-aalalang tawag ni Krishna.

"Sabi ko na nga ba dapat burger na lang ang binili natin eh", malungkot kong sabi habang nakatingin sa mga bulaklak. "Eh 'di sana nabusog pa tayo", pilit ang ngiti kong dugtong.

Isang mahigpit na yakap ang binigay sa 'kin ni Krishna. Lalo tuloy bumigat ang nagbabadyang pagpatak ng luha sa aking mga mata. 

"Let's go!" yaya ko sa kanya.

Pero bago pa man kami tuluyang makalabas ng pintuan. . .

"Hi, Ate. Flowers for you", nakangiting sabi ko sa kaherang kanina lang ay binu-bully ng katabi niya.

"Po?" gulat na gulat niyang tanong. "Pa-para po sa akin talaga ito?" hindi makapaniwalang dugtong ng babae sabay amoy sa mga bulaklak na binigay ko.

She looks so happy. Wala lang. Ang sarap lang sa pakiramdam na sa simpleng bagay, may napapasaya kang ibang nilalang.

"Oo naman", nakangiti kong sagot. "Unang-una, dahil birthday mo. Pangalawa, dahil maganda ka. 'Di ba, Kuya?" nakangiti kong baling sa katabi niya.

"Ye-yes, Ma'am", nakayukong sagot ni Kuyang Bully.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now