Hashtag! Feelingera! Much!

11.6K 190 10
                                    

“Bakit niya daw ako iniiwasan?” tanong ko kay Krishna. “Hindi daw ba siya nasarapan sa isaw?” pabiro kong dugtong pero ang totoo, nalulungkot talaga ako.

“Kasi natatakot siya”, parang may gustong sabihin si Krishna pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.

“Natatakot saan?”

“Sa mga bagay-bagay.”

“Gaya ng?”

“Eh! Mag-usap kasi kayo. Huwag ako ang tanungin mo”, iwas niya sa tanong ko.

“Pa’no? Puppet ako!” tanong ko kay Krishna na ginagaya ang puppet sa isang commercial ng hotdog.

“Puro ka talaga kalokohan!” natatawa niyang reklamo.

“Sobrang miss ko na siya”, pag-amin ko kay Krishna.

“Yayayain ko siya mamaya.”

“Hindi siya sasama kapag nalaman niyang kasama mo ‘ko.”

“Sino ba nagsabing malalaman niya?” ngiting-ngiting tanong ni Krishna.

Hmm. . . Mukhang gusto ko ang binabalak niya.

“So, meron pong makiki-jamming sa ‘tin ngayong gabi”, sabi ng lead vocalist ng banda.

“Bilisan mo, dali!” hila ni Krishna kay Mej pabalik ng table, galing silang CR.

“Anong meron?” nagtatakang tanong ni Mej.

Pero bago pa man makasagot si Krishna. . .

Itong awiting ito ay alay sa ‘yo ♫ ♬

Sintunado man ‘tong mga pangako sa ‘yo ♫ ♬

Ang gusto ko lamang ♫ ♬

Kasama kang tumanda ♫ ♬

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mej. Pagkagulat in a nice way, yohohohohoho. Ewan ko ba pero feeling ko. . . Ang cute-cute-cute ko nang mga sandaling ‘yon. Feeling ko. . . Ang cute-cute-cute ko kapag naggigitara ako.

Hashtag! Feelingera! Much! [#feelingeramuch]

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now