Demi? Miranda? Ara? Angel? Celine? Or Vanessa?

14.6K 222 17
                                    

Hindi ko alam kung sino sa lima ang ipu-pursue ko. Lahat sila, napapangiti ako. Lahat sila, may puwang sa puso ko. Ayokong magmadali pero sooner or later dapat meron na akong mapili. Si Demi ba? Si Miranda? Si Ara? Si Angel? O si Celine? Lalo akong naguluhan nang makilala ko si Vanessa.

“Pey, ang ganda nitong Vanessa oh, accept ko ‘yong friend request ah”, sabi ng matanglawing si Janna. As usual, pinakikialaman na naman niya ang Facebook ko.

“Huwag, hindi ko pa siya nakikita in person”, pigil ko sa maitim na balak ni Janna.

“Eh paano mo makikita kung hindi mo ia-accept? Hindi ka na naman nag-uutak, Pey, hindi ka na naman nag-uutak”, tonong Nora Aunor na sabi ni Janna. Yohohohohoho, ang dami kong tawa.

Ding! Dong!

“Oh, ‘yan na yata ang pizza. Babain mo na. Nakakahiya naman siguro sa napakaganda mong bisita kung ako pa ang kukuha, ‘di ba?” nagmamagandang sabi ni Janna.

“Kapag ako ang kumuha, ikaw ang magbabayad ah”, pagbabanta ko.

“My God, Epey! Sa yaman kong ‘to? Not a problem. Itanong mo sa delivery boy kung magkano ang Yellow Cab, magpa-franchise ako”, taas noong sabi ni Janna.

“Huwaw! Ang ganda mo sa kuwento, eh ‘no?” pang-aasar ko.

“Seryoso, ako nga ang magbabayad”, sabay abot niya sa ‘kin ng pera na may tatlong tao.

May himala! Sa tinagal-tagal naming magkaibigan, siguro pangalawang beses pa lang ‘to na ililibre niya ako. May lagnat siguro.

“Oh, sukli mo”, sabi ko sa kanya pagkakuha ko ng pizza.

“Keep the change, Alipin. Ang tunay na mayaman, hindi kumukuha ng sukli. ‘Yan ang turo sa ‘kin ni Queen Elizabeth XVI”, tila Donyang sabi ni Janna.

“Teka! Teka! Hindi ka normal. Ano na naman ‘yang ginagawa mong kalokohan?” nagdududa kong tanong.

Toot!

“Sinong nag-chat?” tanong ko.

“’Yong new friend mo.”

“New friend ko?” kunot-noo kong tanong.

“Oo, Pey. New friend mo, ano ‘to? Paulit-ulit tayo?”

“Sino nga?” tanong ko kay Janna sabay silip sa monitor.

“Si Vanessa, hiningi niya number mo kaya binigay ko.”

“Ano ka ba?” nanlalaki ang mga mata kong sambit.

“Diyosa ako, Pey, diyosa”, patay-malisya niyang sagot.

Ting!

Pagbukas ko ng message, ito ang nabasa ko.

“Number saved. ♥”

Toot!

Nag-chat ulit siya.

“Texted you already. Save my number, I’ll call you later. ♥”

Tsk! Tsk! Tsk! Si Janna talaga! Pero bakit parang natutuwa ako na nag-text at nag-chat sa ‘kin si Vanessa? Bakit parang nae-excite ako sa tawag niya? Profile picture pa lang ang nakita ko but I can say  na maganda talaga siya.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now