Janna Meets the Epic Fail Girl

12.9K 206 17
                                    

“Epeyyy!” panirang moment na sabi ni. . .

Wait! Sino ang tumatawag sa pangalan ko?

“Epeyyy!” muli niyang sigaw.

Iginala ko ang aking paningin. Hindi ko makita ang pinanggagalingan ng boses.

“Epey, ako ‘to. Ang Diyosa mong kaibigan”, sigaw niya.

“Janna?” gulat na gulat kong tanong nang makita ko siya.

Pero mas nagulat niya nang makita niya si Mej. “Oh, my God. Ikaw ‘yong babaeng suplada na may jowang mataba.”

“Ako nga”, natatawang sagot ni Mej.

“Nasaan siya?” tila kinabahang tanong ni Janna sabay tingin sa paligid.

“Nasa likod mo”, pang-aasar ko.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Janna habang unti-unti siyang lumilingon sa likuran niya. At ang takot na ‘yon ay napalitan ng. . .

“Walang hiya kang babae ka! Magbabayad ka!” akmang sasabunutan ni Janna ang kasama ni Mej. Hindi si Krishna kundi si Maemae, ‘yong isa pa niyang kasama.

“Ano ba?” natatawa kong pigil.

“Pey, siya ‘yong nagbigay ng number ng jowang mataba ni Jane no’ng isang taon”, akmang susugod pa rin si Janna.

“Ikaw ba ‘yon?”, naa-amaze kong tanong.

“Ako nga. Sorry, hindi ko talaga sinasadya”, paghingi ng paumanhin ni Maemae.

“Hindi sinasadya, hindi sinasadya”, pabulong na reklamo ni Janna. “Kotongan mo lungs mo eh”, nakasimangot niyang dugtong.

“Move on”, natatawa kong tugon.

“Pero, Pey, masayang-masaya ako para sa ‘yo”, sabay yakap sa ‘kin ni Janna.

“Thank you”, sagot ko.

“Pey, masayang-masaya ako para sa ‘yo”, sabay yakap ulit sa ‘kin ni Janna.

“Ano ba?” natatawa kong reklamo.

“Pey, masayang-masaya ako para sa ‘yo”, muling yakap sa ‘kin ni Janna.

 “Oh, oh, oh!” pigil ko sa kanya. “Ayokong natutuwa ka. . . Mamaya. . .”, ang tinutukoy ko ay baka halikan na naman niya ako.

“Pey, naaalala mo ‘yong sinabi ko? Na kapag nagkita kayo ulit, para talaga kayo sa isa’t-isa”, kinikilig na sabi ni Janna habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pero bago pa man maglapat ang mga ito, nahila ko na si Maemae kaya mukha nilang dalawa ni Janna ang nagkadikit.

Tawanan! Isang napakalakas na tawanan.

“God, damn it, Epey!” reklamo ni Janna. “You’re getting into my nerves.”

Yohohohohohohohohohohohoho. At isang na namang mas malakas na tawanan.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now