Confession

11K 194 8
                                    

“So, puwede ko na bang malaman ang dahilan kung bakit mo ako iniwasan?” seryoso kong tanong kay Mej nang mangibang-table na si Krishna.

“May dapat kang malaman”, simula niya.

“Okay.” Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso nang mga oras na ‘yon.

“Hindi ko alam kung magugustuhan mo pa ako kapag nalaman mo ang totoo”, nag-aalala niyang dugtong.

“Ano’ng totoo?” kinabahan kong tanong.

“Epey. . .”, mahina niyang sabi.

“Wait! Don’t tell me, you’re an axe murderer?”

Isang matipid lang na ngiti ang isinagot niya.

“Oh my God! Huwag mong sabihing taong lobo ka? Na hindi tayo maaaring magkatuluyan dahil mortal tayong magkaaway. Dahil ako ay isang napaka-cute na. . . vampire. Rawr!” akmang kakagatin ko na naman ang leeg niya.

“May baby na ako.”

Wait, what? Napatigil ako sa tila Edward Cullen kong peg.

“May baby na ako”, ulit niya.

 “What do you mean? Baby na baby? Baby na babe? I don’t get it.”

“Baby na baby. May anak na ‘ko.”

Whoa! Seriously? Bagay na bagay sa kanya ‘yong kinanta ko kanina.

Para sa ‘kin ♫ ♬

Ikaw ang pinakaprettyng Mama ♫ ♬

Not to mention, pinaka-hot din na Mama.

Did I just say the word, “Mama?” So, ibig sabihin merong “Papa.” Napalitan ng disappointment ang amazement ng maisip kong. . .

“May asawa ka na?”

“Wala! Anak lang pero walang asawa”, sagot niya.

“Ah, baby lang pero walang babe”, pabirong sabi ko kay Mej.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon