One of the Ten Signs You're Falling in Love

13K 217 1
                                    

“Paano niya ako nagustuhan?” nagtataka kong tanong.

“Gising kami no’ng nilalandi ka ni Vanessa”, pigil ang tawang sagot ni Krishna.

“Eh?” Hindi ko gets kung anong connection ng pagkagusto sa ‘kin ni Mej sa panlalandi ni Vanessa.

“Ano, Pey? Slow lang?” Nahalata yata ni Krishna na hindi ko talaga siya naintindihan.

“I don’t get it”, kamot-ulo kong tugon.

“Sabihin na lang nating na-amaze siya sa ‘yo dahil hindi mo pinatulan si Vanessa.”

“No’ng hinalikan. . .”, biglang bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari kagabi. “Hala ka! Nakakahiya!” namumula kong sambit.

“Ikaw ah!” pang-aasar ni Krishna.

“Eh! Kasi naman eh!” nahihiya kong pahayag. “Bakit kasi nanonood kayo?” nagba-blush kong dugtong.

“Kalma! Ano ba?” natatawang sabi ni Krishna. “Wala naman kaming nakita. Sobrang dilim kaya, hello? Pero narinig namin ‘yong sinabi mo. Ang guwapo mo sa kuwento, eh ‘no? Gustung-gusto nga kitang batukan no’n eh! Si Vanessa na ‘yon, Pey. Sobrang ganda, sobrang hot, sobrang kinis, sobra sa lahat tapos tinanggihan mo pa? Hanggang ngayon, naiinis pa din talaga ako. Nakakainis ka! Kung sa ‘kin niya ginawa ‘yon, naku!” nanggigil na sabi ni Krishna.

“Eh si Mej nga kasi ang gusto ko”, abot-tenga ang ngiti kong pag-amin.

“So, kung si Mej ang gumawa no’n, papatulan mo?” nanunuksong tanong ni Krishna.

“Um, let me think”, pagpapa-cute ko.

“Oo, ‘no?” walang tigil sa panunukso ang kaibigan ko.

Ngiti lang ang tangi kong isinagot.

“Ewan ko sa ‘yo. Masyado kang obvious, Pey”, sabi ni Krishna.

“Ikaw naman, masyado kang judgmental”, nakangiti kong reklamo.

“Kissing aside, kung si Mej ang gumawa no’n, papatulan mo?” muli niyang tanong.

“Secret, walang clue”, maikli pero malaman kong tugon.

Nakauwi na si Krishna pero nag-e-echo pa din ‘yong sinabi niya.

“Gusto ka niya.”

“Gusto ka niya.”

“Gusto ka niya.”

Hay! Napakasarap mabuhay! I find myself smiling all day. According to Annie Scott, one of the ten signs you’re falling in love is that you catch yourself smiling. Wait! Am I falling for her?

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon