Signs That Someone Likes You

12.6K 214 11
                                    

“Bagay kayo”, kinikilig na sabi ni Krishna nang kami na lang dalawa. Nakauwi na sina Mej at Vanessa.

“Nino?” pabiro kong tanong.

“Ni Mej”, seryoso niyang sagot.

“Sira”, pigil ang ngiti kong sambit.

“Sus! Kunwari ka pa!” natatawang pambabara ni Krishna.

“Honga!” palabas sa ilong kong pagtanggi.

“Huweh! Hindi mo siya gusto?” naiintrigang tanong ni Krishna.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko. Kapag sinabi kong,

“Oo, Krishna. Gusto ko si Mej. Gustung-gusto ko siya.”

Baka ma-misintepret niya.

Kapag sinabi ko namang,

“Hindi ah! Bakit ko naman siya magugustuhan?”

Ang sinugaling naman ng dating ko. Ayokong matulad kay Pinocchio. Ayokong humaba ang ilong ko.

So, nagpakatotoo na lang ako.

“Gusto ko sana siya kaya lang kaibigan kita kaya isang malaking ekis na ng pink na ballpen”, sagot ko.

“Friends lang kami, ano ka ba?” natatawang pahayag ni Krishna.

“Akala ko ba. . .”

“Guess what?” putol niya sa sinasabi ko.

“What?” kunot-noo kong tanong.

“Gusto ka din niya”, nakangiting sabi ni Krishna.

“Huweh!” kunwari ay hindi naniniwala pero tumatalon ang puso ko sa sobrang tuwa.

“Oo nga!”

“At talagang gusto niya pala ako sa lagay na ‘yon ah”, tukoy ko sa mga pagtataray ni Mej.

Nang magsabog yata ang Diyos ng katarayan sa mundo, nasalo niya lahat. Yohohohohoho.

“Kakaiba kasi ‘yong si Mej, ano ka ba?” napapailing na sabi niKrishna.

“Paano mo pala nasabing gusto niya ‘ko?” interesado kong tanong.

“Unang sign na gusto ka niya, ‘yong pagtataray niya. Hindi ka niya tatarayan kung hindi ka niya gusto. Pangalawa, kunwari hindi siya kinikilig no’ng kumakanta ka pero ang totoo, titig na titig siya sa ‘yo. At pangatlo, sinabi niya sa ‘kin. . .”

“Na gusto niya ako?” medyo assuming kong tanong.

“Oo”, kinikilig na sagot ni Krishna.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now