Yes or No

14.6K 236 28
                                    

Ang ganda niya, napakaganda niya. Teka, si Vanessa pa baa ng tinutukoy ko? Napako ang mga mata ko sa isang magandang babae. She’s wearing a black dress. She looks so familiar. Nakita ko na ang magandang mukhang ito, hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Alam kong nakita ko na siya pero hindi ko talaga maalala. Geez! Habang lumalapit siya, lalo siyang gumaganda.

“Pey”, boses ni Krishna.

“Hey!” tila natauhan kong sabi.

“Mukhang may tama ka na ah”, natatawang sabi ni Krishna. “May nangyari na?” nang-aasar niyang bulong.

Bago pa man ako makasagot sa bintang niya. . .

“Si Mej nga pala, friend ko. Mej, si Vanessa, friend ni Epey. Epey, Vanessa, si Mej”, pagpapakilala ni Krishna.

May tama? Mukhang meron na nga. Pero hindi dahil sa tequila. Mukhang tinamaan ako kay Mej. Mukhang siya na ang gusto kong maging girlfriend.

“Pey, nood naman tayo movie”, yaya ni Krishna pagdating namin sa bahay.

“Anong klaseng movie?” tanong ko.

“I love chick flicks”, sabi ni Vanessa.

“Ikaw, anong gusto mo?” baling ko kay Mej.

“Kahit ano”, matipid niyang sagot. “Pero mas maganda sana kung lesbian movie”, pahabol niya.

Lesbian movie? I love “The L Word” kaya lang series siya. Hmm. . . Alam ko na! Yes or No, Thai film na pinagbibidahan nina Sucharat “Aom” Manaying and Suppanad “Tina” Jitaleela. Bagay na bagay sa aming tatlo. Ako, si Mej, at si Vanessa. Teka! Paano si Krishna? Nganga? Yohohohohoho.

“Ano ‘yan, Pey?” tanong ni Krishna habang umiinom ng tequila.

“Yes or No, Thai movie. Promise, maganda ‘to”, pagmamalaki ko.

Habang busy silang tatlo panonood ng Yes or No, busy din ako. Pero iba ang pinapanood ko, si Mej. Dalang-dala siya sa movie. Gustung-gusto ko ‘yong facial expressions niya. Sobra, as in sobrang cute talaga. Kahit neutral, happiness, surprise, fear, disgust, anger, or sadness, napakaganda niya.

“I love the story”, sabi ni Vanessa pagkatapos naming manood ang movie sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko.

“Nagustuhan mo?” tanong ko kay Mej. Isang matipid pero napakatamis na ngiti lang ang isinagot niya.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherWhere stories live. Discover now