Very Wrong Turn

11.3K 178 5
                                    

“Blag!” Napalakas yata ang pagsasara ko ng pinto. Patakbo akong dumapa sa kama. Gravity! Nahihilo talaga ako sa ininom ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na may dalawang malalambot na kamay ang nagmamasahe sa ‘kin.

“Harder.”

At diniinan niya nga. Napakasarap, Kuya Eddie. Yohohohohoho.

“Masarap?” tanong ng aking instant masahista.

Wait, what? Hindi ako maaaring magkamali. Boses ni Ann ‘yon. Bigla akong napabangon.

“Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?” gulat na gulat kong tanong.

“As far as I know, kuwarto ko po ito”, sagot niya.

Geez! Maling kuwarto ang napasukan ko.

“Epey. . .” mahina pero halatang galit na boses sa labas ng pinto. Holy crap! Boses ni Mej. Geez! Paano ko ipaliliwanag sa kanya kung bakit nasa kuwarto ako ng dati kong girlfriend? Oh, God! Oh, God! Gusto kong maglahong parang bula. Gusto kong magtago sa cabinet, o hindi kaya’y sa ilalim ng kama. Oh, Lord! Bakit walang fire exit sa kuwartong ito? Lord, please! Kunin mo na ‘ko!

“Epey, alam kong nandiyan ka.”

Ako na yata ang pinakakabadong tao ng mga sandaling ‘yon. Bahala na si Batman! Wala na akong matatakbuhan, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Pak! Pak!

Mag-asawang sampal ang natanggap ko, Ouch!

“I’m sorry.”

Akala ko, sasampalin na naman niya ako. Nakita ko siyang pumasok sa kuwarto ko, sinundan ko siya at isa na namang sampal ang natanggap ko.

“Babe, let me explain.”

“Ako ba, pinagpaliwanag mo kanina?”

“Babe, please. All you have to do is trust me.”

“Ang kapal naman ng mukha mong hingin ang isang bagay na hindi mo kayang ibigay.”

Umiiyak siya, ‘yan ang pinakapangit na scenario na aking nakita.

“Babe.”

“Wala pang isang buwan, Pey. Wala pang isang buwan”, umiiyak pa din niyang sabi.

“I didn’t do anything”, paliwanag ko.

“Huwag na tayong magtanga-tangahan, Pey, Nasa kuwarto ka ng ex-girlfriend mo. Anong gusto mong isipin ko?”

“It’s not what it looks like. . .”

“Hindi ako ipinanganak kahapon, Pey.”

Katahimikan. Isang napakabahang katahimikan.

Argh! Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala na wala talaga akong ginawa? I hate you, Jack Daniel’s. I really do. Hindi ko na talaga alam kung ano’ng gagawin ko.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon