What Turns Me On?

13.1K 204 11
                                    

“Ikaw, Pey? Kung ikaw si Kim (tinutukoy niya ang bidang lesbian sa pelikula), sino ang pipiliin mo? Si Pie o si Jane (ang dalawang babaeng may pagtingin kay Kim)?” tanong ni Krishna.

Jane. Hanggang ngayon, sa dinami-dami na ng nakilala ko, naiisip ko pa din si Jane. Dalawa na silang super-duper mega uber crush ko, si Jane at si Mej. Yohohohohoho.

“Ano na, Pey? Magpa-Pasko na! Extend ka pa?” hinihintay pala ni Krishna ang sagot ko.

“Kung sa pangalan, bet ko ‘yong Jane. Pero sa story, si Pie ang pipiliin ko.”

“Bakit si Pie?” tanong ni Mej.

“Yeah, Jane is a lot prettier”, dagdag ni Vanessa.

“Well, given na ‘yong pareho silang maganda pero mas gusto ko ‘yong personality ni Pie eh”, sagot ko.

“Kahit sobrang taray, Pey?” paninigurado ni Krishna.

“Yeah, that’s what I like most about her. Siya ‘yong tipo ng babaeng paghihirapan mo bago mo makuha ang matamis niyang oo”, sabay lingon ko kay Mej.

Umiwas siya ng tingin. Hindi ko sigurado kung namamalik-mata lang ba ‘ko pero parang nagba-blush siya.

“Mas bet ko si Jane”, sabi ni Krishna.

“Bet ka ba?” pang-aasar ko.

“Ah, ewan! Pero hindi nga, Pey. Seryoso! Minsan mas okay din kung babae ang unang lalapit sa ‘yo, ‘di ba Vanessa?” sabay ngiti ni Krishna na parang may laman.

“Baby!” boses galing sa taas.

Nagkatinginan ang lahat.

“Paabot naman ng isang basong tubig, salamat.”

“Who’s that?” naiintrigang tanong ni Vanessa.

“Si Ann”, sagot ko.

“Who's Ann? Why is she calling you “Baby?” muli niyang tanong. Pero sa halip na sumagot, kumuha ako ng isang basong tubig at dinala ko sa kuwarto ni Ann.

“Ex-girlfriend niya ‘yon”, narinig kong sabi ni Krishna. “Nagre-rent sa kabilang kuwarto”, dagdag niya.

“Pakipatong na lang”, utos ni Ann.

Like a boss ang peg, ‘di ba? Nakadapa siya sa kama. As usual, busy na naman siya kaka-text kay Nina. Pero bakit parang hindi na ako nasasaktan? Bakit parang wala na akong nararamdaman?

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon