Chapter 2

4 1 0
                                    

I was in the middle of my meeting, still… with my team at tomorrow mag start na kami ng pictorial for me and my new products pero laging napuputol dahil panay tawag ng mommy ko, sumabay pa si Jescy and even Nathaniel. Naiinis na ako kaya pinutol kona agad ang meeting namin. Tinawagan ko naman si Jescy agad.

“what?!”

'chill girl! Papunta na ako dyan. Kanina pa tayo hinahanap ng mommy mo!'

“bakit? Wala naman kaming schedule ngayon ah?!”

'sabi kona makakalimutan mo eh' napa kunot noo naman ako. 'Nathaniel is back that’s why they are in their house and they are waiting for you ‘cause it’s already 7:30 in the evening'

“shit! Oo nga pala!” dali dali ko naman inayos ang mga nasa lamesa ko. “mauna kana dun! And call my mom and I’ll call Nath!”

'fine!' binaba ko naman agad ang tawag ko saka kona lang tinext si Nathaniel.

To: Nathaniel
I’m sorry! I’ll be there as soon as I can! Xo

Dali dali na ako nag drive pero inaabot talaga ako ng traffic. Ayaw na ayaw pa naman ni Nathaniel na nalalate ako sa usapan namin. Hindi naman niya ako sinusundo dahil nga alam niyang dala ko lagi ang sasakyan dahil panay ako ikot sa city.

It’s just that wala siya sa schedule ko dahil nga alam kong next month pa ang dating niya pero napaaga siya kaya nawala sa isip ko. Nasubsob nanaman kasi ako sa office kaya hindi ko napapansin ang mga tawag ko simula kanina pang tanghalian.

Pag dating ko sa bahay nila Nath ay naka parada na lahat ng sasakyan ng pamilya ko doon. Dad’s car is here at wala ang kay mommy kaya for sure sinundo niya ito. Kuya Roshs’ Volvo is here nadin at pati ang Subaru ni Jescy ay nandito nadin so I have to get inside. I fix my hair and my dress first saka ako pumasok ng bahay.

Walang tao roon at mukhang sa likod sila nag ayos ng dinner. Pag labas ko ng likod bahay ay napuna agad ako ni Nathaniel kaya sinalubong ako agad nito. Nag sorry naman ako pero tipid na ngiti lang ang ginawad sakin.

Binati kona din ang pamilya nito saka ako bumati sa aking pamilya. Lumapit nadin ako sa mga kaibigan ko na andito. Nag aya naman na silang kumain at kinuhaan kona din si Nathaniel na nasaking tabi.

“why are we here?” bulong saking tanong ni Marivic. Nasa kanan ko ito at sa kaliwa ko naman ay si Celle at Jescy. Naka pila kami sa buffet table ngayon.

“gaga! Free food na to tumatanggi kapa” biro naman ni Celle rito.

“yeah! Pero ilang beses ng umuuwi yung jowa nito pero never naman tayong sinasama sa gantong dinner” napakibit balikat nalang naman si Celle sa sinabi nito at saka naman din sumingit si Jescy sa gitna namin ni Marivic.

“what if he propose tonight?” pare-parehas naman ang reaction naming tatlo sa tanong ni Jescy.

“God no Jes! Hindi pa ako handa!” giit kong bulong dito.

“then pray harder darling” bulong din ni Celle sakin.

What if nga?! What if he proposes? I don’t want to say yes. I mean… I’m not yet sure… I still have plans and dreams for my company. Hindi pa siya included at ayaw ko pang maging sunod sunuran dito. Masyado pang maaga. Hindi pa nga siya graduate sa law school.

Nang makakuha ako ng food ay bumalik nadin ako sa table namin. Sila Jescy ay nasa kabilang table kasama ang kuya at si Misha. Dito kasi sa table ay puro parents lang din namin. Hindi ako halos makakain ng maayos dahil kinakabahan ako sa sinabi ni Jescy sakin.

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now