Chapter 42

0 1 0
                                    

The party last night ended almost five in the morning. Kami na ata ang nag sara ng bar at kahit mga naka inom kami ay maayos pa kaming lahat na lumabas. We eat pa sa nearest food chain na nakita namin dahil yun palang ang bukas ng ganung kaaga.

Ang ingay ingay namin nun at kami lang halos ang tao. Mga nakainum din kasi kami kaya panay kami kulitan at tawanan. Buti nalang at hapon ang rehearsals at paniguradong kakayanin namin maka punta lahat. May mga hang over nga lang.

Pag kauwi namin ni Rav ay halos hindi na kami nakapag bihis pa sa sobra naring antok. We just lay down sa bed, sabi pa namin pahinga lang bago mag bihis pero nagising kami ng sabay when someone knocked on our room. Hirap na hirap akong tumayo and when I saw the time ay isang oras nalang halos bago ang rehearsals namin.

Thanks God at pinagising kami ni mommy kela yaya kung hindi ay hindi kami naka punta sa sarili naming rehearsal. Rav took a shower sa kabilang room while I went inside to mine. Dali dali na kaming nag ayos at nag jeans and shirt lang kami at kahit makulimlim sa labas nakuha pa naming mag sun glasses dahil kulang kami sa tulog. Ang bagal ding umipekto ng gamot sa sakit sa ulo kaya hapong hapo kami sa sasakyan.

When we arrived sa venue ay sakto lang ang dating namin. Our parents are their and the cute little babies of our cousins na mga flower girls and mga ring, bible, coin bearers namin. At ang grooms men at brides maid namin dumating nadin at lahat kami ang mga naka sun glasses sa sobrang tipid na tipid ang pahinga.

“why on earth are you all wearing your sunglasses? Hindi naman maaraw?” sita ni tita Emily.

“hangover tita. Bare with us!” paalala naman ni Jasper rito na ikinatawa ng lahat. Lahat kasi kami ay lulugo lugo kaya natatawa lang silang lahat sa itchura namin.

“even the bride and the groom? Anong oras ba kayo natapos sa party niyo?” now mommy make her way to ask questions.

“let’s just start ma. Ang sakit na ng ulo namin” kuya Rosh just answered saka na nga namin sinimulan ito.

The organizer just assist us and put us in our proper places. Hindi naman gaanong nag tagal dahil mukhang nakaramdam ito sa mga itchura namin. Pag ka tapos na pag katapos ay halos lahat kami ay nag kanya kanyang upo at iniinda ang masasakit na ulo.

“nag pabili ako ng gamot. Effective to kaya inumin niyo na” tita Ems and my mom hands us each piece of medicine and a bottled water. Pangalawang gamot na namin to ni Rav kaya sana umipekto.

“pinag papawisan ako sa hilo baby” reklamo naman ni Rav sa tabi ko kaya pinasandal kona ito sa aking balikat.

“kaya niyo pabang mag dinner? Susko ang mga itchura niyo” reklamo ni tito Sac.

“kasalanan niyo din naman yan. Get up now! Let’s just finish our dinner para makapag pahinga na kayo” utos naman ni dad samin kaya wala na kaming nagawa kundi ang kumilos at bumyahe papunta sa restaurant.

Hindi kami pwedeng mag pass dahil pinaghandaan ito ng magulang namin kaya kahit masasama ang pakiramdam namin ay talagang inayos namin ang aming sarili para doon. Rav and I slept the whole ride dahil medyo na stuck din kami sa traffic. Pag dating naman kahit papano guminhawa na ang lagay ko.

“masakit padin ulo mo?” baling ko dito pag kaupo namin.

“nawala na din kahit papano” akbay nito sakin saka humalik saking ulo kaya napasandal naman ako dito saka yumakap sakanyang bewang.

This restaurant was rented for us. Half of the vicinity lang naman dahil hindi naman kami ganun karamihan. More on friends and family lang namin ni Rav. Andito halos ang mga pinsan ko and their babies. Sa side ni dad dahil may kapatid pa siyang lalaki na mas bata sakanya while mom is an only child. And sa side naman ni Rav ganun din.

Hindi kalakihan ang family namin pero kela Rav ay malaki. Tita Ems has two more sisters na isang mas matanda rito at isang bunso kasama ang mga anak nila at mga pamilya ng iba. While tito Sac has one more brother na mas matanda sakanya pero he passed away kaya family nalang nun ang kasama namin pati ang mga apo nito.

Jea was a bit bubbly anak ito ni Jake na pinsan ni Rav and mostly ng family side ni Rav ay sa states na nag lalagi kaya kailan ko lang sila nakilala din. But I’m fond of those kids running around nakaka tuwa silang pag masdan and they lightened up our day.

“attention everyone!” tayo naman ni dad at sumigaw sa ingay ng crowd. “I would just like to have a toast for this two” turo pa nito samin “ngayon kona to gagawin dahil Jr hijo, you cannot spend your night tomorrow with her and that’s a tradition you have to follow kaya ngayon namin din naisipan ang dinner na to” tango naman ni Rav kay dad.

“I would just like to say how happy I am, well me and my wife” akbay pa ni dad kay mommy na nasa tabi nito “that Rj here is now tying a knot with this great man… they are married -thank you sa mga kalokohan ng lolo niyo-“ tawanan naman naming lahat dito.

“but now they are gonna be official. I know how you planned everything that will happen in your life sweetie most especially your dream and your career. But hindi lahat ng dadating sa buhay mo ay mapla-plano mo. God is the one that is planning your life sweetie. And you have to thank him for giving you this man that will be with you for the rest of your life… Jr hijo, please do treat my princess as your queen”

“I will tito!” ngiti pa ni Rav kay dad.

“and learn to call me dad!” tawa naman ng lahat “dahil hindi pa man kayo kasal officially, I already welcomed you in our family… your mom and I love you both so much”

“we love you too” saka naman kami lumapit ni Rav rito at yumakap at humalik saka bumalik ng upuan at nakipag toast narin.

“hindi naman din syempre ako papayag na hindi mag bigay ng message sa dalawa” tayo naman ni tito Sac na tinawanan namin.

“since kasi namulat na sa mundo tong anak kong to halos hindi na kami nito sinasali sa mga desisyon niya. We ask pero hindi siya sasagot kaya minsan nag aalala din kami kahit lalaki pa siya… but now that Rj here came to his life ang daming nag bago. He was once engaged noon but we never saw his side like this… nag pla-plano siya… nag pla-plano siya at iniinclude niya kami doon. He even ask our opinions na never nangyari kahit sa opisina” napanguso naman ako kay Rav dahil natawa narin ang iba rito. Sinandal lang naman ako lalo nito sakanyang dib-dib at nag dampi nanaman ng halik saking ulo.

“thank you anak dahil alam mo naman ang mommy mo, maalalahanin at kahit may edad kana gusto niya alam niya parin ang nangyayari sa buhay mo lalo na lagi kaming nasa ibang bansa. But now that finally you decided to marry each other -nanunukso lang naman kami nung una pero syempre hoping na maging kayo talaga in the end- we are so happy and relieved kasi natagpuan niyo ang isa’t isa. You both deserved each other. You’ve never been this way sa past mo… we never saw you happy like this anak… kaya nakakatuwa kasi mapupunta ka sa taong ramdam namin kung gaano mo siya kamahal… nilalanggam na nga kami sainyo at halos hindi na namin kayo mapag hiwalay… but we love you… we both love you… and sana bigyan niyo narin kami ng apo. Hindi kami bumabata mga anak. Tumatanda na kami. Maawa kayo samin!” napuno nanaman ng tawanan ang hall dahil sa huling sinabi ni tito Sac and lumapit lang kami sa mga ito at yumakap rin.

It ended just right. Kahit masama ang pakiramdam namin ni Rav ay masaya kami sa salo salong iyon. We thanked everyone that joined us that night at ng natapos din iyon ay umuwi nadin naman kami agad ni Rav. Naka nguso agad ito sa may kama pag tapos ko mag shower.

“why are you sulking?” tabi ko rito saka naman yumakap. Pinaunan pa ako nito sakanyang balikat.

“can we just not follow the tradition? We’re married and maybe I can be with you tomorrow night” napangiti naman ako dito. Oo nga pala nasabi ni dad ito sakanya kanina.

“our parents will get mad baby… isang gabi lang naman and you can have me every night pag katapos ng kasal” he naughtily looks at me saka naman ako nito pinatungan.

“then I’ll have you tonight” tease pa nito sakin. “let’s make apo na daw” natawa naman ako sa kalokohan nito lalo na nang pag halik halikan ako nito sa kung saan saan.

Rainy MadnessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora