Chapter 3

8 1 0
                                    

Everything for tonight is set. Everyone that we knew is set already at siya nalang ang tanging hihintayin ko sa araw na ito. It was her birthday and it was our 2nd anniversary as a couple.

Ayaw niyang mag handa para sa birthday niya at gusto niya simpleng dinner lang with me. Nasa states daw kasi ang family nito and it was our day kaya kami nalang daw muna ang mag sasama.

I was glad na umayon siya sa planong naiisip ko. Susunduin ko siya for our dinner date at dun na mag sisimula ang aking surpresa. Dali dali akong umuwi para makapag bihis and even picked up the flowers I ordered. Brianna love tulips, any color to be exact. It was a rare rose here in this country pero nag pa order pa ako sa ibang bansa para lang doon.

I was now waiting on his condo unit and when she opens the door I was mesmerized. She was wearing a silky dark green dress that flows above her knees. She is really a beauty and that’s one of the perks which I love from her.

“hi” bati nito sakin na may halong kilig pa. and I was the same. Nilabas ko ang tinatago kong bulaklak and she was shocked about it.

“I’ll do anything for you to be happy Bri” sabi ko rito bago lumapit. She took the flowers and I hug her and kiss her temple. “let’s start our night” tango nito sakin saka naman niya sinara ang kanyang condo.

Kinakabahan ako sa totoo lang. ayaw kong pumalpak sa planong ito pero heto ako at kinakabahan nanginginig ang mga kamay ko at pinag papawisan ako ng malamig pagka dating namin sa hotel.

Dinala kona muna ito sa restaurant at dun kami kumain. She was smiling all the time and telling me how glad she is for this day. Ganyan naman siya noon pa man kaya siguro masaya ako sa piling niya.

“oh my!” nagulat ito ng may bumunggo sakanyang likod. I saw what happen to the waiter kaya alam kong hindi niya sinasadya ang pag sagi sa upuan ni Bri.

“ma’am sorry po! Pasensya na po talaga” hingi ng tawad sa waiter.

“my God! Muntikan muna akong matapunan ng dala mo. What if you spill it on me huh?!” sigaw na agad nito.

“Bri enough… hindi sinasadya. I saw it okay?” pigil ko rito.

“sir pasensya na po talaga! Iniwasan kopo kasi yung mga bata-“ pigil ko rito.

“tsk! Kahit na! umiwas ka nga pero tinamaan mo naman ako. Sa susunod siguraduhin mong iiwas ka sa lahat hindi lang sa isa!” galit nitong sabi.

“Bri enough… please...” pigil kong muli dito saka kona din sinenyasan ang waiter na umalis nalang. Hindi kasi ito titigil hangga’t nakikita niya ito sa paligid.

“is he that stupid?! He ruined the night nakakainis!” gigil nitong sabi sakin. Kahit ako ay nalungkot din sa nangyari. I know Briannas’ attitude and she won’t stop until she release it.

“we’ll just go Bri” pinal kong sabi rito at saka naman sumenyas sa waiter ng bill namin. Tinatangka pading pigilan ni Brianna ang galit niya pero talagang hirap siya.

Nang makapag bayad ako ay hinatak kona ito agad paalis ng restaurant. Sumakay kami ng elevator paakyat pero mukhang hindi man lang niya nahalata dahil nag pupuyos padin ito sa galit. Gustuhin ko mang itigil pero alam kong nag hihintay ang mga tao sa pag dating namin.

Pag labas namin ay tinungo ko agad ang kwarto. Pinapasok ko ito pero natakot pa dahil walang ilaw sa loob. Inalalayan ko naman ito agad at saka na kami pumasok dalawa.

“ano to?!” galit pa nitong tanong. Nawalan nalang din ako ng ganang sagutin pa siya at nag kataon namang bumukas nadin ang LCD sa gitna.

It was our pictures together and even our friends. I saw confusion in her eyes pero mukhang onti onti nading nawawala ang galit niya. Napabuntong hininga pa ako muna bago ako lumapit sakanyang tabi. She hug me pag lapit ko and saw how her smile is slowly showing.

Napanatag naman ako kahit papano sadyang hindi lang talaga maganda ang nangyari sa umpisa. Pero inalis ko nalang yun sa aking isipan at sinamahan ko siya panuorin ang aming mga gawa.

Nang matapos ang palabas ay humarap ito sakin na may luha na sakanyang mata. I know she would cry pero hindi ko sinasadya iyon.

“hush now Bri” punas ko ng luha nito na ikinatawa lamang niya. “surprised?!” tango nito sakin. “it’s not over” ngiti ko rito at saka naman bumukas ang ilaw at nag sipag sigawan ang mga taong nag tatago sa dilim kanina.

“HAPPY BIRTHDAY BRIANNA!!” nagulat pa ito nag masipag sigawan at sumabay pa ang mga confetti sa gilid.

Lumapit agad ito sa kanyang magulang na kakauwi lamang kanina. Nag sipag lapitan nadin ang kanyang mga kaibigan kasabay ng mga kaibigan ko. Even my parents are here. And they are glad when they come near us.

I organized this event for her dahil matagal na niya ding hindi nakakasama ang iba lalo na ang pamilya niya. Brianna is busy with her work as a Model and even on her perfume business. Andito rin kasama namin ang mga katrabaho niya kaya tuwang tuwa ito.

“what happen earlier dude?” tapik sakin ni Jonathan.

“let’s just skip that” pigil ko rito.

Nag pahanda narin naman kami ng dinner para sa mga ito at nag iikot lamang si Brianna bawat lamesa. Tumabi lang naman ako sa mga kaibigan ko pag tapos ko batiin ang aking mga magulang pati ang magulang nito. Pero hindi pa natatapos ang gabing ito hangga’t hindi kopa nasisimulan ang isa pa sa mga surpresa ko.

“ano na dude?! Tagal paba?” reklamo ni Carlos.

“wag ka ngang mag madali! Atat ka nanaman mambabae eh!” asar ni Oscar dito na binatukan naman agad ni Carlos.

“not that asshole! Gusto konang marinig ang sasabihin ng kaibigan natin. Putcha pare! Pustahan tayo iiyak to” asar nanaman ni Carlos sakin.

“talagang iiyak yan! Kinakabahan na nga kanina pa eh!” dugtong pa ni Miguel.

“kaibigan koba talaga kayo?” natawa nalang ang mga ito sakin.

Nilapitan ko naman agad si Brianna na nasa lamesa ngayon ng mga ka trabaho niya sa pag momodelo. I greeted everyone saka ko naman na ito hinatak papunta sa gitna muli.

I requested some songs at sinayaw ko ito sa gitna. I was just staring at her the whole time. Smiling and whispering how much I love her.

Tama ang napag desisyunan ko para sa araw na ito. Ang pag mamahal ko rito ay sobra sobra na. I accepted everything about her, her being that moody and getting mad that fast. It’s her who I really love and can’t even define how much thus it cost.

I love watching her do her things everyday at hindi ako nag sasawa doon. I never felt this before sa mga past relationships ko. Wala ring nag tatagal at hindi ko masabing naging ganito ako ka seryoso sa iba.

Hindi ko rin naman mapaliwanag kung paano ko nasabing siya na ang karapat dapat kong makasama habang buhay. I just wanted to tell her everyday and show her my love. And prove to her that I’m gonna be the luckiest man dahil nasakin siya.

“Bri… can I ask you something?” taka naman nito sa sinabi ko.

“what is it?”

“if I ask you to marry me will you say yes?” nanlaki naman agad ang mata nito sakin at doon na ako humugot ng kung ano sa aking pantalon at saka tuluyang lumuhod sa harap nito.

The surrounding became quiet and I know everyone is shocked on what I did. Mga kaibigan ko lang ang may alam pati narin ang magulang niya at magulang ko. It was indeed the best time for me to do it at wala ng ibang araw pang dapat sayangin.

“it was our second year Bri… and you know how much I love you and I always show that everyday” patuloy ang pag iyak nito. 'I wanna secure you in my arms for the rest of my life Bri… please be mine” lalo naman ito napa iyak.

“yes... yes I’ll marry you” napa ngiti naman ako dito saka ko sinuot ang sing-sing na kanina kopa hawak hawak. I stood up and kiss her at dun kona narinig muli ang ingay ng kapaligiran.

Everyone was cheering and shouting something pero I was to glad when she said yes. She’s crying inside my arms but this time I knew that she is happy on her decision.

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now